Chapter One

4.2K 58 4
                                    

PROBLEMADO si Kwini. Dalawang buwan na lang at tatalab na ang sumpa pero wala pa siyang hakbang na ginagawa. Tulad ng mga kaibigan niyang sina Salve, Maki, Dani, Chari at Rafi ay naniniwala rin siya sa sumpa. Kung hindi ay bakit nagsimula nang magkatotoo iyon nang tatlong araw matapos silang isumpa ng matanda ay sabay-sabay na dumapo sa kanila ang kamalasan? Nabangga ng sasakyan ang kapatid ni Maki. Siya naman ay kinalasan ng kaniyang boyfriend. Natanggal sa trabaho si Salve.
.
Ayon sa manghuhula na sinangguni nila, ang pangontra raw sa sumpa ay kailangan nilang maikasal bago sumapit ang Supermoon. Bakit kailangan pang may Supermoon? Paano kung walang supermoon dahil years pa ang binibilang bago lumabas iyon? Eh, di tatandang dalaga na nga silang lahat? Mabuti na lang at nakatakda ngang magkaroon ng Supermoon sa taong iyon. Sinusuwerte pa rin sila.
.
Ang problema, sino ngayon ang hihilahin niyang maging asawa kung nakipagkalas na sa kaniya si Leo? At ang magaling niyang ex-boyfriend ay walang pasintabi kung bakit ito nakipag-break. Walang ibinigay na dahilan ang mokong. Basta na lang sinabi nito, "It's over between us." na sinamahan pa ng pamatay na linyang, "It's not you, it's me." Ikaw ba naman ang sabihan ng gano'n, kung hindi ba naman siya mawindang ng bonggang-bongga? Pero naniniwala siyang may dahilan kaya nakipagkalas sa kaniya si Leo.
.
Kaya naman si Kwini ay nagmanman at nagmatyag. At ayon sa pag-aala-Detective Conan niya ay nabisto niyang may kinalolokohan palang ibang babae ang magaling niyang ex-boyfriend. Naalala niya ang sumpa ni Diosa sa kaniya noon na lahat ng magiging boyfriend niya ay iiwan siya dahil sa ibang babae, na nagkatotoo naman nang maghiwalay sila ng two timer na si Jess. Parang part two ng sumpa ni Diosa ang sumpang ibinigay sa kanila ng matandang gusgusin sa simbahan.
Ngayon ay hindi niya matanggap na ipinagpalit siya ni Leo. Hindi madaling itapon ang dalawang taon nilang pinagsamahan as boyfriend and girlfriend. Kaya naman ilang araw at ilang gabi siyang nagmukmok, naglupasay, nag-senti at umatungal na inabot ng isang buwan bago niya na-realize na hindi talaga sila para sa isa't-isa, bagay na nagpataranta sa kaniya nang malamang dalawang buwan na lang ang natitira sa palugit ng sumpa.
.
Susmaryosep, Kwini! Gora na! Go!
.
Kaya naman halos pigain niya ang utak para kumatas iyon. Doon pumasok ang classmate niyang si Strike Marco Meneses, ang kaniyang puppy love and first love noon sa Akademya ng Bagong Sibol. Sadya nga lang suplado at mailap ang kanilang dating class escort kahit hantaran na ang pagpapapansin niya rito. Deadma lang siya. Ganoon pa rin naman ang feelings niya kay Strike hanggang ngayon. Walang nagbago. Naalala pa rin niya ito kahit noong sila pa ni Leo. Hindi pala basta makakalimutan ang first love.
.
Nang nakaraang gabi lang ay napanaginipan niya si Strike. Sa panaginip ay nakita raw niya itong nagmamaneho. Sakay ng sarili niyang kotse ay sinundan niya ito. Malayo na ang nilalakbay nito. Hanggang sa mapunta sila sa isang liblib na lugar. Sa una ay mahabang palayan ang dinadaanan nila. Pagkatapos ay rough road na puro kakahuyan sa magkabilang gilid ng kalsada. Tumigil si Strike sa isang malaki at lumang bahay. Kinilabutan siya eksaktong mapatingin sa bahay. Bakit? Wala kasing pinagkaiba iyon sa mga haunted house na madalas niyang mapanood sa TV. Nakita niyang pumasok ang kaniyang dating classmate roon. Doon natapos ang panaginip niya dahil nagising siya sa malakas na tunog ng alarm clock.
