Forever? Is there such thing called Forever?
Nicole's POV
Nagising ako ng nagring na ang aking Alarm Clock.First day of school ko ngayon. Syempre ginawa ko ang morning routine ko atsaka bumaba na at nag almusal.
Syempre wala ulit sila mama at papa, lagi naman silang wala,kaya di na nakakapanibago. Puro sila trabaho wala silang time para sa anak nila.
Sanay na akong mag-isa. Since elementary palang ako ganyan na sila.Hyssst. Bagong transfer palang ako kaya naman no friends. Kakalipat lang namin ng bahay sobrang miss ko na yung dati namin bahay back in Palawan.
Haysst! Buhay nga naman parang life. Nagcommute nalang ako kasi di pa ako pwede mag drive though alam ko na mag drive pero masyado pa akong bata wala pa ako sa tamang edad.
-------------------------------------------------------------
Pagkarating ko sa school. As usual hinanap ko classroom ko. At yun nga nahanap ko.
Pero bago pa ako makapasok may bumato na agad sakin! Ugh! First day talaga ahh may bully agad.Nerd kasi akong tignan yun bang baduy manamit with matching glasses plus magulong buhok at braces.
Tinignan ko yung taong walang hiyang bumato sakin na ngayon ay tawa ng tawa. Nako! Tawa ka lang hanggang matiguk ka na dyan!!. Ganda ng araw ko eh. Tinignan ko siya ng masama yung super sama talaga yung matutunaw siya. At nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at naghanap ng mauupuan.
7:40 na nga at pumasok na yung teacher namin. Pero iba siya ahh maganda siya. Siguro nasa 30's na siya. Mas mukha pa akong matanda awee!! Ayun nga blah blah blah lesson lesson notes notes notes kopya kopya.
Pero bago matapos ang oras ipinakilala kami na transferry ni Ma'am Buance sa buong klase. Mga apat siguro kaming bago.
(Recess)
Nasa kalagitnaan na nga ako ng pagkain ng lumapit sakin yung isa kong kaklase pero bago rin sya.
"Hi! Ako nga pala si Kristelle Habana at gusto ko sanang makipagkaibigan sayo kasi transferry lang ako." masigla nyang sabi napanganga lang ako kasi napaka energetic nya.Hahaha cute niya rin
"Hi pwede naman, ako naman si Nicole Cortez" sabi ko naman na may halong hiya. Umupo siys sa tabi ko at nakipag kwentuhan tinururo niya sakin yung "crush" daw nya. "Uy! Ang cute ni Xander noh?" sabay turo dun sa naka itim na jacket na lalake. "Ahh oo cute naman sya ganda ng rectangular smile nya nababagay sakanya." sagot ko sakanya.
Pero napasipa ako sa upuan ng nabalin sa aking tingin yung lalakeng bumato sakin kanina pero nandiri ako ng nakita kong may kandong siyang babae habang tumatawa yuck! F*ck boy siguro siya tapos yung babae naman feel na feel. Wait nga bat ganto pinagsasabi ko wala naman akong pake sakanila eh. Wala nga ba? Hysssst! " Kristelle kilala mo ba yung lalakeng may kandong na babae dun" tanong ko."Ayy si Beaver yan tapos yung kandong niyang babae yan si Monique the Bitch!" natawa naman ako sa sinabi niya nilakas nya pa talaga yung salitang Bitch.
Nag ring na nga yung bell na nangagahulugang time na. Umayos na nga kami at pumasok na yung teacher namin. As usual sulat sulat kopya kopya listen here listen there, resite resite dito resite doon.
(Lunch Time)
Naguusap lang kami ni Kristelle ng kahit na ano anong bagay kahit na walang kwenta tinatawanan namin.
Habang kumakain kami may bumato nanaman sakin. Nako! Nanggigigil na ako ah. Dahil sa init ng panahon di ko mapigilang sumigaw at magalit lumingon ako dun sa bumato sakin at lalong pa akong nanggigil "Ano ba? Kanina ka pa ah!! Boxing nalang tayo! Bwiset karin noh? Panira ka ng araw!! Masyadong Papansin."
Kumuha ako ng piso sa bulsa ko at binato papunta sakanya. "Ayan piso bumili ka ng bwibwisitin mo!" Mas lalo pa akong nainis nang sumawsaw yang Monique na yan. " Hey you Bitch! Dun ever make sigaw sigaw to my baby Beaver! Or else you will regret!" Bulalas sakin ni Monique.Syempre di nagpatalo ang lola niyo."Hoy ikaw wag na wag mo kong ma taglish taglish dyan kasi di mo bagay! FYI di ako Bitch! Ikaw nga tong ang ikli ikli ng skirt eh." Hinila ko si Kristelle palabas para makaiwas na sa away hahaha takot ako makipag away minsa hanggang salita lang ako. Bago pa ma kami makalabas inasar ko muna sila "Hoy Monique mukha kang coloring book hahahahahaha di pantay kilay mo ulul! Bagay nga kayo ni Beaver sya mukhang rabbit ikaw coloring book!wahahahah" pagkatapos ko sabihin lahat yun kumaripaspas ako ng takbo mamaya sabunutan pa ako nun.Wag nila akong binubully bully dito kasi di porket nerd ako di ako marunong lumaban. Ayokong kinaawaan ako at ayokong kinakawawa nila ako¤.
Nag ring na nga yung bell at bumalik na kami ni Kristelle sa room. So ayun nanaman sulat sulat listen here listen there notes notes kopya kopya sagot sagot yun lang ginagawa namin.
Pagkatapos ng 3 long,boring hours dismiss na kami. Nakakapagod rin. May mga assignment din as usual. Naglakad na nga ako pauwi hanggang sa nakauwi na. Syempre ginawa ko ang aking routine naligo,kumain,gumawa ng assignment,nagbasa ng wattpad tinuloy ko yung binabasa kong Hell University by Knight in Black yieee ganda nung story eh. Sana totoo nalang si Ace Craige .. Hahahah
-------------------------------------------------------------
Itutuloy....Guys sana nagustuhan nyo comment kayo kung may kulang or may dapat akong ayusin.
Vote nyo naman po hahahahah (depende po sainyo kung gusto nyong ivote)
Alaviioooo allll
YOU ARE READING
Playing With Destiny
Fiksi RemajaDestiny? Sabi nila we meet people with many reasons. Destiny is a very meaningful word. Pano kung pinaglaruan ka ng Destiny? Will you fight for him/her? Does every story deserves an happy ending? Minsan we need to let go. We can't control Tadhana...