Chapter 19

3 1 0
                                    


Beaver's POV.

~3 months later~

Kinakabahan ako para sa araw na to. Sana naman maging maayos to.

Nicole's POV

"Are you ready?" tanong ni mommy.

"Sa totoo lang po hindi. Kinakabahan po ako." aniko

"You can do this anak"

Buti nalang andito si mommy. Pati na rin si Kristelle na tutok na tutok sa cellphone niya mukhang galit ang bruha HAHA.

"Are you okay Kristelle" tanong ko sakanya. Alam ko eh. Lumalaki ang butas ng ilong niya. Haha.

"Nakakainis kasi tong Xander na to eh. Sarap sapakin. Sabi kong dalhin niya yung sapatos ko eh. Nakalimuta niya daw." aniya.

" Haha para yun lang. Hiramin mo nalang yung sapatos ko jan." aniko naman.

"Babe! Sorry nakalimutan ko talaga. Sorry talaga." ani ni Xander na bigla bigla na lang na pumapasok. Parang Alien.

Hindi naman nagsasalita si Kristelle na nakatalikod lang kay Xander.

"Babe sorry na please. I'm very sorry. Babalik nalang ako sa bahay." ani ni Xander. Kawawa naman tong Xander na to.

"Wag na! Pinahiraman na ako ni Nicole." sagot ni Kristelle.

Niyakap naman ni Xander si Kristelle. Syempre ang bruha di niya kinaya niyakap din pabalik si Xander. Hyasst.

" Tama na yan. Ang lalandi niyo hahahah." aniko naman.

Nagtawanan naman kaming lahat.

..........

~After 30 mins.~

"Omayghad ang ganda mo anak." ani ni mommy.

"I know ma. No need to remind me hahaha. Joke lang po syempre po nagmana po ako sainyo.haha" aniko.

.....

Beaver's POV.

*Dugdugdugdug*

Rinig niyo ba yun? Yung tibok ng puso ko. Kase ako rinig na rinig ko.

"Andyan na" sigaw ng isa sa mga tao.

Mas lalo namang lumakas yung tibok ng puso ko.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Nicole na nakasuot ng puting gown. Haha syempre puti alangan namang mag itim siya na gown eh kasal na namin to. Haha tanga ko lang.

Habang papalapit siya di ko maiwasang maluha. Di dahil sa malungkot ako kundi dahil sa saya na nararamdaman ko.

Akalain mo lang kasi kahit ano anong problema namin simula pa noong high school. Nung high school palang kami pinaglaruan namin siya which is pinagsisisihan ko. Dahil din naman dun eh nahulog ako sakanya. Kasi narealize ko na dapat na yung babaeng katulad ni Nicole eh hindi pinaglalaruan dapat minamahal.

Sa mga oras na ito, nakikita kong nakangiti si Nicole eh di ko na napigilang maluha ng sobra.

(A/n: skip natin dun sa mga vows na)

"Hmm. Nicole alam mo naman na di ako yung tipo ng tao na laging nagsasalita na maikli lang mga sinasabi ko. Pero paano ba to hahahah. Yung salitang I Love You ay di sapat para ipakita ang pagmamahal ko sayo. Pero gusto kong ipagsigawan sa lagat ng tao na nandito na. MAHAL na MAHAL na MAHAL kita sobrang Mahal kita. Maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Nicole! Simula ngayong araw na ito sayo lang ako. Bacause of you I bacame a better person."

Habang sinasabi ko lahat iyan eh naiyak nanaman ako. Sino ba kasing lalake ang di maiiyak pag mapapakasal ka sa taong pinamahal mo yung taong nagbibigay ng saya, kulay sa buhay mo.

"Beaver! Ang masasabi ko lang ay maraming salamat dahil andyan ka palagi para saakin. Sana wag kang magbago. Hehe. Mahal na mahal din kita. Lagi mong iisipin na andito lang ako para sayo di kita iiwan. Tsaka sayo lang din ako at akin ka lang hahahaha. Salmat sa pagtyatyaga sa akin kahit ganto ako kabaliw hahah. Mahal na mahal kita Beaver!!"

Pinunasan ko ang mga luha ng kanyang mga mata. Niyakap ko siya dahil di ko mapigilan sarili ko na yakapin siya. Alam niyo ba yung feeling na gusto mo lang siyang yakapin. Ayaw ko siyang pakawalan.

Pagkatapos nun eh nagpalitan kami ng singsing. Shet lang naiiyak nanaman ako di ko lang talaga mapigilan.

Nicole's POV.

Di ako makapaniwala na isa na akong Misis Alterado.

Kahit naman pinaglaruan kami ni Destiny eh bandang huli kami parin ni Beaver. Pero ngayong kasal na kami alam kong mas marami nanamang problema ang dadating.

"Congratulation anak! I love you!" -mama

"Beshiii! Misis Alterado ka na hihihi."- Kristelle

"Pre congrats, ingatan mo yang si Nicole. Kristelle hintayin mo lang tayo din balang araw. Baka bukas na ako mag propose sayo hahah" - Xander.

"Sira! Puro ka satsat.!" -Kristelle.

"Dre! Wag mong lokohin yang si Nicole or else ako papatay sayo. Pag pinakawalan mo pa siya ako na sasagip sakanya. Mapupunta siya saakin!" -Kobe.

Natawa naman ako sa pinagsasabi ng mga toh.

Si Kristelle at Xander eh puro away pero makikita mo namang nagmamahalan sila.

Tong si Kobe eh sarap pektusan kahit ano ano pianag sasabi. Hahaha pero kahit ganyan yang mga yan mahal na mahal ko yang mga kaibigan ko.

"Pre! Syempre di ko papakawalan tong si Nicole. Mahal na mahal ko siya eh" ani ni Beaver. Sabay yakap saakin. Namula naman ako na parang kamatis hahaha.

" Coz!!!!!! Coooonnggrrraaaatttssss! Kasal ka na hihihi dalaga ka na!!!! Ayieeeeeeeeee. " sigaw ng pinsan ko. Btw siya nga pala si Jyrneay. Ang palengkera kong pinsan.

"Miss ang ingay mo!" reklamo ni Kobe.

"Hoy Mister! Wala kang pake. This is a free country kaya wala kang pake!" bawi naman ni Jyrneay.

"Tama na yan! Ito nga pala si Jyrneay. Pinsan ko."ani ko.

" Siya si Kobe, Kristelle, Xander at ang ito naman si Beaver" pagpapakilala ko.

"Hahahahahahahah Beaver? Yung hayop hahahahahahahahah" pangaasar ni Jyrneay.

"Tskk! Palengkera talaga. Kala naman ganda ng pangalan. Ano daw yung pangalan niyang Jyrneay. Yuck baduy!" iritang sabi ni Kobe.

" Oh tama na nga kain na tayo dun. Beaver sorry sa pinsan kong to ah mapang asar talaga to eh. Pagpasensyahan mo na may sayad yan eh. Pati yang si Kobe."  sabi ko kay Beaver. Kita niyo ako na nag so sorry dahil sakagagawan ng dalawang yun.

-----------------------------

Sorry po at ngayon lang ulit busy lang po. Hehehe.



Playing With DestinyWhere stories live. Discover now