.
Napailing siya sa panaginip. Bakit napanaginipan niya si Strike?
.
Inilabas ni Kwini ang makapal na telephone directory. Wala siyang balita kung nasaang lupalop ng mundo naroon ang dating kaklase dahil pagka-graduate nila sa high school ay biglang nag-disappearing act ito. She looked for the name Strike Marco Meneses. Limang Strike Meneses ang nakita niya. Alin doon ang totoong numero ni Strike? Kwini tried the first name. Idinayal niya ang mga numero sa landlines niya. Natuwa siya nang mag-ring sa kabilang linya. Active pa ang line pero babae naman ang sumagot.
.
"Hello, good morning! May I talk to Mr. Strike Meneses, please?" unang bungad niya.
.
"Ay, sorry po, ma'm. Matagal na pong patay si Sir Strike." anang nasa kabilang linya na ang hula niya ay isang maid at may puntong Bisaya.
.
Nagulat siya. "Ha?" Patay na si Strike?
.
Napahumindig siya o mas tamang sabihing nagsitayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Hindi maaari! Hindi pa patay ang kaniyang first love! O baka naman ibang Strike iyon?
.
"Puwede mo bang i-describe kung ano ang itsura niya? Hinahanap ko kasi siya at baka hindi naman pala siya ang amo mo." pakiusap niya.
.
"Ah, ang itsura niya, Ma'm? Matangkad po si Sir. Katamtaman lang ang kulay. Matangos ang ilong. Medyo kulot ang buhok at guwapo po, Ma'm."
.
"Siya nga 'yon." Umatungal na siya ng iyak. Kumuha siya ng tissue at doon suminga. Ni hindi man lang niya nabalitaan para sana ay nakipaglibing siya. "Ano ba ang ikinamatay?"
.
"Prostate cancer po, ma'm."
.
Napahinto siya sa pagsinga. Sa pagkakaalam niya ay mga may-edad lang ang tinatamaan ng prostate cancer. "Teka, ilang taon na ang amo mo?"
.
"Mga singkuwenta po."
.
"Ha?" Wala pang thirty si Strike! Mabilis siyang nagpaalam. "Sige, thank you sa abala."
.
"Eh, Ma'm, sino po sila para masabi ko kay Ma'm Lucia?" pahabol ng maid na ang tinukoy siguro ay ang asawa ng Strike.
.
Lagot na! Baka mapagbintangan pa siyang 'other woman' ng namatay. Ibinaba niya ang telepono. Nakahinga siya ng maluwag. Salamat at hindi naman pala si Strike ang namatay. Nag-try uli siya. Ang pangalawang numero naman ang idinayal niya. This time, baka si Strike na ang sumagot. Lalaki ang nag-hello.
.
"Hello, Strike? Strike Meneses?" bati niya nang mabosesan ang nagsalita.
.
"Sorry, miss. Hindi ako si Strike. Teka, tatawagin ko siya." anang lalaki na boses-guwapo at feel niya ay guwapo rin sa personal. Medyo may hawig nga sa boses ni Strike pero siguradong hindi iyon ang dating classmate. Baka kapatid.
.
Naghintay siya kahit sa bawat segundong nagdaan ay para siyang pusang hindi maihi. Natuwa siya nang sa wakas ay may sumagot sa kabilang linya.
.
"Eyo? Jis iz ichayk eneches. Yu ish dis, piz?"
.
Eng.........
.
She hanged up the phone. Mas lalong hindi ngongo si Strike, 'noh? Bigla rin siyang natigilan nang may maisip. Paano kung walang landlines si Strike? Bihira na ang gumagamit ng landlines ngayon dahil mas useful gamitin ang cellphone. Ang tanong; kanino niya hahagilapin ang contact number nito?
.
May taong umilaw sa isipan niya. Si Maki! Malaki ang maitutulong nito. Balita niya ay nasa custody nito si Jarret, ang kaibigang matalik ni Strike. Tinawagan niya si Maki pero ring lang ng ring ang cellphone ng bruha.
.
Sasabunutan na kita, Makiii! Sagutin mo naaa!
.
Natapos ang ringtone. Tumawag uli siya kay Maki pero 'cannot be reached' na ito. Lowbat na ang bruha! Inis na tumayo si Kwini. She had to hang around or else baka mabaliw na siya kung nasa loob lang siya ng bahay. Malay niya baka nasa tabi-tabi lang si Strike.
.
She was living alone in their home. Naka-base na sa Canada ang kaniyang buong pamilya at wala pa siyang balak sumunod roon. Hindi pa niya kayang iwan ang negosyong itinayo dahil maraming pamilya ang umaasa sa kaniya. She was the sole owner of the big garment factory. Pang-export quality ang mga damit na ginagawa nila.
.
Inilabas ni Kwini ang kotse sa garahe at nagmaneho sa walang direksiyong patutunguhan. Maglilibot-libot lang siya at mamaya ay tatawagan niya uli si Maki. Sa kakaikot niya ay hindi niya namalayang napunta siya sa highway. Pagdating sa isang intersection ay inabutan siya ng red light. Inaliw na lang niya ang sarili sa mga taong tumatawid. Pagbaling niya sa kaniyang kaliwa ay napakunot-noo siya sa lalaking nagmamaneho na katabi ng kotse niya. Sa una, akala niya ay kamukha lang. Pero nang titigan niyang mabuti ang lalaki ay nakumpirma niyang hindi siya nagkakamali. Si Strike nga! Paano niya makakalimutan ang guwapong mukha ng kaniyang first love kung hanggang ngayon ay tagu-tago pa rin niya ang yearbook nila noong high school kung saan nakapaskil ang cute na picture nito?
.
"Strike! Strike!" malakas na tawag niya.
.
Pero nag-go signal na ang traffic light at umabante na si Strike. Hindi siya narinig. She had no choice but to follow his track. Mabilis itong magmaneho kaya sinisikap niyang huwag mawala sa paningin niya ang itim na sasakyan.
Nakasunod pa rin si Kwini nang tahakin ni Strike ang expressway. Saan ito pupunta? Mahaba na ang nilalakbay nila. Bakit patungong Tarlac? Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang mag-drive ng napakahabang oras. Kaya nga hindi niya dinala ang kotse nang magtungo siya sa Bulacan nang tawagan siya ni Franz para sa binabalak nilang class reunion.
.
After thirty minutes more, pumapasok na sila sa Bamban bridge, ang boundary ng Tarlac at Pampanga. Napakunot ang noo niya sa mga tanawing dinadaanan. Ang mahabang palayan, ang rough road at ang kakahuyan sa magkabilang gilid ng daan. Ang panaginip niya! Ganoon na ganoon ang eksena sa panaginip niya! It was nearing sunset when Strike parked at the front of a big but an old house. Base on its architecture, the house was obviously constructed during Spanish era. It was called the ancestral house or heritage house. Sinaunang bahay-kastila. Nag-park siya ilang metro ang layo mula kay Strike.
Pinagmasdan niya ng matagal ang malaking bahay. Natakpan niya ang bibig sa sindak. Ang bahay sa kaniyang panaginip! Nakakakilabot iyon na parang haunted house. Nananaginip pa rin ba siya? O nagkataon lang na nagkapareho ang panaginip niya sa nangyayari? At ano ang gagawin ni Strike sa lugar na iyon?
.
Tulad sa panaginip ay pumasok si Strike sa bahay. Hindi alam ni Kwini kung susundan pa rin niya ito. Matatakutin pa naman siya kaya nagdadalawang-isip siya kung susundan ito sa loob. Kung babalik naman siya sa Maynila, anong oras na siya makakarating doon? Halos apat na oras ang nilakbay niya at gabi na.
Kailangan niya munang kumalma para mawala ang takot bago sundan si Strike sa mukhang haunted house na bahay na iyon. Paano? Napapitik siya. Nagpabili nga pala siya sa isang tauhan sa pabrika ng alak. Reserba niya. Kapag alam niyang sinusumpong siya, taking two shots of wine made her a lot relaxed and sleepy. Masarap ang tulog niya kapag nakakainom siya. She was into insomnia. Nasa lahi kasi nila iyon.
.
Dumukwang siya sa backseat. Naroon ang kaniyang night bag na naglalaman ng ilang pirasong damit na ginagamit niya kapag nagbababad siya sa kaniyang opisina sa garment. Kumpleto mula sa personal accessories at underwears. Nakita niya roon ang Chivas Regal. Inalis niya ang takip at lumagok ng ilang beses.
.
"Okey. Kaya ko na 'to." kausap niya sa sarili nang huminto sa pag-inom. Tumalab naman dahil lumakas ang loob niya.
.
Nagpasya siyang sundan na si Strike. Sana lang ay makuha niya ito sa pakiusap na doon muna magpalipas ng gabi. Maingat at dahan-dahan niyang itinulak ang kalawanging gate. Pati tunog ng gate, creepy ang sound effect. Nakainom na siya't lahat ay kung bakit nangangalisag pa rin ang mga balahibo niya. Napakadilim ng daan patungo sa harapang pinto dahil kalat na ang dilim. Kaya kailangan pa niyang aninawin kung saan banda iyon. Nasaan na ang pinto? Napatili siya nang may dumantay sa balikat niya.
.
"Miss, anong kailangan mo?" Ang pamilyar na boses ni Strike ang narinig niya. "Sino ka? At bakit ka nandito?" ulit nito nang hindi siya sumagot.
.
Humarap siya rito. Agad niyang naiharang ang braso sa mga mata sa flashlight na nakatutok sa kaniya. Nasisilaw siya.
.
"Parang kilala kita....." anito. Pilit inaalis ni Strike ang harang sa mukha niya.
.
"Ano ba? Nasisilaw ako!"
.
"Kwini? Kwini Udarbe? Ikaw ba 'yan? 'Yong may crush sa akin noong high school?" anitong hindi makapaniwalang titig na titig sa kaniya nang tuluyang tumambad sa paningin nito ang mukha niya. Bumaba't taas ang mga mata nito sa kabuuan niya. Hinaplos pa ang pisngi niya at ang nunal niya roon. "Ikaw nga! Nandiyan pa rin ang nunal mo."
.
Napangiwi si Kwini sa pagbanggit nito na crush niya ito noon. "Oo. Ako nga si Kwini. Baka puwedeng patayin mo muna ang flashlight." Muling dumilim ang paligid. "Puwedeng pahiram ng flashlight, Strike?" sabi niya. Gusto niyang makita kung gaano na ito kaguwapo ngayon.
.
"So, alam mo palang ako si Strike, huh?" He sounded like he was teasing her.
.
Ibinigay naman nito ang hinihiram niya. Itinutok niya ang flashlight sa mukha nito. Nasilaw rin ito pero hindi iniharang ang braso. Napigil niya ang hininga dahil sa makalaglag-panting kaguwapuhan nito. Ilang taon na ba ang lumipas mula nang grumadweyt sila ni Strike? Six years? Seven? But he was still as handsome as ever. Maganda ang mga mata, mahaba ang mga pilik. Makapal na mga kilay. May matangos na ilong at medyo pangahan.
.
Ibinaba niya ang flashlight sa katawan nito. Athletic built, chest-in-chest-out, broad shoulders and towering tall. Siksik sa mga muscles ang katawan nito. Mas naging hunk. Artistahin ang mukha ni Strike. Pero alam niyang walang hilig ito sa pag-arte.
.
"O, bakit diyan nakatutok ang flashlight?" Bumaba ang mga mata ni Strike sa harapan ng maong pants nito.
.
"Ha?" Bigla niyang ibinalik sa mukha nito ang hawak na flashlight. Nasilaw na naman ito. Bakit ba sa pagkalalaki nito niya naitapat ang flashlight? Hunk naman talaga si Strike, ah! At bulky ang hinaharap. Napabungisngis siya sa kapilyahan.
.
Nakakahiya ka, Kwini!
.
Whatever....
.
"Ano'ng kailangan mo? Sinundan mo ba ako rito?"diskumpiyadong tanong ni Strike.
.
Doon siya natameme. Ano ba ang sasabihin niya? Na hinahanap talaga niya ito? Na nang makita niya ay sinundan ito? At gusto niyang habulin dahil kailangan niya ng dyowa? Hindi kaya pagtawanan lang siya ni Strike kapag sinabi niya ang tungkol sa sumpa?
.
"H-hindi, noh? Nakita lang kita sa isang intersection kanina. Tinawag kita pero hindi mo naman ako narinig. Kaya napilitan akong sundan ka."
.
"Hanggang dito?"
.
Ngumisi siya. "Obvious ba? Kaya nga nasa harapan mo na ako, eh."
.
"I mean, bakit mo ako sinundan sa ganito kalayong lugar?"
.
"Wala lang. Mangungumusta lang parang ganoon."
.
"Gano'n?" Nasa mukha ni Strike na hindi ito naniniwala. Pero bigla itong napangisi. "Hindi kaya nami-miss mo lang ako?"
.
"Hoy! Hindi, noh? Bakit kita mami-miss? Eh, hindi mo naman ako pinapansin kahit panay ang alembong ko sa iyo noon. Nadala na kaya ako." Natigilan siya sa kadaldalan.
.
Tumawa si Strike. "Sorry, hindi kasi ako nag-e-entertain ng mga babaeng sobrang magpapansin sa mga lalaki. As in 'yong sila na halos ang manligaw sa lalaki."
.
"Bakit, niligawan ba kita? Hindi naman, di ba?" depensa niya.
.
"Ang lagay pala no'n, hindi ka nanligaw? Pero papansin ka ng papansin sa akin?"
.
Inirapan niya ito. Kasi totoo naman. "Bakit si Trixia, hindi ka ba niligawan no'n?" Si Trixia ay school mate nila na crush na crush nito noon.
.
"Hindi." Pero itsurang natatawa ito pero pinipigil lang.
.
"Hindi? Weh! Joke ba 'yan?"
.
Tumawa lang si Strike. "Kumusta ka na pala?" pag-iiba nito ng topic.
.
"Eto, nagtayo ng garment factory nang makagraduate sa college. Ako ang nagmamanage. Ikaw? Kumusta ka na rin?"
.
"I was a former photojournalist. After one year of serving the Filipino News Journal, nag-resign ako. Because my father asked me to take in-charge of our small family business, na sa bandang huli ay ibinigay na niya sa akin. I'm doing it good dahil napalago ko naman ang furniture store namin. Sinuwerte kasi ang mga magulang ko sa pinasok na bagong negosyo na naging malaking kompaniya, ang Meneses Telecommunication."
.
"Secured na secured na pala ang future mo."
.
"Hindi masyado. Sinuwerte lang."
.
Masuwerte nga ito dahil nag-iisa lang itong anak. Noon pa man ay alam na niyang may kaya ang pamilya ni Strike at negosyante ang mga magulang. Iyon nga lang, nag-iisa lang itong anak. Pagkatapos nilang maka-graduate ay nabalitaan na lang niyang lumipat ang pamilya nito sa Maynila. At magmula noon ay wala na siyang balita rito.
.
"Nasaan na nga pala ang barkada? May contact ka pa sa kanila?" sabi ni Strike na ang tinutukoy ay sina Dani, Maki, Chari, Rafi, Franz, Jarret at Salve.
.
Speaking of barkada."Hinahanap ka nga pala ni Franz. Kasama ka dapat sa meeting natin sa Bulacan noon."
.
"Para saang meeting?"
.
"Pinulong ni Franz ang mga class officers para sa binabalak niyang class reunion. Pero hindi ka naman niya mahagilap."
.
"Anong napag-usapan sa meeting?"
.
"Ay, naku! Hindi natuloy. Dahil inindiyan kami ng bakla." Hindi na nito kailangan malaman kung ano pa ang nangyari pagkatapos silang hindi siputin ni Franz.
.
Natawa si Strike. "Hindi ka na nasanay doon. Mas mabuting sa loob na tayo mag-usap, Kwini. Sobrang malamok dito." Inaanyayahan siya nitong pumasok sa bahay nito.
.
"Hay, salamat naman!" Kanina pa siya nangangawit sa kakatayo. Kung matumba siya, saluhin kaya siya ni Strike? Nagpatiuna na ito sa unahan niya.

The Cursed Bride Series: ChandelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon