Chapter four

2.2K 44 1
                                    

.
.
PAGBALIK ni Kwini at Strike ng bahay ay napansin ng dalaga ang nasirang chandelier sa sala. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Nawala na ang ganda niyon.
.
"Ilang years nang nandito ang chandelier na 'to, Strike?"
.
"Hindi ako sigurado kung gaano katagal. Binili raw iyan ni Lola Isabel noong mabiyuda siya. Nakikita ko na 'yan noong maliit pa ako."
.
Ganoon na pala katanda ang chandelier? Yumuko siya at aktong dadamputin ang isang piraso ng bubog nang may naaninag siyang bagay sa gitna ng chandelier, sa pinakakatawan niyon kung saan naghuhugpong ang mga nagsasangang ilaw. Parang nakabilot na brown na papel gaya ng ipinambabalot sa pandesal at bahagya nang nangingitim. Hindi agad iyon mapapansin dahil sa kulay. Hindi kaya makapal na alikabok lang?
.
"Huwag! Baka masugatan ka." awat ni Strike nang makita siya at mabilis siyang inilayo sa chandelier. "Maupo ka muna at ako na ang bahala rito."
.
Umupo si Kwini sa sala set at may tuwang pinanood si Strike sa paglilinis ng sahig. Nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ng binata. Pamilyar sa kaniya ang mga kilos nito. He still got that manly grace that took her interest in him. Ang kakaibang kilos nito na laging nagpapakilig sa kaniya noon.
.
Nabanggit nito na marami itong naging girlfriend. Hindi kataka-taka kung maraming babae ang nagkakagusto rito. Strike was a grown man now, strong and confident. And he looked one hell of a yummy fafa. Hindi tulad noong high school pa sila na isang matangkad at patpatin. Ngayon, maskulado na ang lalaki. Ang magandang katawan nito ang ebidensiya na siguradong alaga sa gym. Parang ang sarap magpakulong sa mga bisig nito at mapasandig sa matipunong dibdib.
.
Napakislot si Kwini nang bitbitin ni Strike ang chandelier. "Saan mo dadalhin 'yan?" agad na tanong niya. Naalisan na iyon ng mga bubog na nakakapit sa frame. May mangilan-ngilan pang crystal design na hindi nabasag.
.
"Ilalagay ko sa bodega sa likod ng bahay." anito saka nagpatuloy sa paglabas.
.
Napailing si Kwini sa panghihinayang. Napakaganda pa naman ng chandelier. Nasira lang nang dahil sa lindol. Dahil ba talaga iyon sa lindol? O sa paranormal activities na nararamdaman niya sa bahay? Hindi niya alam kung paniniwalaan niya si Strike na walang multo doon. Okey, given na kaya gumalaw ang chandelier ay dahil lumindol. Paano naman ang pangyayaring gumalaw din ang chandelier nang una niyang makita? Ang painting ni Lolo Martinez na pinandilatan siya at ang pagngiti ni Lola Isabel sa kaniya? Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon.
.
Nakikiramdam na iginala niya ang mga mata sa kabuuan ng bahay, partikular sa mga nakahilerang paintings sa hagdan. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. May multo talaga sa bahay na iyon!
.
"Kwini?!!" Halos mapalundag siya nang tawagin siya ng malakas ni Strike.
.
"Grabe ka naman! Ginulat mo ako." sabay sapo niya sa dibdib sa pagdagsa ng kaba. "Huwag ka ngang bigla na lang nagsasalita d'yan."
.
"Ano ba kasing iniisip mo at parang takot na takot ka?"
.
"Wala." kaila niya.
.
"Sa akin ka ba natatakot? Dahil ilang araw at gabi tayong magkakasama sa iisang bubong?"
.
"Ha?" Ano ang pumasok sa kukote nito at nagsalita ng ganoon?
.
Pilyong ngumisi si Strike na parang may kademonyohang naglalaro sa utak. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya. She could see the sexual hunger that almost darkened his eyes.
.
Re-rape-in siya nito? Nawindang yata pati dulo ng split ends niya, isama na pati patay na buhok. Sinong kaluluwa ang sumanib kay Strike?!! Kay Lolo Martinez the first? The second? Or the third? Ngiii!!! Hukluban na ang mga 'yon!
.
"Strike, 'wag ka ngang magbiro ng ganiyan. Hindi ka nakakatawa, ha?" sabi niya para palisin ang takot. Sa kakaurong niya ay dingding ang nabangga ng likod niya.
.
Patuloy pa rin sa paglapit si Strike. Nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Pati bibig ay tinikom niya. Nadama na niya ang marahas na paghinga nito na ibig sabihin ay magkalapit na ang mga mukha nila. Hahalikan siya nito!
.
"Kwiniiii!!!" Nagsalita si Strike sa nakakakilabot na boses. "Kwiii..... niii!"
.
Salamat at hindi siya hinalikan ng kung sino mang sumanib dito. Nag-antanda si Kwini at nilakasan ang loob. "Kung sino ka mang kaluluwa na sumanib kay Strike, sa ngalan ng Panginoong Hesus, lumayas ka sa katawan niya!" malakas na sigaw niya para lumabas sa katawan nito ang sumanib na kaluluwa.
.
Pagkatapos niyon ay isang malutong na halakhak ang narinig niya. Parang tawa ng demonyo. Kinikilabutan man ay dumilat siya. Para lang makita si Strike na halos mamilipit ang tiyan sa kakatawa.
.
"Ang OA mo, Kwini! Paniwalang-paniwala ka naman." Humagalpak uli ng tawa si Strike.
Binibiro lang siya nito? Inis na nilapitan niya ang herodes sabay batok dito. Ang lutong pa ng tunog.
.
"Aray! Ang sakit non, ah!" angal nito at napahawak sa ulo.
.
"Buti nga sa 'yo! Bakit mo ako binibiro? Akala ko sinaniban ka na ng kung sinong ligaw na kaluluwa d'yan, yon pala....."
.
"Nagpapaniwala ka kasi sa mga multo na 'yan. Mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. Ang buhay, puwede kang rape-in. Ang patay, hindi." Pagkatapos ay tumawa uli ito. Isang malakas na batok uli ang ibinigay niya.
.
"Nakakarami ka na, huh! 'Pag ako nainis, hahalikan na kita." pananakot nito.
.
"Kaya mo?" She challenged him.
.
"Try me?" Ngumisi si Strike at unti-unting lumapit.
.
Napasubo yata siya. "Hello?! I'm just kidding." Nag-peace sign siya. Then, she giggled.
.
"But I am not, Kwini. I'm deadly serious to kiss you until you ran out of breath." determinadong sabi nito at nagpatuloy sa paglapit.
.
Iniharang ni Kwini ang dalawang kamay sa pagitan nila. Totohanin kaya nito na halikan siya? Teka, bakit ba siya umiiwas? Hindi ba't noon pa niya pinapantasya na mahalikan nito? Tumigil siya sa pag-urong. Ito naman ang natigilan nang hindi na siya umiiwas. Sa halip ay inilapit pa niya ang sarili rito. She wanted him to feel that she was willing to accept the kiss. Nang-aakit ang mga titig niya kay Strike.
.
Biglang tumalikod si Strike. "I-I think, I forgot something. May gagawin nga pala ako." anito sa sumablay na tinig. Sinadya ba nitong umiwas? Bakit? Ayaw ba siyang halikan nito? Hindi ba siya maganda para rito?
.
"Saan ka pupunta?" Kahit medyo napahiya, na-curious siya kung saan ito tutungo.
.
"Dito lang. Kung naiinip ka, manood ka ng TV or you can stay in your room and sleep." anito habang papalayo.
.
Saan nga ba ito pupunta? Sinundan niya ito kung saan ang tinutumbok ay ang kaliwang bahagi ng bahay at kumanan sa isang pagliko. Maigsing pasilyo pala iyon. Medyo tago kaya ngayon lang niya napansin. Nakita niyang pumasok ito sa nag-iisang pinto sa dulo.
Anong mayroon sa silid na pinasukan ni Strike at nagawa nitong tanggihan na halikan siya?
.
Titig na titig siya sa doorknob ng nakasarang pinto. Hindi alam kung pipihitin iyon o aalis na lang. Idinikit niya ang tainga sa dingding. Wala siyang ingay na naririnig sa loob. Kwini chose to leave to give Strike his privacy. Baka lang study room iyon at nag-oopisina ito. Paalis na siya nang makarinig siya ng malakas na daing. Daing ni Strike na parang may.....karomansahan ito?
.
Nag-isang guhit ang kaniyang mga kilay. Nagdadala si Strike ng babae roon?! 'Ika nga... 'Curiosity kills the cat'. Kaya kung hindi niya aalamin ang nangyayari ay baka mapatay nga niya ang pusa.
Kwini quickly opened the door para lang magulat sa nasaksihan. Dumadaing nga si Strike, hindi dahil sa nakikipaglampungan ito sa kung sino kundi sa mabigat na bagay na inaangat nito! He was lying in flat bench with racks on one end. Nagbababa't-taas sa tapat ng dibdib nito ang malaking barbel na ilang kilo ang bigat. Nag-iigtingan ang mga ugat nito sa leeg habang binubuhat ang barbel. It was the gym equipment, Bench Press. Pampalaki ng chest, shoulders, biceps at triceps. Maraming iba't-ibang klase ng gym equipment ang nakita niya roon. Nagwo-workout pala ito. Hindi ba dumugo ang sugat nito sa likod?
.
Nang makita siya ni Strike ay ibinalik nito ang barbel sa rack. "Come in. Want to join me? Ngumiti ito.
.
Tuluyan na siyang pumasok. "Baka lumaki ang mga muscles ko at magmukha akong lalaki. Kumusta 'yong sugat mo sa likod?"
.
"Hindi na siya masakit. Treadmill ang gamitin mo, Kwini. Mas madali. Magpapawis ka lang." suhestiyon nito.
.
"Gurlis lang naman ang sugat. Treadmill? Sige." aniya. Sa treadmill para lang siyang nag-jo-jogging.
.
Tumayo si Strike at sinamahan siya sa puwesto ng treadmill. Tumuntong si Kwini sa running deck. "I used to working-out every morning to stretch. Pagkagising, ito talaga muna ang inuuna ko before breakfast. 0key, are you ready?" tanong ni Strike sa kaniya.
.
"Ready."
.
In-adjust nito ang speed na tama lang sa kaniya at nagsimula na siyang tumakbo. Bumalik si Strike, hindi para magbarbel uli kundi gamitin naman ang exercise bikes. Dahil isang equipment lang ang pagitan nila ay hindi niya maiwasang mapasulyap sa lalaki. Nakaupo si Strike habang nagpi-pedal sa bike na naka-steady lang.
Sa puwestong iyon ay nakikita niya ang paggagalawan ng mga malalaking muscles nito sa hita at binti.
.
Naaliw na naman siyang pagmasdan ang mga muscles nito habang tumatakbo siya sa treadmill. Kinikilig talaga siya. Dahil siguro sa kalikutan ng kamay niya ay aksidenteng napindot niya ang speed button. Bumilis ang takbo ng treadmill. Napasigaw siya nang mawala siya sa tiyempo at ma-off balance. Sumadsad siya sa deck pababa. Ang sakit ng mga tuhod niya nang lumagabog sa sahig.
Naramdaman na lang niya ang matitipunong kamay ni Strike na umalalay sa kaniya.
.
Napangiwi siya nang itayo siya nito. "Aray! Masakit!"
.
"Alin ang masakit?" natatarantang tanong in Strike, mukhang alalang-alala.
.
"Ang mga tuhod ko. Hindi ako makatayo."
.
Napamura si Strike. "Kumapit ka sa leeg ko." Binuhat siya nito. "This is my fault! Kung hindi kita niyayang mag-workout, hindi mangyayari ito." anitong sinisisi ang sarili habang palabas sila ng gym.
.
"Strike, ako naman ang may kasalanan, eh. Hindi ako naging maingat at aksidenteng nagalaw ko ang speed button. Kung saan-saan kasi-" she paused. Hindi niya masabing... kung saan-saan nakatingin ang mga mata niya na binubusog sa kahombrehan ni Strike.
.
"Kung saan-saang ano?" nakangising tanong ni Strike. "Dahil ba nasa akin ang focus mo at hindi sa pagtakbo sa treadmill?"
.
"For your information, hindi lang ikaw ang puwede kong tingnan doon. Hanga lang ako sa mga modern equipment mo sa gym." palusot niya. Ewan kung naniwala ito.
.
"Ganoon ba?" Strike only shrugged but suppressed a smile. Parang hindi nga naniniwala. Parang sinakyan lang siya.
.
Na-offend tuloy siya. "Put me down!"
.
"Kwin, hindi ka pa puwedeng tumayo. Kung pipilitin mong maglakad, baka mas lalong lumala ang injury mo."
.
"Kaya ko na. Ibaba mo na ako."
.
"Hindi nga puwede. Huwag matigas ang ulo!"
.
"Teka, sino ba dapat ang masunod? Ako na may katawan o ikaw? At sino ang nakakaalam ng kalagayan ko, ikaw o ako?"
.
"But we both know that you're not okey, right?"
.
"Kaya ko na ngang maglakad." giit niya.
.
"O, sige. Matigas din lang ang ulo mo, ibababa na kita. Tingnan nga natin kung makalakad ka." inis na wika ni Strike at saka siya ibinaba.
.
Pinilit niyang tumayo, huwag lang mapahiya. Sumigid ang kirot nang itapak niya ang mga paa. Bumigay ang nanlalambot niyang mga tuhod. Agad siyang sinalo ni Strike. Napakapit siya sa leeg nito.
.
"Kitam! Tigas kasi ng ulo."
.
Hindi na siya nagprotesta nang pangkuin uli siya ni Strike. At habang buhat siya nito paakyat ng hagdan ay hindi niya mapigilan ang sariling sulyapan ang guwapo nitong mukha. In his sideview angle, para siyang nahihipnotismo sa magandang mata nito, sa matangos na ilong, sa malapad na leeg at sa adam's apple na na tumataas-baba.
Bumaba ang mga mata ni Strike sa kaniya. Napapahiyang nag-iwas siya ng tingin. Nang balikan niya ito ng tingin ay may ngiti na sa mga labi nito.
.
"Guwapo pa rin ba ako, Kwini kaya hindi mo maalis ang tingin sa akin?" sabi nito na hindi tumitingin sa kaniya. Confident na confident sa sarili.
.
Nag-blushed siya. Alam nitong nakatingin uli siya rito. "Dati ka ng guwapo, no? Wala ng bago roon."
.
"At mas lalo pa akong gumandang lalaki ngayon, di ba?"
.
"O-oo." amin niya.
.
"At na-miss mo ako kaya sinundan mo ako rito."
.
Hindi lang kita na-miss, Strike dahil mahal pa rin pala kita. By hook or by crook, you will be mine. Kung hinihingi na ng pagkakataon na mag-asawa ako dahil sa sumpa, sisiguruhin kong ikaw ang mapapangasawa ko. Hindi ko hahayaan na makawala ka pa uli sa buhay ko.
.
"Okey ka lang? Bakit kita ma-mi-miss?"
.
"Dahil ako ang una lahat sa buhay mo, your first big crush, your first dance in JS Prom and..... your first kiss."
.
"Teka, anong first kiss?" agad niyang angal. Kelan siya nito hinalikan? Lahat ng sinabi nito ay totoo but except the kiss.
.
"You kissed me intentionally."
.
"Ano? Kailan? Saan?"
.
"Remember the parlor game in our Christmas party?"
.
Kwini remembered that incident. Ito ang hinatak niyang partner para sa game na magsasayaw sila paikot sa isang newspaper na nasa sahig. At kapag huminto ang music ay tatapak sila sa newspaper na paliit ng paliit at kailangan nilang pagkasyahin ang mga sarili roon. Ang partners na mawala sa sakop ng newspaper ay talo.
.
"Hinalikan mo ako? Hindi naman, ah."
.
"Correction, ako ang hinalikan mo."
.
"Aksidente lang iyon, noh? And it wasn't actually a real kiss."
.
Dampi lang naman iyon. Dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila para pagkasyahin ang sarili sa newspaper ay hindi sinasadyang nagkadikit ang mga labi nila nang tanungin niya ito at sabay silang bumaling sa isa't-isa.
.
Maingat na inihiga siya ni Strike sa kama sa kuwartong ibinigay nito sa kaniya pero hindi ito agad umalis. Sa halip, tinunghayan siya habang namamasyal ang paningin sa buong mukha niya. Para tuloy siyang kandilang natutunaw sa mga titig nito.
.
"You want me to make it the real one, Kwin? 'Yong totoong halik?" sabi nito habang titig na titig sa mga labi niya.
.
Napalunok siya at nalipat din ang atensiyon sa mga labi nito. His lips firm, and looked luscious. Exquisitely notched on the upper lip. Para siyang nauhaw sa itsura pa lamang ng mga labi nito. Siguradong masarap humalik si Strike at handang-handa siyang pahalik dito ngayon. Feel na feel pa niya ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata, ang pagbuka ng bahagya ng mga labi para lang dumilat nang maramdaman niyang lumundo ang hinihigaan niya. Bumaba ng kama si Strike.
.
"Sa susunod na lang. Hindi pa pala ako nag-to-toothbrush." anitong dumiretso sa pinto at lumabas.
.
Inis na binato ni Kwini ng unan ang pintong nilabasan ni Strike. Napurnada ang inaasam-asam niyang halik. Halik na, naging bato pa. Pero bumukas uli ang pinto at sumungaw ang ulo ni Strike.
.
"Siyanga pala. Tatawag ako ng doctor para matingnan ang mga tuhod mo." Iyon lang at nawala na ito.

The Cursed Bride Series: ChandelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon