Chapter two

2.6K 58 8
                                    

BINUKSAN ni Strike ang pinto sa harapan na hindi nakita ni Kwini kanina. Lumangitngit ang pinto. Creepy sound effect uli gaya ng tunog sa mga horror movies. Pagpasok nila ay bumulaga sa kaniya ang kadiliman. Bakit madilim? Nakarinig si Kwini ng 'click'. Bumaha ang liwanag nang buksan ni Strike ang ilaw. Hagdan pala muna ang aakyatan nila pero ilang baitang lang naman iyon.
.
Pagtuntong nila sa itaas ay madilim pa rin. Binuksan uli ni Strike ang ilaw. Napanganga siya, hindi sa inaasahan niyang puro sapot ng gagamba at agiw ang loob ng bahay kundi sa nagyayabang na kagandahan. Hindi niya akalain na ganoon kaganda ang interior design ng isang ancestral house. It had stunning furniture enclosed by wall to wall first class narra and mahogany wood. Parang bago pang tingnan ang mga lumang kasangkapan na alaga sa varnish at masasabing mga antique na. Makintab at makinis ang sahig na kahoy na puwedeng manalamin.
.
Mostly, mga paintings ang nakikita niya, iba't-ibang sukat at laki. Malawak ang sala na kinalalagyan ng wooden living set na sinauna ang style, gayon din ang dining set sa isang dulo. Open area iyon at walang division. Ang mas kapansin-pansin sa kaniya ay ang malalaking capiz na bintana na halos napaikutan ang buong floor-na sa tingin niya ay maaliwalas tuwing umaga. Napapalibutan pa ng magandang wood carvings ang kisame.
.
Nalipat ang tingin niya sa napakagandang chandelier na nakabitin sa itaas. Hangang-hanga siya sa ganda ng crystal design niyon na kumukulong sa mga bombilya. Mataas ang kisame kaya parang nagyayabang sa ganda ang chandelier. Matagal siyang nakatitig doon nang bahagyang gumalaw iyon. Ikinurap niya ang mga mata. Nakita niyang naka-steady lang ang chandelier.
.
"Nakita mo bang gumalaw ang chandelier, Strike?" tanong niya sa katabi.
.
Tumingala si Strike. "Hindi naman, ah. Sana napansin ko rin."
Hindi kaya namalikmata lang siya?
.
"Namana ko ang bahay na ito sa lola ko na namana rin niya sa mga nuno niya. Ang kanuno-nunuan ko ay isang purong kastila." imporma ng binata.
.
Hindi na siya nagulat dahil nasa features ni Strike ang ebidensiya. Mukha itong kastila kahit hindi masyadong maputi ang kutis nito.
.
"Whenever I feel the need to unwind from my seemingly endless work, I just stay here. Well.... for the change of atmosphere." dagdag pa ni Strike.
.
"You mean bahay-bakasyunan mo lang ito?" It was such a big house for him. Hindi ba ito natatakot sa napakalaking bahay na iyon na mukhang may multo pa?

Tumango si Strike. "Mahilig talaga akong tumira sa ganitong klase ng bahay. I'm always fond of this old style of a house. Hindi ito dating ganito. Though I love to preserve its natural look. Pinalitan ko na lang ang mga marurupok na kahoy ng mga de-primerang klase ng kahoy.
.
"Maganda, Strike. Mas lalo siguro siyang gumanda nang i-renovate mo, no?"
.
"Yeah. It was a Victorian-style house, brick roofing. Lahat ng mga gamit dito ay iningatan ko ever since. It has a sentimental value. Dito isinilang si Lola Isabel noong nineteen-fourteen."
.
"Nineteen-fourten?" Namangha si Kwini sa nalaman. "Kailan ginawa ang bahay na ito?"
.
"This house was built in eighteen-ninety eight. Dito pa tumira ang mga magulang ni Lola Isabel."
.
Ganoon katanda ang bahay na iyon? Sa panahon pa yata ni Jose Rizal? "Mga antique ang gamit dito, Strike. It worths a fortune. "
.
"Yeah. Kaya nga gustong-gusto kong tumira sa bahay na ito. I have fascination for this antique structure where my root was originated." anito. Saglit na natigilan si Strike at parang pinag-aaralan siya. "Are you sure na wala ka talagang kailangan sa akin, Kwini? 'Yong totoo."
.
"W-wala nga."
.
"Sa palagay ko, meron. Puwede mong sabihin sa akin?"
.
"Ang kulit! Sige, pero saka ko na sasabihin sa iyo. Ang pinoproblema ko, saan ako matutulog ngayon? Puwede bang makitulog dito, Strike? Kahit isang gabi lang, please? Kung babalik kasi ako ng Maynila, ang haba ng ibibiyahe ko. Baka antukin ako sa daan." Ayaw na niyang magmaneho pa. Sobra na ang ipinagtiis niya kanina. At isa pa, pagod na siya. Sabik na siyang humilata sa kama.
.
"Not unless you tell me the reason why you are here."
.
Umikot ang mga mata niya. Hindi yata ito nakaintindi ng salitang 'saka na lang'. "Masama bang kumustahin ka after six years na hindi tayo nagkita?"

"'Yon lang? I don't believe you. Hindi kaya ini-stalk mo lang ako?"
.
"Anong ini-stalk kita?"
.
"Be honest, Kwini. May gusto ka pa rin sa akin, di ba?"
.
Bigla siyang umiwas ng tingin. "Wala na, no? Baka ikaw ang may gusto sa akin." Bakit niya aaminin dito? Eh, di pinagtawanan lang siya nito dahil wala nga itong gusto sa kaniya.
.
"You already know my feelings for you back then."
.
Alam niya ang katotohanan sa likod ng damdamin nito. Wala itong pagtingin sa kaniya. Lihim siyang nagpapa-charming kay Strike noon na binabalewala lang nito. Pero hindi niya maamin kina Rafi, Dani, Chari, Maki at Salve na may gusto siya sa kanilang class escort. Nahihiya siyang masabihang hahabol-habol kay Strike. Eh, wala nga itong pagtingin sa kaniya. Kahit sobrang trying hard na siyang nagpapapansin dito noon ay wa epek pa rin. Kaya mas mabuting huwag na nitong malaman na hanggang ngayon ay sinisinta pa rin niya ito. Nabi-bitter lang siya.
.
"Wala na akong pakialam kung wala ka mang gusto sa akin. Noon pa iyon, Strike. Nakaraan na. Past tense. Lahat ng tao ay binabago ng panahon at kasama na roon ang damdamin ko sa iyo." kaila niya.
.
Natigilan si Strike. Parang may hindi nagustuhan sa mga sinabi niya. Guni-guni lang ba niya ang biglang paglambong ng mga mata nito na sandaling naglaho?
.
Naramdaman niya ang paggagap nito sa palad niya. "I will tour you around. Para makita mo na rin ang magiging kuwarto mo."
.
"Payag ka nang dito muna ako matulog?"
.
"I'm not a real gentleman if I will kick you out of this house. Hindi ako ganoon kasama sa mga babae." Pagkatapos ay hinila siya nito.
.
Kwini looked at their clasping hands together. Lihim siyang kinilig. For the _nth time, muli niyang naramdaman na mahawakan ni Strike. Ang huling pagkakataon na natsansingan niya ito ay noong JS Prom nila. Pasimple pa nga niyang pinisil-pisil ang muscle nito. Pero ang loko sa ibang babae nakatingin habang siya ang kasayaw.
.
Dinala siya ni Strike sa isang parte ng bahay. Simple lang ang kagayakan sa kusina. May gas range siyang nakita na siguradong ginagamit nito kapag nagbabakasyon. May refrigerator at ilang kitchen electronic appliances tulad ng microwave oven at coffee maker. Parang naghalo ang makaluma at moderno. Ganoon din kase sa sala nang makita niya ang forty-two inches flat screen TV. Ang mahabang dining set ay nasa labas ng kusina. It was a long wooden curving table with eight wooden chairs. Malinis na malinis ang buong kabahayan na parang may araw-araw na naglilinis doon.
.
"Sino ang naglilinis ng bahay mo kapag wala ka?" aniya habang paakyat sila ng hagdan sa second floor. Lumangitngit ang mga baitang dahil sa kalumaan na.
.
"May caretaker ako na nagbabantay dito, si Aling Minda. Tuwing makalawa ay naglilinis siya ng bahay. Tinext ko siya kanina. 'Pag dumarating ako ay araw-araw siyang nandito. Inaasikaso ang pangangailangan ko."
.
Hindi pa yata niya natatanaw ang caretaker nito. Baka mamaya pa dahil halos kadarating lang nila. Gusto rin naman niyang ma-meet si Aling Minda.
.
"Careful, Kwini. Marupok na ang hagdan." warning ni Strike . "Hindi ko pa naipapagawa ito sa sobrang hectic ng schedule ko. Baka sa susunod na buwan pa." Ingat na ingat siyang inalalayan nito sa pagpanhik.
.
Noon lang niya naranasan na parang prinsesang iniingatan nito. At gusto niya ang espesyal na trato nito sa kaniya. Habang paakyat sila sa mataas na hagdan ay nadaanan nila ang mga nakasabit na old paintings ng mga sinauna pa yatang tao dahil sa kakaibang features at makalumang pananamit, mga mukhang kastila. Black and white at malalabo na ang ilan.
.
"Sino sila, Strike?" manghang tanong niya.
.
"Sila ang mga ninuno ko. My great great grandfathers." Tumigil sila sa kalagitnaan. "This is Martinez De Palencia the first." tukoy ni Strike sa gitnang painting ng matandang lalaki na may bigotilyo at medyo kulot ang hanggang leeg na buhok. Mukhang masungit tingnan dahil sa nakataas na mga kilay. Ang suot ng lalaki ay sinauna pa gaya ng suot ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan noong fifteen century. "Siya ang lolo ng lolo ng lolo ni Lola Isabel." pakilala nito.
.
At nag-e-exist pa ang painting na iyon? Binasa niya ang pangalan ng pintor na gumuhit sa larawan. Wala siyang makita dahil burado na ang parteng ibaba. Nabukbok na ang mga gilid ng canvas na parang tinapalan lang para magmukhang maayos pa. Pinagmasdan niyang mabuti ang larawan na kahit sa sobrang kalumaan ay mababakas pa rin ang itsura ng taong nakaguhit. Medyo malabo na nga lang. Parang lalo yatang sumungit ang aura ni Lolo Martinez.
.
Napaurong siya nang pandilatan siya ng nuno ni Strike. Ipinilig niya ang ulo sabay kurap ng mga mata. Normal naman ang itsura ni Lolo Martinez. Sinulyapan niya si Strike. Nakatingin din ito sa larawan pero wala itong reaction. Siya lang ba ang nakakita no'n? Itinuro ni Strike ang dalawa pang kasunod na painting. Mga lalaki uli iyon. Mukha pa ring kastila.
.
"Ito si Lolo Martinez de Palencia the second. At siya naman ang the third." tukoy nito sa dalawang painting na nauna nilang nadaanan. "Mga lolo pa rin ni Lola Isabel."
.
Umakyat uli sila hanggang sa matapatan nila ang panghuling painting mula sa itaas. "Siya naman ang sinasabi kong si Lola Isabel. Isabel Martina, ang nanay ng lola ko at ang lola ko sa tuhod. Iginuhit iyan noong kabataan pa niya. Naabutan ko pa siya dahil inalagaan niya ako hanggang magwalong taong gulang ako. Napakabait ni Lola Isabel. Dito siya nakatira noon. One hundred ang edad nang mamatay siya."
.
Sa lahat ng painting ay iyon ang pinakamalinaw. Hindi iyon black and white kundi pintura na ang ginamit sa pagpinta. Nakalugay ang mahabang buhok at may nunal sa itaas ng kaliwang sulok ng labi si Lola Isabel tulad ng kay Lorna Tolentino. Malaki rin ang pagkakahawig sa nasabing actress. Napakaganda at maaliwalas ang aura pero mukhang Pilipino. Kung nabubuhay lang ito ay siguradong makakasundo niya ang matanda.
.
"Ang ganda-ganda pala ni Lola Isabel."
.
"Totoo 'yan. Para sa akin ay siya ang pinakamagandang babae sa lahat. Mabait na, maalalahanin pa. The best great grandma I ever had. Kung mag-aasawa ako, gusto ko ay kasing ganda niya, kasing bait. Isang babaeng maalalahanin din at malambing."
.
Idol pala ni Strike ang lola nito. Tinitigan niya ang maamo at masayahing mukha ng babae. Kahit sa anong anggulo niya tingnan ay lumilitaw pa rin ang ganda nito. Dalaga pa siguro si Lola Isabel nang iguhit ang larawan.
.
"Hello, Lola Isabel! Kumusta po kayo?" masayang bati niya kahit alam niyang hindi siya sasagutin niyon. Nanlaki ang mga mata ni Kwini nang ngumiti ang nasa painting.
.
"Strike, tara na!"
.
Nahihintakutang hinila na niya ang binata. Baka maloka na siya sa mga nangyayari sa bahay na iyon. Pagtuntong nila sa itaas ay binuksan ni Strike ang ilaw. Bumulaga sa kaniya ang malaking balkonahe. Presko ang hangin na pumapasok doon dahil nakabukas ang malapad na pintuan pero napakadilim sa labas. Naririnig niya ang ingay ng kuliglig dahil mapuno ang paligid ng bahay. Isinara ni Strike ang pinto. Marami siyang nakitang silid sa second floor, mga nakasara lahat. Sa gitna ay may maliit na living room at nakapaligid dito ang mga silid. May nakasabit ding maliit na chandelier sa tapat ng maliit na sala.
.
"This is the extended living room. You can stay here kung ayaw mong bumaba." Binuksan nito ang isang silid sa kanan. "And this is my room."
.
Pumasok ito sa loob kaya sumunod siya. Bukas na ang ilaw doon. Siguro, binuksan ng caretaker nito habang wala pa ang amo. May male touch ang nasabing silid dahil sa kulay ng kurtinang ginamit sa bintana at sa kulay ng bedsheet, mga punda at kumot. May shade of blue.
.
"Just in case na may kailangan ka, just knock on my door." dagdag pa ni Strike.
.
"Saan naman ako matutulog?" tanong niya.
.
"There."
.
Lumabas sila ng kuwarto nito at sinagasa sa sala. Binuksan nito ang isa pang silid sa kabilang dulo. Bukas din ang ilaw doon. Bakit? Inaasahan ba ng caretaker na may kasama ang amo sa pagdating? Ang unang tumambad sa kaniya ay ang queen size canopy bed na nakukurtinahan ng white lacy curtain ang apat na poste ng kama. Parang higaan ng isang prinsesa. Puti rin ang bedsheet, kumot at mga punda. Pambabae ang nasabing silid dahil sa mga kagamitan doon tulad ng malaki at magarang wood carving dresser.
.
"Ang ganda!" bulalas ni Kwini sa sobrang paghanga.
.
"Nagustuhan mo ba?"
.
"Oo naman. I've never seen one in real life. But I love the idea of sleeping in a canopy bed. Kaninong kuwarto 'to?" tanong niya nang mamataan ang dalawang frame ng litrato ni Lola Isabel na nakapatong sa mababang kabinet.
.
"Kay Lola Isabel. At ikaw pa lamang ang kauna-unahang gagamit ng kuwarto niya."
.
Nagulat siya. "Hindi kaya multuhin niya ako?"
.
Natawa si Strike. "Mabait si Lola Isabel. Hindi ka no'n mumultuhin. Kung nabubuhay pa siya, tiyak na matutuwa ka sa kaniya. 'Pag nakakita 'yon ng isang magandang babaeng tulad mo at natipuhan ka niya, tiyak na ibi-build up ka niya sa mga apo niyang binata. Lola Isabel was an expert match maker. Lahat ng mga pinsan niya ay natagpuan ang babae at lalaking mamahalin nila sa pamamagitan ni Lola Isabel. Gayundin ang mga apo niya na mas matanda sa akin ay nahanapan din niya."
