Chapter Seven

2.1K 44 6
                                    

ISANG kuweba pala ang sinasabi ni Strike na maaari nilang masilungan. Malinis naman iyon maliban sa mga nagkalat na kahoy na maaaring ginamit sa paggawa ng siga, palatandaan na may tao o mga taong nagawi sa kuweba at nagpalipas ng gabi. Mga mountain climbers siguro.
.
"Dito tayo maghihintay ng pagtila ng ulan?" ani ni Kwini habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng kuweba. Simple lang iyon at hindi gaanong kalakihan. Lampas tao ang taas.
.
"Maghintay lang tayo. Titila rin ang ulan mayamaya."
Lumipas ang mahabang sandali ay wala pa ring tigil ang pag-ulan. Sa halip, lalo pang lumakas. Hanggang sa inabot na sila roon ng pagdilim.
.
"May low pressure area pala rito. Kasama ang Nueva Ecija at Pangasinan, ayon sa PAGASA." Hawak ni Strike ang cellphone nito. Doon nito nakuha ang balita.
.
"Ibig sabihin, dito tayo magpapalipas ng magdamag?"
.
"No choice. Mahirap sumagasa sa ulan sa ganitong kalupit na panahon. Baka mabagsakan pa tayo ng puno o ng malalaking bato na gumugulong pababa ng bundok."
.
"Paano 'yan? Baka may ahas dito." Natatakot si Kwini dahil baka bigla na lang may lumitaw na ahas at tuklawin sila.
.
Binuksan ni Strike ang flashlight ng cellphone nito dahil madilim na sa loob ng kuweba. "Gagawa tayo ng siga para matakot kung may ahas man at para hindi tayo ginawin."
.
Isinalansan ni Strike ang mga pinulot na kahoy. Ang problema, wala silang dalang lighter.
.
"Pano natin 'to masisindihan?" aniya.
.
"Hahanap ako ng paraan."
.
Umupo si Kwini sa isang bato at nangalumbaba. Nag-iisip kung paano nila mapaparingas ang mga kahoy nang may mahagip na bagay ang mga mata niya. Parang match box.
.
"Strike!" tawag niya sa binata na kasalukuyang ginagalugad ang sulok ng kuweba.
.
Lumapit ang binata. "Bakit?" Ipinakita niya rito ang posporo. "Saan mo nakuha?" anito.
.
"Dito sa gilid ng batong inupuan ko."
.
"Siguro, iniwan ng mga taong sumilong dito kasama ang mga kahoy na 'yan."
.
"Iyon din sa tingin ko. Sindihan mo na, Strike. Ginaw na ginaw na ako."
.
Uminit ang paligid nang magkaroon ng siga at lumakas ang apoy. Nakita niyang hinubad ni Strike ang pang-itaas na damit nito.
.
"Hubarin mo na rin ang mga damit mo, Kwini." utos ng binata sa kaniya.
.
"Ha?!" Nagulantang si Kwini, naeskandalo sabay kipit sa hugpungan ng blouse niya."Strike, oo nagpahalik ako sa iyo pero hindi ibig sabihin no'n, puwede na akong maghubad sa harapan mo. Tapos, ano? May mangyayari sa atin?" Tinakpan niya ng mga kamay ang harapan ng jeans niya. "No way! Virgin pa ako, no?"
.
Narinig ni Kwini ang mahinang tawa ni Strike.
"Kaya lang kita pinaghuhubad ay para hindi matuyo sa katawan mo ang basang mga damit. Magkakasakit ka kase niyan. Puwede nating patuyuin sa siga at nang may magamit tayo bukas sa pag-uwi natin."
.
Napahiya si Kwini. Concern lang pala ito sa health niya. "Sige, huhubarin ko pero tumalikod ka muna at huwag kang titingin."
.
"Okey." Tumalikod si Strike.
.
Inalis ni Kwini ang blouse at bra. Piniga iyon. Pagkatapos ay ang maong na pantalon, puwera ang kaniyang panty. Manipis lang naman iyon at madaling matuyo. Naginhawahan si Kwini sa init na hatid ng siga nang matanggal ang mga damit. Pero paano nga pala niya tatakpan ang nakabuyangyang na kagandahan niya?
.
"Isuot mo ang t-shirt ko para matakpan ang sarili mo." alok ni Strike. "Tuyo naman ito. Yung blanket lang ang nabasa kaya pinatutuyo ko pa."
.
Hindi tumitinging inabot nito sa kaniya ang t-shirt. Kahit na blanket ang pinangsaklob nila sa mga sarili ay siya ang mas nabasa dahil nasa side niya ang direksiyon ng ulan.
.
Isinuot niya ang t-shirt nito na umabot sa mga hita niya ang haba. "Saan tayo matutulog?"
.
"Sa malapit sa siga para ligtas tayo sa mga ahas." sagot ni Strike.
.
Good idea. Lumapit sila sa siga at doon naupo. Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang ulan. Parang wala nang katapusan.
.
"Kung may kape lang tayong dala, hindi tayo masyadong giginawin nito." sabi ni Strike na niyayakap ang sarili dahil nakahubad, Suot niya kase ang t'shirt nito. At alam niyang basa rin ang pantalon nito. Nahihiya lang sigurong tanggalin dahil walang maipantatakip.
.
"Oo nga. Ang sarap tuloy magkape ngayon. Iyong mainit na mainit mong lalagukin. Wala ka ba talagang nadala d'yan kahit isang instant coffee sachet?"
.
"Nothing. Kung meron man, hindi rin tayo makakainom ng kape. Wala tayong tubig na mainit."
.
Natawa siya. "Wala na talaga tayong pag-asa na makapagkape man lang, pampainit."
.
Ginalugad ni Strike ang knapsack. "May natira pang pizza rolls dito. Puwede na natin gawing hapunan."
.
Ibinigay nito sa kaniya ang natirang pagkain at ang pizza rolls ang pinagsaluhan nila. Mabuti na lang at may natira ring coke-in-can. Naghati sila sa nag-iisa na lang na softdrinks. At least, may panulak sila kahit hindi man 'yon kape.
.
"Sa palagay mo, may ahas nga kaya rito, Strike?"
.
"Meron. Walang gubat o kuweba na walang ahas."
.
Natakot si Kwini. Maliit pa siya ay kinatatakutan na niya ang mga ahas. Siguro sa kapapanood niya ng TV na ang pini-feature ay ang makamandag na mga ahas na ipinapakita pa ang matutulis na pangil. Rattle snake, cobra, dahong palay. Ang mga iyon ang madalas niyang marinig na mga makamandag. Ang python, hindi man makamandag ay lilingkisin ka naman at lalamunin ng buo. Kaya nagkaroon siya ng malaking takot sa ahas.
.
Nagkuwentuhan pa sila ni Strike ng kung anu-ano, pampaantok. Hanggang sa maramdaman niyang inaantok na siya at nagpaalam na mauuna nang matulog. Ipinansapin ng lalaki ang picnic blanket na natuyo na. Babantayan muna raw siya nito.
.
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Kwini sa sobrang lamig. Pagmulat niya ng mga mata ay wala siyang maaninag. Bakit ang dilim? Tiyak na naupos na ang mga kahoy. Wala na ang nagsisilbing init sa loob ng kuweba. Hindi niya alam kung saan banda natulog si Strike. Kinapa-kapa niya ang kaniyang tabi hanggang sa may mahawakan ang kamay niya.
.
Ano 'tong nakakapa niya? Sinalat niya ang bagay na iyon at hinulaan ang pigura. Mahaba na malambot at parang may bukol sa pinakadulo. Inisip niya kung may bagay ba silang dala na ganoon ang itsura. Unti-unti ay parang nagigising ang bagay na sinasalat-pisil niya. Kaya naman dahan-dahan din ang pagkunot ng kaniyang noo. May buhay? Hanggang sa ang bagay na iyon ay tuluyang tila nabuhay na tumitigas at pumipintig-pintig pa. Nanlaki ang mga mata ni Kwini.
.
Ahas???
.
"A-a-ahaaas!!" Hindi siya makasigaw sa sobrang takot, hindi rin makagalaw nang may humawak sa palad niyang kinakukulungan ng nasabing ahas. Kamay ni Strike.
.
"Kwini, anong ahas? 'Ano' ko 'yan, eh."
.
Bigla niyang na-realize kung ano ang hawak. Parang bigla siyang napaso at inalis ang kamay. Nagliwanag ng kaunti ang kuweba dahil sinindihan ni Strike ang posporo. Anak ng talong! Naka-brief lang si Strike! At hawak nito ang harapan na napagkamalan niyang ahas!
.
Hiyang-hiya siya, hindi lang sa sarili kundi kay Strike. "Bakit ka kasi nakahubad?" Halos mangiyak-ngiyak siya sa hiya. Ito ang sinisisi niya sa nagawa.
.
"Bakit hindi ako maghuhubad, eh basa ang pantalon ko? Ikaw 'tong......"
.
"Huwag mo nang banggitin, please?" Kung mapapansin lang nito kung gaano kamula ang mga pisngi niya sa hiya.
.
Natahimik ang kuweba. Walang nagsasalita isa man sa kanila. Hindi na masyadong malakas ang ulan pero naririnig nila ang dagundong ng kulog sa di-kalayuan. Madilim pa rin sa labas.
.
Unang nagsalita si Strike. "Matulog na uli tayo, Kwini dahil gabi pa. Bukas pagkaliwanag, uuwi na agad tayo."
.
"O-oo masyado pang gabi." Muli siyang humiga sa dating puwesto.
.
"Good night, Kwini." ang narinig niyang sinabi nito.
.
Naramdaman niyang humiga ito sa tabi niya. Katabi lang pala niya si Strike. Mayamaya lang ay mahimbing na ito dahil sa banayad na paghinga. At siya? Hindi siya makatulog. Kung bakit tuksong sumasagi sa isipan niya ang itsura ni Strike na naka-brief lang. And the fact that she actually touched his maleness! Maloka-loka talaga siya. Pero makaraan ang ilang sandali ay hindi niya namalayang nakatulog na rin siya.

The Cursed Bride Series: ChandelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon