chapter 21

797 49 2
                                    

Isang linggo mula nang ma-admit sa St. Luke's ang kanyang ama nang ipaalam sa kanya ni man ang Lucia  na babalik na ito sa rancho. Nakahinga siya nang  maluwag. Ibig sabihin, mabuti na ang kalagayan nito. Kahit papaano ay natuwa siya sa balita. Magkakaroon na siya ng pagkakataong makausap ito.
     Nandoon sila sa harapan ng villa at hinihintay na mag-landing ang chopper sa helipad. Si Edward ang piloto niyon. Pagkatapos mag-landing ng heganteng tutubi at mamatay ang makina ng sasakyan ay lumapit ang tatlong katiwala upang pagtulungan ibaba ang naka-wheelchair na si Andrew. Kasunod nito ang private nurse.
     Nakita niya ang pormal na mukha ng binata. Kaagad na binawi niya ang paningin. Hindi na nito kailangan utusan siya dahil kusa siyang lumapit sa ama at bumalik sa pisngi nito. This time ay ginantihan niya ang yakap ng ama. She saw him released a smile.
  " kamusta ang pakiramdam ninyo, pa?" Pormal ngunit may pagsuyong tanong niya.
    "Mabuti naman, hija," kaagad na sagot nito." Baka tuluyan na akong gumaling." Tumingin ito sa kanya nang makahulugan.
    Naa buntong- hininga na lamang di marydale. Malinaw niyang nabasa sa mga mata ng ama na siya ang makapagpapagaling dito. Ngunit batid niyang Hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Hindi pa siya handang magpatawad. Ang pangakong binitiwan niya sa puntod ng INA ay mananatiling pangako.
   "Mabuti pa ay magpahinga ka na muna, Andrew," ani Edward na sinenyasan ang private nurse na dalhin sa silid ang amo. Hindi naman tumutol ang matanda.. "Sabah taong tatlong maghahapunan mamaya."
    " See you later, hija." Masaya ang bukas ng mukha nito.
    Isang simpleng ngiti at tango ang itinugon niya sa ama. Pormal ang mukha ng inihatid niya ito ng tanaw nang itulak ng private nurse ang wheelchair nito papasok sa kabahayan.
    "You should try harder," pagigil na buong ni Edward. Sila na lamang dalawa ang naiwan sa lavas ng villa. Nagbalik na sa kani- kanyang mga trabaho ang mga kasambahay.
   Nagtitimping nilingon niya ito. "I'm not a robot na puwede mong diktahan ayon sa iyong kagustuhan." She felt exhausted. Kaagad na iniwan niya ang lalaki dahil tiyak niyang sa away na naman mapupunta ang kanilang pag-uusap. Mistula siyang aso at pusang palagi na lang nagbabangayan. It almost became a routine. But she only shrugged her shoulders on it.
     "Bakit ka nandito?" Marydale shrieked nang biglang bumukas ang pintuan at iluwa ni edward. Mukha ng bagong paligo ang lalaki at nakapagpalit na rin ng damit.
    "Sinisiguro ko lang na makakasalo ka namin sa hapunan ng ama mo." Kaswal na sinuyod siya nito ng tingin.
     Lihim na nagpasalamat si marydale at tapos na siyang magbihis. Nagsusuklay siya ng mahabang buhok nang walang babalang pumasok ito." Next time, learn how to knock and respect others privacy." Pinipigil niya ang sarili ng batuhin ito ng hawak na suklay sa inis.
   Napangisi lamang ang lalaki at lumapit sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya at dumukwang upang amuyin ang kanyang buhok.
    "You smelled clean and fresh, marydale,"  he whispered huskily on her ear that brought tickling sensation down her spine. She closed her eyes for a moment upang kalmahin ang sarili." And dawn so sexy."
    Isang itim na bestida ang isinuot niya. Malambot ang tela niyon at bagsak, flaunting the nice curves of her body. Humigpit ang hawak niya sa suklay. Pagkatapos ay padabog na ibinagsak iyon sa dresser
    "I'm coming to dinner. So stop flattering me," matatag na turan niya. Nilalabanan ang pamumungay ng mga mata. This man was indeed irresistible. At pakiramdam niya ay sinisilayan siya kapag malapit ito sa kanya.
     "In that case, let's go then." Hinawakan siya nito sa braso at inakay palabas ng silid na animo ay nagbabago ang kanyang isip anumang oras.
    Nagpatianod na lamang siya. Nadatnan nila ang amang naghihintay na sa engrandeng dining hall. Mahaba ang antigong dining table. Nasa taas niyon ang isang engrandeng chandelier na ilang daang libong puso ang halaga. The high coffered ceiling had dramatic lighting that served as accent to the place.
     Kahit saan niya ibaling ang paningin sa loob at labas ng villa ay karangyaan ang kanyang nakikita. Malaman na rin sila dati. Ngunit Hindi ganito. Yumaman pa ang kanyang ama pagkatapos mamatay ang kanyang ina. Sukat doon ay hindi maiwasan ni marydale na sariwain ang isang mapait na kahapon.
    Kailangan makausap na niya ang ama tungkol sa diary ng INA upang bumalik na sa normal ang buhay niya sa America. She sighed silently at umupo sa upuang hinugot para sa kanya ng binata. Pagkatapos ay lumigid ito sa kanilang bahagi ng mesa at naupo paharap sa kanya nasa pinakadulong bahagi nakaupo ang ama niya.
     Pinasadahan niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa-paella, afritada, relhenong bangus, vegetable salad, at mga sariwang prutas. Bigla siyang nagutom sa nakahaing pagkain. Matagal na panahon na ring Hindi siya nakakain ng pagkaing pinoy. Kadalasanbay nagte take out siya ng pagkain sa mga fastfood chains sa America. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang champagne na nakalubog sa isang ice bucket.
    "Masarap ang nakahaing pagkain at nagugutom na ako." Isang Marahang tawa ang pinakawalan ni Andrew. "Paborito mo ang paella at relyenong bangus, diba, anak?"
    " of course, papa," she answered eagerly." At gaya nyo ay nagugutom na rin ako habang pinagmamasdan ang mga nakahaing pagkain."
     Muling tumawa si Andrew. "Kung ganoon ay kumain na tayo. Wala ang private nurse nito nang mga Sandaling iyon. Nang abutin nito ang bandehado ng kaning malapit sa kanya ay kusang loob na inabot iyon ng dalaga sa ama.
      Nagpasalamat ito sa ginawa niya habang kumislap sa tuwa ang mga mata. Tumulong din si Edward sa pag abot ng pagkain Kay Andrew. Akma siyang ipaglagay ng pagkain ng binata sa Plato nang pigilin niya ito at siya na ang nagsilbi sa sarili. Mayamaya ay tahimik na siyang kumakain.
   "Mukhang nabusog ako ngayong gabi, ah," ani Andrew habang pinapahiran ng table napkin ang bibig. "Buksan mo na ang champagne, Edward. Mainam na pantunaw iyan ng pagkain."
    Agad na tumayo ang binata at kinuha ang champagne at binuksan iyon.
     "Hindi ba makakasama sa iyong kalusugan ang uminom, papa?" Sa wakas ay naisatinig din niya ang pag alala.
       "One shot won't do any harm, hija. Pampatunaw lang ng pagkain."
     Nagtagay sa tatlong kopita ang binata at iniabot Kay Andrew ang unang kopita ng alak. Pagkatapos ay inabot ang pangalawang kopita sa kanya. Napilitan siyang tanggapin iyon. Itinaas nito ang hawak na lalagyan ng alak. "Cheers to a new beginning."
    Itinaas di nila ng ama ang mga hawak na kopita. Nakita niyang nakatitig sa kanya ang binata. She withdrew the eye contact at sinimsim ang hawak na alak. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita  niya ang private nurse ng ama na pumasok sa dining hall. "Oras na po ngpag inom ninyo ng gamot, sir."
    "Puwede mo na siyang dalhin sa kanyang silid, margarita," sabi ni Edward na sinenyasan ang private nurse.
     Tumayo si marydale at bumalik sa pisngi ng ama. "Good night, pa."
    Ginagap nito ang kanyang palad. "Thank you for making me happy tonight, hija," madamdaming pahayag nito. Ang katuwaan ay nakabakas sa mukha nito. Hindi alam ni marydale kung ano ang isasagot sa tinurang iyon ng ama.
     "Dalhin mo na siya sa silid niya, margarita," maagap na utos nito, "see you tomorrow, Andrew."
      Nanatiling nakatayo si marydale habang habol ng paningin ang pigura ng amang nakasakay sa wheelchair. Nang mawala ito sa paningin niya ay lumapit siya sa mesa at inubos ang braso ng champagne na parang tubig lang iyon.
        "Want some?" Itinaas nito ang bote ng champagne at hindi na hinintay ang kanyang sagot. He refilled her glass with wine.
    "Thank you," she said sarcastically naipinagkibit lamang ng balikat ng lalaki. She breathed deeply at muling inubos ang laman ng braso.
     "Ganyan ba kahirap sa ito na magkunwari at pakitunguhan ng mabuti ang iyong ama?" He looked at her at the rim of the wine glass pagkatapos ay sinimsim ang laman  niyon. She shot him a dagger-like look. "Puwede ba itikom mo niyang bibig mo kung wala ka rin lang maganda ng sasabihin?" Iritadong asik niya. Naiinis siya sa sarili. She hated her father. Ngunit nararamdaman niyang lumalambot na ang puso niya para dito. Hindi siya dapat makaramdam ng awa.dahil hindi rin naman ito nakaramdam ng awa sa kanya nang mamamatay ang INA noon.
   Pagkatapos maubos ang laman ng kopita ay inilapag niya iyon sa mesa at iniwan ang binata. Dumerecho siya sa kanyang silid at isinubsob ang sarili sa kama.

   

THE MAN I LOVE. "Completed" MAYWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon