Chapter Ten

4.4K 90 32
                                    

STRIKE considered that day the most fatal day he had ever had in his entire life. Ngayon ang araw ng pamamanhikan niya sa mga Belmonte, ang pamilya ni Sabrina para pag-usapan ang pagpapakasal nila ng kinakapatid.
.
Gusto niyang isigaw sa mga magulang na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Sabrina pero huminahon na lang siya at maghintay.
.
May isa pang paraan para mabago ang kaniyang tadhana!

Iyon ay kung darating si Jericho. Pero paano kung hindi dumating ang lalaki? Nakaramdam siya ng panlulumo. Magpapatangay na lang siguro siya sa agos ng kapalaran. Kung si Sabrina ang kapalaran niya, mangyayari nga. Maluwag niyang tatanggapin dahil wala na siyang choice. He's Hopeless.

Ipinahanap niya si Jericho sa kaibigan niyang detective na si Ralph Lorenzo. Kahit kumukulo ang dugo niya sa lalaki sa pagtakas nito sa responsibilidad kay Sabrina ay kinausap pa rin niya ito. Ikinuwento niya ang kalagayan ni Sabrina na alam niyang alam rin nito, pati ang kalungkutang nakikita niya sa mga mata ng kinakapatid dahil sa pagtalikod ng lalaki rito, ang kahihiyang dadanasin nito sa pagbubuntis ng walang ama at ang desisyon niyang pakasalan si Sabrina kahit hindi niya mahal, huwag lang itong malagay sa kahihiyan. Sa lahat ng sinabi niya ay tahimik lang na nakikinig si Jericho. Walang reaction hanggang sa maghiwalay sila. Pero umaasa siya na magbabago ito ng isip at damdamin para panagutan si Sabrina.

Pero ang inaasahan niya ay hindi nagkatotoo. Walang Jericho Sebastian na dumating sa bahay niya hanggang sa mga sandaling iyon. Nilinga niya ang paligid. Ang lahat ay abala sa paghahanda sa pamamanhikan, ang mga kasambahay nila na galing pa ng Maynila. Sa bahay niya pag-uusapan ang tungkol sa kasal dahil maliit lang ang bahay nina Sabrina. Suhestiyon ng kaniyang Mama na halatang masayang-masaya sa mga nangyayari.

Sa mahabang mesa ay naroon na ang masasarap na pagkain na pagsasaluhan nila sa pagdating ng pamilya ni Sabrina. Special talaga sa mama niya ang araw na iyon. Mas excited pa ito kesa sa kanila.

Dumating ang pamilya ni Sabrina. Si Aling Minda, si Sabrina, ang nakababatang kapatid nito at ang tiyuhin na kapatid ng ina nito. Biyuda na sa buhay si Aling Minda at mag-isa na lang itong tumataguyod sa dalawang anak. At ngayong dumating na nga ang pamilya ni Sabrina ay kinakabahan naman siya.

Matututunan kaya niyang mahalin si Sabrina balang araw? Sana..... Pero habang nakatanaw siya sa malaking bintana ay kung bakit ang maamong mukha ni Kwini ang nakikita niya. Parang hindi niya kayang kalimutan ang isang Kwini Udarbe.

"Hijo, bakit nandiyan ka? May problema ba?" puna sa kaniya ng lumapit na ama, si Arthur Meneses. Kanina pa siya sa bintana at hindi nakikihalubilo.

"Wala, Pa." aniya at muling dumungaw sa labas.

Inakbayan siya nito. "Kanina pa kita pinagmamasdan. May babaeng gumugulo sa isip mo, right?"

"Wala, Pa." pagsisinungaling niya.

"You are, son. Girlfriend?" Hindi siya nakaimik. "Don't deny it. Nabanggit minsan sa akin ng mama mo na may dinala kang babae rito for the first time. Siya ang iniisip mo, di ba?"

Mapipilitan na yata siyang magtapat sa kaniyang ama. "Y-yeah. And.... I love Kwini so much, Pa. Pero kailangan kong pakasalan si Sabrina."

"Kahit hindi naman ikaw ang ama ng dinadala niya?"

"Paano n'yong nalaman?" Gulat na gulat siya.

"Hijo, hindi ako manhid para hindi maramdaman ang pinagdadaanan mo. You're just kind enough to save Sabrina from this predicament. Just because you love her as your little sister, don't you? Free yourself, son. Kung hindi mo mahal si Sabrina, don't marry her. We can find a solution to her problem, all together."

"I already did, Pa. Nakausap ko si Jericho, ang boyfriend niya pero mukhang wala siyang balak na panagutan si Sabrina."

"Oh, poor, Sabrina." Napailing ang kaniyang ama. "Pero hindi solusyon ang pagpapakasal mo sa kaniya. You have your own life to live on and be happy with someone you love."

The Cursed Bride Series: ChandelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon