SUNUD-sunod na katok ang nagpagising kay Strike mula sa labas ng kaniyang kuwarto na parang nagmamadali ang taong kumakatok. Si Sabrina agad ang naisip niya. Baka kailangan siya nito. Nitong mga huling araw ay panay na ang pagduduwal nito. Nanlalata na parang maysakit. Alam niyang dala lang iyon ng paglilihi at lilipas din agad pagkalipas lang ng ilang buwan. Kaya nang pagbuksan niya ang kinakapatid ay napamulagat siya. Hindi si Sabrina ang kaniyang napagbuksan kundi ang kaniyang.......
.
"Mama? A-anong ginagawa ninyo rito?" Nasa likod ng kaniyang ina si Aling Minda na magaling na tiyak sa pagkakatrangkaso pero nagsasalubong ang mga kilay na mukhang galit.
.
"Magbihis ka ngayon din, Strike. May mahalaga tayong pag-uusapan sa ibaba." matigas na utos ng mama niya at pagkatapos ay umalis na ang dalawa.
.
Ano ang mahalagang pag-uusapan nila? Parang alam na niya. Alam na niya kung bakit naroon din si Aling Minda na dapat nagpapahinga muna sa matagal na pagkakasakit. Humigit-kumulang ay nalaman na nito na buntis si Sabrina at itinawag agad iyon sa mama niya. Hinubad niya ang sando at nagpalit ng damit.
.
Bumababa pa lamang siya ng hagdan ay natanaw na niya si Sabrina. Nakaupo sa mahabang sofa, nakatungo. Habang ang ina nitong si Aling Minda ay mukhang pinagagalitan ang anak. Samantalang ang mama niya ay nakamasid lang sa mag-ina.
.
Napasulyap sa kaniya ang tatlo dahil sa paglangitngit ng hagdan sa pagbaba niya. Tatabi sana siya ng upo sa ina nang pigilan siya nito.
.
"Maupo ka sa tabi ni Sabrina, Strike." Seryoso ang mukha ng mama niya. Sumunod siya. Nang mapatabi siya kay Sabrina ay hinarap sila ng magulang.
.
"Ilang buwan na ang tiyan mo, Sabrina?" direktang tanong ng ina.
.
Bago sumagot ay nilingon muna ni Sabrina ang nanay nito. "Mahigit dalawang buwan na po, Ninang." at nahihiyang nagyuko ito.
.
"Pasensiya ka na, Linda. Ako tuloy ang nahihiya sa iyo. Hindi ko sisitahin ang batang ito kung hindi ko nahalatang buntis. Ni hindi pa siya nakapagtatapos ng kolehiyo tapos......" Hindi na nadugtungan ni Aling Minda ang sinasabi sa sobrang hiya.
.
Tinutustusan nga naman ng mama niya ang pag-aaral ni Sabrina para sa maganda nitong kinabukasan. Tapos ay ganoon ang mangyayari.
.
"Huwag kang mag-alala. Minda. Sadyang ganiyan ang mga kabataan sa panahon ngayon." pagpapalubag-loob ng ina rito. Bumaling ito kay Sabrina. "Hija, naiintindihan kita sa naging kalagayan mo pero sana ay sagutin mo ng tapat ang itatanong ko. Sino ang ama ng dinadala mo?"
.
May bumahid na malaking takot sa mukha ni Sabrina. Hindi makapagsalita. Bumuka-sumara ang bibig nito.
.
"Iyan ang isa pang problema ko sa batang 'yan, Linda. Ayaw magtapat." singit ni Aling Minda.
Muling nilingon ng mama niya si Sabrina. "Sabrina, sino nga ba? Can you tell us? Huwag kang matakot."
.
Lumipad sa direksiyon ni Strike ang paningin ng kinakapatid. Nasa mata ang pagsusumamo na tulungan niya ito. Sabay na tumutok sa kaniya ang nangongondenang tingin ng ina at ni Aling Minda.
.
"Si Strike ba?" untag uli ng kaniyang mama. Nakayukong tumango si Sabrina. "Kung kay Strike ang batang dinadala mo, wala kang dapat na ikatakot, hija."
.
Marahas na napabuga ng hangin si Strike..
"PARE, ayun na siya." Itinuro ni Ralph ang isang matangkad na lalaki. Ralph Lorenzo was one of his buddies. Isang dating pulis na ngayon ay mas piniling maging isang private detective na lang.
.
Hiningi ni Strike ang tulong ng kaibigan na matiyagan ang isang nangangalang Jericho Sebastian, ang sinasabing boyfriend ni Sabrina at ang may kagagawan ng pagbubuntis ng kinakapatid. Ayon kay Ralph, galing sa mayamang pamilya ang lalaki. Likas daw na playboy at nagbibilang ng mga girlfriend.
Hindi na siya nagtaka kung bakit mapaglaro sa babae ang tinatawag na Jericho. Likas na magandang lalaki ito, matikas ang pangangatawan. Pero ang hindi niya nagustuhan ay may kasama itong babae. Ganoon lang ba nito kabilis na napalitan si Sabrina? Parang nagpalit lang ng damit?
.
Napailing si Strike. Nagkaroon siya ng mga girlfriend pero kailanman ay hinding-hindi niya tatalikuran ang responsibilidad sa babae kung sakaling magkaroon man.
.
Kinambatan niya si Ralph. Bumaba sila ng kotse sa malawak na parking lot na iyon ng unibersidad kung saan pumapasok si Sabrina. At bago pa magsisakay sa sasakyan ang kanilang target ay nagawa na nilang makalapit sa mga ito.
.
"Jericho Sebastian...." pormal na wika ni Ralph sa lalaki na biglang lumingon sa kanila nang tawagin ang pangalan nito. Pati na rin ang babaeng kasama nito.
.
Napakunot si Jericho at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. "Sino kayo? May kailangan kayo sa akin?"
.
Ipinakita ni Ralph ang lumang tsapa nito sa pagkapulis noon. "Puwede ka ba naming imbitahan sandali? May itatanong lang kami sa iyo."
.
"Wala akong natatandaang nagkaroon ako ng atraso." agad na sabi ni Jericho.
.
"Wala kang atraso. Obligasyon, meron." sabi naman ni Strike.
.
"Pero kung hindi ka sasama sa amin, baka magkaroon ka ng kaso." pananakot ng kaibigan.
.
"Kung naaalala mo pa at nakikilala si Sabrina Belmonte, mas mabuting sumama ka sa amin. Aayusin natin ang gulo." dagdag ni Strike.
.
Napatingin si Jericho sa babaeng kasama nito na humigpit ang pagkakakapit sa braso nito. Kinalas iyon ni Jericho. "Pumasok ka na sa kotse. Hintayin mo ako roon." utos nito sa babae.
.
"Jericho, huwag kang sumama sa kanila." pigil dito ng babae at muling kumapit sa braso nito na parang ayaw paalisin ang lalaki.
.
Muli, binaklas ni Jericho ang mga kamay ng babae at buong tiwalang sumama sa kanila.
.
"Jericho!" malakas na tawag ng babae na hindi pinasin ng tinawag.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series: Chandelier
HorrorNaniniwala pa ba kayo sa sumpa? Basahin ang kuwento ng pag-ibig ng anim na dalagang naisumpa dahil sa panggugulo nila sa ibang kasal. Dahil doon ay kailangan nilang kontrahin ang sumpa sa pamamagitan ng paghahanap ng mapapangasawa kung hindi ay tata...