.
NAPANGITI si Kwini nang mapansin ang isang bagay na mahalaga sa kaniya. Inilabas niya iyon sa pinakailalim ng drawer. It was their family photo album. Naroon ang lahat ng larawan niya mula sanggol pa lamang siya hanggang sa magdalaga. Nakapaskil din doon ang mga larawan ng kabataan ng mommy at daddy niya, ang panahong magkasintahan pa ang mga ito hanggang sa ikasal at magbuntis ang ina sa kaniya. Lahat ng alaala ng pamilya ay nasa album na iyon.
.
Paglipat ni Kwini ng ibang pahina ay nangunot ang noo niya. Bakit naroon ang larawan ni Lola Isabel? Nakakahawa ang ngiti ng lola sa tuhod ni Strike kaya hindi niya maiwasang mapangiti rin. Gustung-gusto talaga niya ang aura nito. Habang pinagmamasdan niya ang larawan ay biglang may lumabas na puting usok mula roon. Ang usok ay unti-unting nagkokorteng tao hanggang sa nabuo ang imahe niyon. Si Lola Isabel! Nabuhay si Lola Isabel? Nakangiti ito at pilit inaabot sa kaniya ang kamay nito. Nang maabot niya iyon at mahigpit na kumapit sa kamay nito ay saka ito unti-unting naglalaho.
.
Lola Isabeel!!!
.
Isang yugyog sa balikat ang gumising kay Kwini. "Wake-up, Kwini! Wake-up!" Iminulat niya ang mga mata upang mabungaran lang ang guwapong mukha ni Strike.
.
Bigla siyang napabangon. Nasa bahay pa pala siya ni Strike! "Bakit ka nandito?"
.
"Narinig kitang umuungol nang kakatukin sana kita. Kaya napapasok ako. Nananaginip ka pala."
.
Naalala niya ang panaginip. Minumulto ba siya ni Lola Isabel? "Siguro, kailangan ko nang umuwi, Strike." aniya at mabilis na umahon sa kama.
.
"Ha? Mag-almusal ka muna. I cooked breakfast for us."
.
"Huwag na. Sa bahay na lang ako kakain." Nagtungo siya sa dresser, umupo at nagsuklay ng buhok.
.
"Kwini, magugutom ka sa daan. Kagabi ka pa hindi kumakain. Sabay na tayong mag-almusal, please?"
.
Naninibagong nilingon niya si Strike mula sa salamin. Did she hear him right? Did he really care about her? Bago sa kaniya iyon na magsasabay pa sila sa pagkain na hindi pa niya naranasan dito kahit noon. .
.
Pinagmasdan niya ito. Ngayong umaga lang uli niya nakita si Strike. Lalo itong naging guwapo. Hindi dahil sa nakaligo na ito kundi sa magandang pangangatawan sa ilalim ng hapit na puting sando. Ang laki ng mga bicep nito. Ang abs? Jusko! Bakat na bakat ang mga pandesal na iyon sa flat na tiyan nito. Maning-mani si Xian Lim sa kamachohan. Kung bakla lang siya ay kanina pa niya ginapang si Strike. Nanuyo tuloy ang lalamunan niya. Ibinaling niya ang mukha sa ibang direksiyon. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka ito ang maging almusal niya.
.
"Okey."
.
Umaliwalas ang mukha ni Strike. Isinukbit niya ang bag at tumayo. Bago siya lumabas ay pinasadahan muna niya ng tingin ang kabuuan ng silid ni Lola Isabel, partikular ang canopy bed. Nanghihinayang siya na hindi niya matagal na nahigaan iyon. Sumabay siya sa paglabas ni Strike. Ang problema, madadaanan nga pala nila sa hagdan ang larawan ni Lola Isabel. Malayo pa lamang ay nasilip na niya ang painting ng nakangiting abuela ni Strike. Imbes na kilabutan dahil sa panaginip ay kung bakit hindi niya maramdaman iyon. Hindi naman pala dapat katakutan ang matanda.
.
Masarap ang nakahaing pagkain sa mesa. Noon lang siya nakaramdam ng gutom nang makita ang tapa at itlog. Nakakatakam naman kase ang sinangag na may nakahalong kung anu-ano roon. Maaasahan pala si Strike sa pagluluto.
.
"Kahit hindi ako marunong magluto, nag-effort akong lutuan ka ng masarap na almusal. 'Yon nga lang. Pagpiprito lang ang alam ko." wika ni Strike nang ipaghila siya ng upuan.
.
In fairness, na-appreciate niya ang effort na ginawa nito para sa kaniya.
.
"Hanggang kailan ka nga pala rito?" tanong niya kay Strike sa pagitan ng pagkain.
.
"Two weeks or three. After that, back to work uli ako. Hindi pa sapat pero kailangan."
.
"Ikaw naman ang boss doon. You can rest all the time you want."
"Nah! Hindi ako ganoon ka-iresponsable. Hindi ko puwedeng iasa sa iba ang negosyo. I must be the one to handle it. Gusto kong namo-monitor ang lahat ng aktibidad ng business."
.
The same Strike she used to know. Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na si Kwini sa pag-alis.
.
"Hindi ka na ba mapipigilan niyan?" sa nalulungkot na tanong ni Strike. "You can stay here with me. Samahan mo muna ako sa pagbabakasyon until it's all done."
.
Parang gustong magbago ng isip niya at samahan ito. Inaanyayahan siya ni Strike na mag-stay sa bahay nito. Pero hindi naman pupuwede. May negosyo rin siya na kailangan ng kaniyang supervision.
.
"Sa susunod na lang, Strike." At umaasa siya na hindi doon natatapos ang pagkikita nila. Ibinigay niya ang sariling contact number dito, ganoon din ito sa kaniya.
.
Paalis na sana siya nang may mapansin siya sa ulunan ni Strike. Bakit gumagalaw ang chandelier? Nanlaki ang mga mata niya nang bumilis ang galaw niyon. Hindi na iyon guni-guni lang! At bakit para siyang nahihilo?
.
"Kwini!" malakas na sigaw ni Strike at mabilis siyang dinaluhong ng yakap.
.
Natumba silang dalawa. Kasunod niyon ay ang malakas na pagbagsak ng isang bagay na parang sa nabasag na salamin. Ang chandelier! Tumalsik sa kanila ang mga piraso ng bubog. Dahil si Strike ang nasa ibabaw niya ay natakpan siya nito. Kinabahan siya hindi dahil sa aksidente kundi sa isiping baka nasugatan ito ng mga bubog.
.
"Strike?" nag-alalang tawag niya.
.
"Okey lang ako, Kwini." pag-a-assure sa kaniya ng lalaki.
.
Na-relieved naman siya. Pero nag-init ang mga pisngi niya nang mapuna ang ayos nilang dalawa. Nakadagan ito sa kaniya. O sa mas sensual na salita, nakapatong ito sa ibabaw niya, with her thighs opened wide. Nalalanghap niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha niya sa sobrang lapit nila. Lumakas tuloy ang tibok ng puso niya. Nagkatitigan sila ni Strike. Pagkatapos ay bumaba ang paningin nito sa mga labi niya. Ramdam niya ang pagnanais nito na halikan siya. She unconsciously licked her lips. Napalunok si Strike at dahan-dahang bumaba ang mukha sa kaniya. Pumikit siya, waiting for his lips to press on her.
.
Pero biglang umungol ito. "Ahhh!"
.
Hindi pa nga sumasayad ang mga labi nito sa kaniya, nasarapan na agad?
.
Dumilat siya. Nakita niyang nakangiwi ito. "Bakit?"
.
"May mahapdi sa likod ko."
.
Kinapa niya ang likod nito. Nakita niya ang dumikit na dugo sa daliri niya.
.
"May sugat ka!" Umalis ito sa pagkakadagan sa kaniya, tumayo. Ch-in-eck niya ang likod nito. "Maliit lang na sugat na pahaba. Nadaplisan siguro ng bubog."
.
"Malalim ba?"
.
"Mababaw lang at hindi naman malala. Parang gurlis lang. May medicine kit ka rito?"
.
"Yap. Nasa itaas, sa kuwarto ko." tugon nito.
.
"Mas maganda siguro kung sa kuwarto mo na lang kita gamutin para makapagpahinga ka na rin. Salamat, Strike. Hindi biro ang ginawa mo para iligtas ako sa bumagsak na chandelier."
.
He only smiled. Pumayag si Strike na sa silid na lang nito gamutin. Nang aalalayan niya ito ay tumanggi ito. "Hindi naman ako nabalda, Kwini para alalayan pa. Don't worry."
.
She rolled her eyes. Man's ego. Egoistic talaga ang mga lalaki. On the rescue sa kanilang pagkalalaki. Umakyat sila ng hagdan. Habang ginagamot niya ang sugat ni Strike sa kuwarto nito ay iniisip niya ang chandelier.
.
"Nagtataka lang ako, Strike. Paanong gumalaw ang chandelier at bumagsak? Hindi kaya may multo nga rito?" Isinatinig niya ang bumabagabag sa kaniya mula nang tumuntong siya sa bahay na iyon.
.
"Hindi mo ba naramdamang lumindol? At marupok na ang pinagkakabitan ng chandelier kaya bumagsak." pagbibigay-alam nito.
.
Napahinto siya sa paglilinis ng sugat nito. Lumindol? Kaya ba siya nahilo kanina?
.
"At anong multo ang sinasabi mo?" untag pa ni Strike. "Walang multo rito, Kwini. Matagal na akong nag-i-stay dito pero wala akong nakikita at nararamdaman."
.
"Ako meron. May nararamdaman akong paranormalities."
.
"Tulad ng ano?"
.
Tinapos muna niya ang pagbebenda sa sugat ni Strike bago sumagot. "Tulad ng painting ni Lolo Martinez at ni Lola Isabel na nasa hagdan."
.
Natatawang humarap si Strike sa kaniya. "At anong meron sa painting? Anong nakita mo roon?" Itsurang ayaw nitong maniwala sa kaniya.
.
"Hindi ka naniniwala? Sige, huwag na lang. Wala akong nakita." Nanunulis ang ngusong humalukipkip siya.
.
Naaaliw na hinaplos ni Strike ang pisngi niya. "You're still the Kwini I know. Mahilig magtampo 'pag hindi pinapansin."
.
"At kelan ako nagtampo nang hindi mo pinansin?"
.
"Hindi mo natatandaan? Sa JS Prom?"
.
Napaisip siya. Yap, sa JS Prom nga. "Ah, noong nag-walk out ako at iniwan kita sa gitna ng dance floor?"
.
Isang eksena iyon sa buhay niya na ayaw niyang maalala pa. Kasayaw niya ito. Actually, hindi naman dapat si Strike ang magiging partner niya kung hindi lang niya ito binola-bola. Sinabi niyang ilalakad niya ito kay Trixia, ang babaeng crush nito kahit ang totoo ay hindi naman niya ka-close ang babae.
.
"'Yon nga. Alam kong nagselos ka noon kay Trixia."
.
Bakit hindi siya magseselos? Kase naman kahit anong pihit ang gawin niya sa ulo nito ay ibinabalik pa rin nito sa direksiyon ni Trixia ang paningin na nakikipag-flirt din dito sa mga tinginan lang. Nahuli pa niyang nag-flying kiss si Trixia kay Strike. Pero nang mahuli rin niya si Strike na kumindat sa babae ay doon na siya nag-walk-out. Para ano pa na magtagal siya sa tabi nito? Kitang-kita naman ang ebidensiya na wala siyang halaga kay Strike. Napapahiya lang siya sa sarili at kay Maki na nang mga oras na iyon ay kasayaw ang guwapong si Jarret. Kaya nilayasan niya ito. Susundan sana siya ni Strike pero nilapitan ito ni Trixia at sa babae na nakipagsayaw.
.
"Ang sama-sama ng loob ko noon, Strike. Ako ang kasayaw mo pero ibang babae ang pinapansin mo. Kaya tumakbo ako palabas." Parang nararamdaman pa niya kung gaano kasakit ang pangyayaring 'yon. Umiyak siya ng umiyak noon at sumumpa na kahit kailan ay hindi na niya papansinin pa si Strike. Simula nga noon ay iniwasan na niya ito.
.
Nakita niya ang lungkot na bumahid sa mukha ni Strike. "That was the day when I made a very big mistake in my life, Kwini. I was sorry for what happened." Tumaas ang kamay nito at may pinahid sa pisngi niya.
Lumuluha na pala siya!
"I suffered a lot whenever you walk away everytime I come to you. It pained me all over. Sising-sisi ako noon. Gusto kong aluin ka pero galit ka sa akin. Alam kong kasalanan ko kaya I deserved to be left behind. Alam kong sa tamang panahon ay magkikita tayo to ask for your forgiveness. At ngayon ang panahong iyon, Kwini. Can you forgive me despite what I did to you?"
.
Napangiti siya. "Sa ilang taong hindi tayo nagkita, hindi pa ba kita mapapatawad? In fact, nakalimutan ko na 'yon. Sa loob ng mga taong 'yon ay marami nang nagbago, Strike. Nagmahal din naman ako."
.
"S-sino? Si Jess?"
.
Si Jess ang ginawa niyang panakip-butas noon dito. Sinagot niya ang kaklase para maalis ang atensiyon niya kay Strike at makalimutan ito pero nabigo siya. Kahit nakipagkalas na siya kay Jess dahil sa ibang babae ay si Strike pa rin ang laman ng puso't-isipan niya hanggang ngayon.
.
"Hindi kay Jess kundi kay Leo, my boyfriend for two years."
.
Nanlumo ba si Strike sa nalaman? O baka na-misinterpret lang niya ang reaction nito?
.
"D-do you love that man?"
.
Bakit parang hirap na hirap itong itanong iyon? Tumango siya. "I'm deeply in-loved with Leo. Medyo may kaunting tampuhan lang kami ngayon. Slight lang. Pag-uwi ko, isang lambing ko lang doon, bati na kami." Hindi niya itinama na wala na sila ng kaniyang ex-boyfriend, for her pride's sake.
.
Nagdilim ang mukha nito. There, she sensed something was about with him. May pagtingin din ba ito sa kaniya na itinatago lang? Winner! Nagdiwang ang puso niya. Malapit na niyang matumbok ang dapat tumbukin!
.
"Ikaw? Kumusta ang lovelife mo?" aniya. "May girlfriend?"
.
From his darkened face, Strike laughed. "Are you fishing? So, what is it to you if I got lots of girlfriend before?"
.
Nakaramdam siya ng inggit at selos sa mga babaeng nakarelasyon nito. Now, she could fathom one thing, kung gaano ba kahalaga ito sa buhay niya. Kahit pala nakailang boyfriend na siya ay si Strike pa rin ang isinisigaw ng puso niya.
.
"W-wala naman. Just asking." Tumayo na siya. "I have to go now. May business din akong kailangang harapin."
.
"Hindi mo ako puwedeng iwan sa ganitong kalagayan, Kwini."
.
Tumikwas ang isang kilay niya. "And why not? Napakababaw na sugat lang naman 'yan. Malayo sa bituka." Isinukbit na niya ang bag.
.
Kahit tumambling pa ito ay hindi ito maaapektuhan ng maliit na sugat nito. Walang nagawa si Strike nang tumalikod siya at bumaba ng hagdan. Sinundan pa rin siya nito.
.
"Kahit magmakaawa ako?"
Hindi niya ito pinansin. Diretso siyang lumabas ng bahay. Natanaw niya ang kotse sa di-kalayuan. "Kwini, please? Huwag ka munang umalis." Pinigilan ni Strike ang kamay niya nang akmang bubuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse.
.
Lihim na natawa si Kwini. Si Strike na ngayon ang hahabul-habol sa kaniya? How irony! Babalikan naman niya ito pagkatapos niyang kumustahin ang kaniyang garment. Nakita na niya ito kaya hindi na niya ito pakakawalan pa. Konting pakipot muna.
.
"Mawalang-galang na sa inyong dalawa." singit ng isang tinig na nagpahinto sa kanila ni Strike. Isang matandang lalaki na may pasang mga sanga ng kahoy ang nakita nila. "Kayo ba, mga anak, eh luluwas pa-Maynila?"
.
"Opo, tatang." Siya ang sumagot. "Bakit po?"
.
"Nakow! Hindi n'yo ba nabalitaan? Isinara ang Bamban bridge ngayon dahil sa lindol. Nasira ang isang bahagi ng tulay at delikado para sa mga motorista."
.
Napamaang siya. Paano siya makakauwi nito? "Mayroon po bang ibang daan na puwedeng daanan, tatang?"
.
"Ah, eh-"
.
"Walang ibang daan maliban sa Bamban bridge." maagap na sagot ni Strike. "Tata Kulas, marami pong salamat sa balita." Agad inakbayan nito ang matanda at nag-usap ang dalawa ng malayo sa kaniya. "Kumain na po ba kayo?" ang narinig niyang tanong ni Strike dito.
.
"Eto at kaya ako nangahoy ay para makapagpainit ng tubig. Masayaran man lang ng mainit na kapeng barako ang sikmura." tugon ng matanda.
.
Dumukot si Strike sa bulsa ng three-fourth pants nito. Inilabas ang wallet. Binigyan ng pera ang matanda. "Samahan na ninyo ng tinapay, Tata Kulas para mabusog kayo."
.
"Nakow! Nag-abala ka pa. Pero maraming salamat, Strike."
.
"Walang anuman po."
.
Sandaling sumulyap sa kaniya si Tata Kulas at nag-usap ang dalawa sa salitang kapampangan na hindi niya maintindihan.
.
"Malagu. Mahusay kang pumili." ang narinig niyang sabi ng matanda. "O, siya. Ako'y yayao na. Pakisabi na lang sa iyong katipan na ako'y aalis na."
.
Katipan? Sinabi ba ni Strike kay Tata Kulas na katipan o girlfriend siya nito?
.
"Opo, Tata Kulas. Makakarating kay Kwini." ani ni Strike na waging-wagi ang hilatsa ng mukha. Lumayo na ang matanda sa lugar na iyon.
.
"Give me your car key, Kwin." utos sa kaniya ni Strike paglapit nito.
.
"Bakit?"
.
"Ipapasok ko na ang kotse mo sa loob ng bakuran ko."
.
"Teka, aalis pa ako, ah."
.
"Di mo narinig 'yong sinabi ni Tata Kulas kanina? Delikado sa mga sasakyan ang tulay. Aayusin pa iyon."
.
"Baka may alternate route pa naman na madadaanan."
.
"Wala ng iba kundi ang Bamban bridge lang. Don't you dare try and end up helpless in the end. Mapapagod ka lang, Kwini."
.
"Namaaan!" Napapadyak siya sa inis.
.
Paano na ang garment niya? May shipping pa naman sila sa Miyerkules kaya mas lalong kailangan siya roon. Ibinigay niya ang susi ng kotse rito.
Pumasok si Strike sa kotse niya at binuhay ang car engine.
.
"Come on, Kwin! Sakay na." nakangiting tawag nito.
Naiinis man, sumakay si Kwini. Tatawagan na lang niya ang secretary niya.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series: Chandelier
HorrorNaniniwala pa ba kayo sa sumpa? Basahin ang kuwento ng pag-ibig ng anim na dalagang naisumpa dahil sa panggugulo nila sa ibang kasal. Dahil doon ay kailangan nilang kontrahin ang sumpa sa pamamagitan ng paghahanap ng mapapangasawa kung hindi ay tata...