Nicole's POV
We were done unpacking my things. I was already tired. I was about to sleep and realized that we are sleeping in one bed and one room.
Pero wala akong pake sakanya. Naliligo pa ata si Beaver eh. Humiga nalang ako sa kama at pinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na.
Nang magising ako naramdaman kong nakayakap siya sakin pati yung paa niya naka patong sa mga paa ko.
Oo, aaminin ko nakikilig ako." Kung sana lang dati pa tayong ganto."ani ko di niya naman maririnig kasi tulog pa siya. Kumalas ako sa pagkakayakap niyan at naligo. Nang matapos na akong maligo. Lumabas na ako at ginising siya. "Beaver!"sigaw ko at nagising naman ito.Bumaba ako para magluto. Habang nagluluto ako may yumakap sakin patalikod. Medyo kinilig nanaman ako. "Ano yun?" Tanong ko. "Tulungan na kita dyan"sagot nito.
Tumango nalang ako at itinuro yung bacon para yun nalang lutuin niya.Tahimik lang kami habang nagluluto. Pati na rin sa pagkain tahimik lang kami. Hanggang sa ako nalang nagsalita."Beaver saan pala yung Monique mo?" Napatigil siya sa pagkain."Wala na kami!"sagot niya.
Pero parang naiinis siya sa tanong ko."Wala ka bang girlfriend ngayon?"tanong ko naman at nag smirk siya. Problema nito sarap hampasin."Meron, Bakit?"anito. May pangiti ngiti pa talaga siya! Nakakagigil! "Wala! Tinatanong ko lang, pagkatapos mong kumain puntahan mo na gf mo.Baka hinahanap ka na niya"sabi ko. Pero bat parang nainis ako nung narinig kong may gf na siya. Nako! Wag mong sabihing nagseselos ako!
Natawa naman siya sa sagot ko. Nakakainis talaga eh."Bakit hinahanap mo ba ako andito naman ako. Alam mo ikaw lang ang girlfriend ko."anito. Ako pala yung binabanggit niya. Pero kinikilig ako. Is he flirting? Totoo kaya lahat ng sinasabi niya or acting lang nanaman to?Hyssst ayokong umasa.
Tapos na kaming kumain. Nagprisinta naman siyang siya na daw maghuhugas. Ako naman nag hanap ng papanoorin namin. Mag momovie Marathon daw kami. Syempre puro Horror kinuha ko. Pagkatapos na nga niyang maghugas umupu siya sa tabi ko at nag play na yung movie.
Syempre habang nanonood kami di namin maiwasan magulat. Habang nanonood nga kumuha ako ng makakain namin. Puro chips kinuha ko.
Ilang oras na nga ang lumipas nanonood parin kami. Hanggang sa maantok nalang ako. Pinatong ko nalang yung ulo ko sa balikat ni Beaver.
Nang magising ako nasa kwarto na ako. Baka binuhat niya ako. Chineck ko yung oras at 7 pm na pala. Bumaba ako at nakaamoy ako ng adobo. Adobo nga ang bango. Nakita kong nagluluto si Beaver. Nakita naman niya ako at niyayang kumain.
Kumakain na nga kami at ako naman sarao na sarap saga niluluto niya. Ang sarap sarap talaga. " Masarap ba?" tanong niya." Oo ang sarap! Marunong ka palang magluto?"sabi ko naman. Di ko talaga alam na ganto siya kasarap magluto. Am I falling for him again? Pero natatakot ako."Oo naman"sabi nito. Aminin ko may feelings parin ako sakanya. Pero natatakot lang akong baka saktan niya ulit ako.
Pagkatapos naming kumain ako na sana maghuhugas pero pinipilit niyang siya na daw. Pero ang bait niya sakin. Siya lagi yung gumagawa ng gawaing bahay. Sana totoo lahat ng ginagawa niya.
Nasa kwarto na nga kaming dalawa. Nakahiga na ako at siya naman ay nagbabasa ng libro. Nilabas ko nalang yung phone ko at chineck ang facebook acc. Ko. Maraming nag aadd sakin pero may isa akong nakita na gusto kong iaccept. Si Beaver lang naman yun. Pero ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko. Inaccept ko ito at inistalk ko acc. Niya syempre gumilid ako ng unti para di niya makita.
Ang pogi niya sa mga post niya. Lalo na pag nakangiti siya na parang rabbit. Pero may nakita akong post niya na picture naming dalawa. Wala naman itong caption manlang. Pero last year niya lang ito pinost. Last year eh nasa US ako at wala ng kami nun pero may post parin siya.
Nakakakilig lang na ipost niya picture naming dalawa. Pero nag scroll pa ako ng nag scroll at nakita ko yung post niya na silang dalawa ni Monique. Kumulu agad dugo ko. Nakakairita talaga mukha ng babaeng yan!
Napansin ko sumisilip siya sa phone ko at agad ko namang pinatay phone ko."Buti naman inaccept mo na. Tsaka di mo naman ako kailangang i stalk sa fb andito naman ako." sabi naman niya at natawa lang ako at kumusilap sakanya. Kapal niya kasi eh.
"Beaver sa lahat ng pinapakita mong pag aalaga sakin ngayon totoo ba yun lahat?" tanong ko sakanya. Para naman alam kong fake lahat para di ako mag assume."Totoo to lahat Nicole, walang halong biro. Sana ngayon bigyan mo na ako ng chance at sana patawarin mo na ako." sabi nito.
Kumulog at Kumidlat nga ng napaka lakas at biglang nag brownout. Natatakot ako, Ang lakas ng mga kidlat tapos wala pang ilaw. Napahawak nalang ako sa braso ni Beaver." Beaver, I'm s-scared."ani ko. Niyakap niya ako at nakahiga nalang kami at nakayakap sa isa't isa. "Don't be scared I'm here.I'll protect you."aniya. Tama na siguro itong nararamdaman ko I Love You Beaver. Siguro oras na para kalimutan ang lahat ng mag nangyari. Siguro dapat magmahalan nalang kami.
Nagising ako nang nakayakap ako sakanya. Nakaharap ako sa mukha niya. Pinagmasdan ko ang mukaha niya na ang cute cute niya. Ang tangos ng ilong niya,ang mga labi niyang pulang pula in short ang gwapo niya.
Napansin kong gising na pala siya. At yun nga nahuli niya akong nakatitig sa mukha niya. Namula ako."Good morning!" aniya at naka ngiti siya ang saya lang na makikita ko siyang nakangiti." Good morning rin." sagot ko at tumayo ako at naligo na. Bumaba na ako para makapag luto na. Pagkababa niya naka boxers lang siya at naka sando. Umupo na siya at nilapag ko na yung pagkain sa mesa. At sabay na kaming kumain.
"Nicole. Mahal kita sana mapatawad mo na ako. At sana tayo ulit."aniya. Napalunok naman ako. Ito na ba yung oras na pinkahihintay ko. " Beaver, napatawad na kita at mahal na rin kita."aniko at napaluha nalanv ako, niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa noo. "Pero sana wag mo na uulitin yung ginawa mo saakin noon." aniko. At mas lalo niya pa akong niyakap." Pangako. Mahal na mahal kita di ko na uulitin lahat ng pagkakamali ko noon. Patawad."sabi nito at nagyayakapan lang kami. Mga 5 min. Siguro kaming nagyakapan at kumalas na siya.
-------------------------------------------------------------
Itutuloy....Di pa diyan nagtatapos ang story nina Nicole at Beaver. Marami pang mangyayari, Abangan niyo po..
Strong power thank you😊
YOU ARE READING
Playing With Destiny
Fiksi RemajaDestiny? Sabi nila we meet people with many reasons. Destiny is a very meaningful word. Pano kung pinaglaruan ka ng Destiny? Will you fight for him/her? Does every story deserves an happy ending? Minsan we need to let go. We can't control Tadhana...