"By hook or by crook, I will make you mine. Kung hinihingi na ng pagkakataon na mag-asawa ako dahil sa sumpa, sisiguruhin kong ikaw ang mapapangasawa ko, Strike."
.
.
Sa laki ng takot ni Kwini sa sumpa ng matanda sa kanilang magkakaibigan, kahit gaano kahirap ay hinanap ng dalaga si Strike Marco Meneses, ang kaniyang first love noong high school sa Akademya ng Bagong Sibol. Kailangan kase nilang maikasal sa loob ng tatlong buwan, kung hindi ay forever silang tatandang dalaga. Kung saan-saan niya hinanap si Strike hanggang sa masumpungan niya itong nakatira sa isang haunted house sa malayong probinsiya. Kahit nangangalisag ang balahibo niya sa takot ay nakituloy pa rin siya sa bahay ni Strike. Pumayag naman ang binata at ibinigay sa kaniya ang kuwarto ng matagal nang namayapang Lola Isabel nito.
Hindi alam ni Kwini kung bakit isang gabi ay napanaginipan niya ang lola ni Strike. May itinuturo ito sa nasirang chandelier na dating nakasabit sa malaking sala. At first, hindi niya alam ang kahulugan ng panaginip na parang may ibig ipahiwatig sa kaniya ang matanda. Noon niya nalaman na malapit na palang ikasal si Strike sa kinakapatid nitong si Sabrina sa kagustuhan ng entremetidang ina ng binata. Nalungkot siya at lumayo. Sila ang nagmamahalan, tapos sa ibang babae ito pakakasal? Pero nasa chandelier pala ang solusyon para maiiwas ang binata sa pagpapakasal. Iyon ang kaniyang alas para hindi matuloy ang kasal nito kay Sabrina at sa kaniya maikasal si Strike.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series: Chandelier
HorrorNaniniwala pa ba kayo sa sumpa? Basahin ang kuwento ng pag-ibig ng anim na dalagang naisumpa dahil sa panggugulo nila sa ibang kasal. Dahil doon ay kailangan nilang kontrahin ang sumpa sa pamamagitan ng paghahanap ng mapapangasawa kung hindi ay tata...