.
.
PAGDATING nila ng bahay ay nauna si Strike na bumaba ng kabayo at saka siya isinunod. Pagdukwang niya para abutin siya ay naagaw ng pansin nito ang pagbulaga ng puno ng malulusog na mga dibdib niya. Nagkatitigan silang dalawa. With those beautiful eyes, it was easy to figure out the inside of his mind or the feeling he was in. Lust and love, all together. Hanggang sa ibaba siya ni Strike ay hindi naghihiwalay ang paningin nila. Nababasa pa rin niya ang damdaming iyon. Masuyong dinama pa nito ang pisngi niya.
.
All she did was to sweetly smile and gave him a wink. He chuckled and slightly pinched her nose. Mahal na kaya siya ni Strike? Waging-wagi ang pakiramdam ni Kwini nang sandaling iyon. She put her arms around his neck and was about to kiss him when she saw Sabrina watching over them from one of the capiz windows. Bakit galit ang mga matang iyon ng babae? Pagkatapos ay nawala ito sa bintana. Nagseselos ba ito?
.
Naglaho ang matamis na ngiti niya kay Strike. Bahagyang itinulak ito sa nagsasalubong na mga kilay. "Be honest to me, Strike. Will you?"
.
He frowned."Why the sudden mood?" anitong takang-taka sa pagbabago ng mood niya.
.
"May relasyon ba kayo ni Sabrina?"
.
He paused and then laughed. "Nagseselos ka kung ganoon." Hindi siya kumibo. He cupped her face. "Wala kaming relasyon ni Sabrina, okey? She's only a sister to me. At alam niya 'yon."
.
Lumambot naman ang puso niya. "Totoo?"
.
"I swear." Itinaas pa nito ang kanang kamay.
.
So, it only meant, si Sabrina lang ang may gusto rito? Nagyaya na siyang pumasok sa bahay. Giniginaw na siya at kailangan niyang ituloy iyon sa pagligo.
.
"Sabay tayong maligo. Paliliguan kita." bulong ni Strike na ikinahagikhik niya.
.
Kinurot niya ito sa tagiliran. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o totoo sa loob nito ang sinabi. May tumikhim. Sabay silang napatingin kay Sabrina. Napansin niya ang parang nang-uusig na mga mata nito kay Strike. Balewalang inakbayan siya ni Strike at umakyat na sila ng hagdan. Inihatid siya nito sa kuwarto niya.
.
"Nag-enjoy ka ba sa ilog? Marami pang magagandang tanawin dito. Bukas mamamasyal uli tayo." sabi ni Strike nang nasa bungad na sila ng pinto.
.
"Yap, hindi lang ako nag-enjoy, Strike. Binasa mo ako ng wala sa oras. Ang ginaw kaya."
.
Natawa ito. "Sino ba ang unang tumalon sa ilog?"
.
Siya! "Paano, eh hinabol mo ako."
.
"Ayaw mo kasing ibigay ang cellphone ko."
.
"Hindi ko pa nga kasi na-si-Share It ang mga pictures mo, noh?"
.
"Iyon ang hindi ko pahihintulutan."
.
"Ang daya mo! Ako rin naman kinunan mo ng mga pictures, ah. Bakit ikaw hindi?" aniya.
.
Tumawa lang ito at inilabas ang cellphone na parang iniinis siya.
"You can't get this."
.
"Iyon ay kung hindi ko magagawan ng paraan." paniniyak naman niya.
"You really can't. Dahil kapag naipa-dry ko na ito sa cellphone repair shop, ide-delete ko agad ang mga pictures ko. Ititira ko ang sa iyo for souvenir."
.
Nanulis ang nguso niya sabay halukipkip. Mas maganda sanang souvenir ang mga kuha nito. Napatitig si Strike sa nguso niya. Then, he brushed her upper lip with his thumb with a yearning desire to kiss her. Damang-dama ni Kwini iyon. Heat flooded through her veins. She wanted it too, to kiss him and hug him tight, at madama ang katawan nito sa mga haplos niya. Sa mga araw na nagdaan ay lalo pang lumalalim ang pagmamahal niya kay Strike as if she couldn't longer live without him. Bawat pagtatama ng mga mata nila ay hindi niya maipaliwanag ang pananabik dito na parang gusto niyang magpaangkin dito, body and soul. Sa mga naging ex niya ay bukod-tanging kay Strike lang niya naramdaman iyon. Siguro ay dahil mas minahal niya ito kumpara sa iba.
.
"If you want to kiss me, you can kiss me." matapang na sabi ni Kwini, inalis ang hiya.
.
"Hindi ka magagalit?"
.
"Bakit ako magagalit? I want it too, Strike."
.
He bent as he leaned closer. But opened his eyes at once only to step a back. Parang nakuryente ito sa paglalapit nila.
.
"Baka makita tayo ni Sabrina." tila nag-aalalang sabi nito. "Maligo ka na at maliligo na rin ako sa kuwarto ko."
.
Bakit takot itong mahuli sila ni Sabrina? Kahit isipin pa ni Sabrina na may relasyon sila ni Strike, ano ang pakialam ng babae sa lovelife ng amo nito? Kanina lang ay sinabi pa ni Strike na sabay silang maligo na hindi niya alam kung biro lang dito. Tapos ngayon ay nagpapaalam ito? Salita lang ba iyon ni Strike dahil nasa paligid si Sabrina? Ang duda pa niya ay nakita rin ni Strike si Sabrina na nakasilip sa bintana. Kaya ba naging malambing ito sa kaniya kaninang nasa labas pa sila? Sinasadya ba ni Strike na pagselosin si Sabrina? Bakit? Hmm...... hindi niya gusto ang nangyayari, as if there was something between Strike and Sabrina. Iyon ang pakiramdam niya sa mga kilos ng dalawa.
Tinalikuran na siya ni Strike at nagtungo sa silid nito.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series: Chandelier
HororNaniniwala pa ba kayo sa sumpa? Basahin ang kuwento ng pag-ibig ng anim na dalagang naisumpa dahil sa panggugulo nila sa ibang kasal. Dahil doon ay kailangan nilang kontrahin ang sumpa sa pamamagitan ng paghahanap ng mapapangasawa kung hindi ay tata...