Hindi pa rin pala alam ng mga ito na hindi si Strike ang ama ng magiging anak ni Sabrina?Tumingin ng makahulugan kay Kwini si Strike. Tumango siya, hudyat na kailangan na nitong ipagtapat ang tungkol sa totoong ama ng pinagdadalang-tao ni Sabrina. Pero bago pa man iyon mangyari ay may tumawag mula sa labas, boses-lalaki.
"Tao po! Tao po!"
Ang malungkot na aura ni Sabrina ay nagkaroon ng buhay pagkarinig sa tinig. Namilog ang mga mata at sumilay ang ngiti sa mga labi. Mabilis na tumayo ito at nanungaw sa bintana.
"Jericho!" malakas na tawag ni Sabrina. Bumaba at nawala sa paningin nila.
Lahat sila ay dumungaw sa bintanang Capiz at doon ay nasaksihan nila ang pagyayakapan ni Sabrina at ng tinatawag na Jericho.
Nakahinga sila ng maluwag ni Strike.
"I'm sorry kung natagalan bago ko naitama ang pagkakamali ko, Sabrina. Patawad, babes. Nagpatukso ako kay Liezel, natukso ako sa kagandahan niya pero ikaw pala ang totoong mahal ko. Ikaw pala ang mas importante sa buhay ko, kayo ng magiging anak natin." Hinaplos ni Jericho ang impis pang tiyan ni Sabrina.
Parang eksena sa pelikula ang nakikita nila. Maromantikong eksena ng dalawang pusong nagmamahalan. Nilingon niya si Strike sa tabi niya. Masaya rin ito gaya niya. Kaya parang hangin na inilipad ang kanilang malaking problema.
"Anong ibig sabihin nito?" ang galit na boses ni Mrs. Meneses at nilingon ang anak. "Strike, marami kang dapat ipaliwanag sa akin." Nagbabanta ang titig ng ina nito sa hindi pagtatapat dito ng totoo.
Inakbayan ni Mr. Meneses ang asawa. "Relax lang, Mahal. Malalaman mo rin ang totoong nangyari. Mas magandang sa mga bata mag-umpisa."
Pinaakyat ng ginang ang dalawa na parang walang pakialam sa paligid.
It's about time to confess for Strike, Sabrina and Jericho.NALIWANAGAN din ang lahat sa pagtatapat ni Sabrina at Jericho. Humingi ng tawad si Sabrina sa ninang nito at sa sariling ina. Nagpasalamat naman si Jericho kay Strike. Kung hindi daw kinausap ni Strike ang lalaki ay hindi magliliwanag ang isipan nito.
Kahit naging magulo ang araw ng pamamanhikan ay natuloy pa rin naman iyon. Sa pagkakataong iyon ay totoong pag-uusapan na ang kasal. Kasal ni Strike at Kwini. At kasal din ni Sabrina at Jericho na tinawagan pa ang mga magulang na pumunta doon. Double wedding.
Maligayang-maligaya si Kwini nang sandaling iyon. Natupad rin ang pangako niya sa sarili na si Strike ang mapangasawa. Sa isang buwang preparasyon ay magiging legal na niyang hubby ang kaniyang first love. Minadali ang kasal dahil sa kalagayan ni Sabrina. Okey lang iyon sa kaniya. Kahit siya ay may hinahabol ding deadline. Deadline ng sumpa. Weird! Kasing weird rin ng sulat ni Lola Isabel na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan pero totoo.
Nang dahil sa sumpa ay hinanap talaga niya si Strike, ang pinakamamahal niyang si Strike na saksakan ng torpe noon. At salamat sa sumpa na kahit hindi pala totoo, ayon kay Rafi na kausap niya ngayon sa cell phone ay naging daan naman para matagpuan niya ang kaniyang first and true love.
"Ako ang gawin mong maid of honor, ha?" request ni Rafi nang ibalita niya rito na kasalukuyan nang pinag-uusapan ang detalye ng kasal nila ni Strike. Iniwan muna niya sandali ang umpukan para sagutin si Rafi."Sino naman ang gagawin kong best man? Si Paeng?"
"Oo at kapag inihagis mo na ang bulaklak mo, sa akin mo ihagis, ha? Sasaluhin ko pati ng dalawa kong paa para si Paeng ang maka-forever ko . O, di ba, wagi?"
Natawa si Kwini. "Wow! Siguradong engrande 'yan kasi mayaman ka."
"Anong engrande? Hindi na matutuloy, ‘no?" sabay atungal ni Rafi.
"Bakit? Akala ko ba nabili mo na si Paeng?"
"Oo nga. Ang kaso, iniwan ko rin nang magdesisyon siyang pakasalan ang fiancée niya. Huwag sanang matuloy, Kwini. Ayoko rin namang pakasal sa DOM na gusto ng Papa ko. Kaya sa akin mo ihagis ang bouquet, ha please? Baka magkaroon ng himala at mabago ang kapalaran namin ni Paeng."
"Talagang love na love mo si Paeng, 'no? Assumera ka pa rin." tukso niya.
"Ganoon nga siguro ang pag-ibig. Hahamakin ang lahat masunod lang kahit magmukhang tanga na."
"Ang corny mo! Bakit ba lahat ng umiibig, eh nagiging corny, noh?"
"Corny ka rin naman, eh. May ipaglalaban ka pang sinasabi." Nagtawanan sila ni Rafi.
Noon naman sumulpot si Strike na sumunod sa kaniya sa labas. "Sino ang kausap mo? Si Leo?" Masama ang tabas ng mukha ni Strike.
"Hindi po. Si Rafi ang kausap ko."
"Si Rafaella Raymundo? Yung classmate natin sa Akademya ng Bagong Sibol?"
"Mismo."
"Let me know. Kakausapin ko siya." Naitirik niya ang mga mata.
Nagseselos pa rin ito kay Leo, eh ikakasal na nga sila.
Ibinigay niya kay Strike ang cell phone. Biglang napangiwi ito at nagtakip ng tainga. Natawa si Kwini. Siguradong binungangaan ito ni Rafi dahil sa pagseselos kay Leo."Sorry na. Sorry na. Sobrang mahal ko lang talaga ang kaibigan mo kaya naniniguro lang ako." hinging paumanhin nito kay Rafi na kakamut-kamot sa ulo. Ibinalik nito sa kaniya ang cell phone.
Pinandilatan niya ito. "Puro ka kase selos. Pagseselosan mo si Leo, eh matagal na nga kaming break no'n. Masaya na ‘yon sa bagong lovelife niya. Patahimikan mo na ang nananahimik na."
Nakangiting ipinulupot ni Strike ang mga braso sa beywang niya. "I love you, that's why. Ayoko kasing maagaw ka pa ng kung sino sa akin. 'Yong iba nga, kasal na naaagaw pa, 'yon pa kayang ikakasal pa lang?"
"Pero nangako akong ikaw lang ang mamahalin, di ba? Tutuparin ko 'yon hanggang sa maging uugod-ugod na tayo, Strike. Hanggang sa may tungkod na tayong dalawa."
Hinalikan siya ni Strike. "Same here, sweetie. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka."
"At bibigyan ninyo kami ng maraming apo." Sumulpot ang ina ni Strike, nakangiti. Kasama ang asawa.
"Remember, hijo. Nag-iisa ka lang naming anak. This time, bumawi ka. Gusto naming magkaroon ng magaganda at mga guwapong apo, di ba, mahal?" ani ni Mr. Meneses na hinalikan pa sa pisngi ang asawa.
"Bibigyan ko kayo ng isang dosenang apo, Ma, Pa. Mga cute na apo."
Kinurot ni Kwini si Strike. Isang dosena? Hindi niya kaya iyon!
Natawa si Mrs. Meneses. "Halina kayo. Magsasalu-salo na tayo sa komedor." yaya sa kanila ng kaniyang magiging biyenan.
Magkaakbay na sumunod sila sa mag-asawa. Sana ay maging tulad nila ni Strike ang mga magulang nito na hanggang sa pagtanda ay sweet na sweet pa rin sa isa't-isa. Salamat kay Lola Isabel.
END
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series: Chandelier
HorrorNaniniwala pa ba kayo sa sumpa? Basahin ang kuwento ng pag-ibig ng anim na dalagang naisumpa dahil sa panggugulo nila sa ibang kasal. Dahil doon ay kailangan nilang kontrahin ang sumpa sa pamamagitan ng paghahanap ng mapapangasawa kung hindi ay tata...