.
"At ikaw, hindi pa?"
.
Nalungkot si Strike. "Hindi na niya nagawa iyon dahil sampung taon pa lamang ako nang mamamatay siya. Ako pa naman ang pinakapaborito niyang apo sa lahat at ang pinakabatang apo na naabutan niya."
.
"Bakit sa akin mo ipapagamit ang kuwarto niya?"
.
Nagkibit ng mga balikat si Strike. "Para kahit paano ay may buhay ang kuwarto niyang ito. Parang nandito pa rin siya tulad ng dati." paliwanag nito habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng silid. "Kaya nga ipinagbilin ko kay Aling Minda na huwag isasara ang ilaw rito. It's all yours for this night, Kwini. Lahat ng narito ay puwede mong gamitin. Ang dresser, ang banyo at ang kamang iyan. Masarap ang magiging tulog mo." Strike reassured her.
.
Ganito pala nito kamahal ang abuela nito. Normal lang na ma-miss nito si Lola Isabel. Naging paboritong apo ito ng matanda noong nabubuhay pa. Ibinagsak niya ang sarili sa kama na may pagkalambot-lambot na kutson.
.
"Parang ang sarap matulog, Strike!" tuwang bulalas niya. Niyakap niya ng mahigpit ang isang unan. "Para akong nakahiga sa mga ulap. Ganito pala kasarap humilata sa kamang ito?" Noon lang niya naramdaman ang pagod sa ilang oras na pagmamaneho.
.
Ipinikit niya ang mga mata. "Hmmm.... Heaven!" Payapang-payapa ang pakiramdam niya habang nakahiga.
.
Ninamnam niya ang ginahawa ng pagyakap niya sa unan at sa malambot na kutson na sumalo sa kaniya. Matagal siya sa ganoong ayos nang maramdaman niya ang paglundo ng kama. Half-open, idinilat niya ang mga mata. It was Strike at the edge of the bed, passionately looking at her face. Nasa mga mata nito ang fondness sa pagkakatitig sa kaniya.
.
Tuluyan na niyang iminulat ang mga mata. "Strike?" pukaw niya rito.
.
"H-ha?" Bigla yatang nahimasmasan si Strike dahil nagulat ito.
.
"Bakit nakatingin ka sa akin?"
.
"Ha? Eh...." Parang bigla pang nalito ito.
.
"Anong ha at eh? Bakit mo nga ako tinititigan ng ganyan?"
.
"Ah, g-gusto ko lang sabihing huwag ka munang matulog dahil siguradong hindi ka pa kumakain. I will prepare our lunch."
.
"Thanks pero hindi pa ako nagugutom. What all I want is to sleep and sleep, to rest and rest on this comfy bed the whole night. Inaantok na ako." Nasisiyahang hinagod pa niya ang kama.
.
"Wala pang laman ang sikmura mo."
.
"Busog ako, okey? Iwan mo na ako, please? Pakisara na lang ang pinto." sabay hikab niya. Natawa siya na parang itinataboy niya ito, eh ito ang may-ari ng bahay.
.
"Are you sure, hindi ka nagugutom?"
.
"Oo nga. Ang kulit! Good night, Strike!" sabi niya bago ipinikit ang mga mata.
.
"Good night, Kwini. See you in the morning." paalam ni Strike na sinundan ng yabag ng mga paa nito palayo.
.
Narinig ni Kwini ang pagbukas-sara ng pinto ng kuwarto. I-gi-greet na lang niya si Strike bukas ng umaga. Hindi na siya nag-abalang magpalit pa ng damit. Tinatamad na siyang tumayo para kunin ang night bag niya sa kotse. Tuluyan nang nahulog sa malalim na pagtulog ang diwa niya.

The Cursed Bride Series: ChandelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon