chapter 15

682 54 1
                                    

     Hindi siya sumagot. Saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag nang marinig ang mga yapag nito palabas ng silid at ang paglapat pasara ng pintuan.
    Kasalukuyan siyang naglalakad sa pasilyo nang nakita si manang Lucia. Nakaligo na siya at nakabihis ng walking shorts at maluwang na T-shirt. May dalang bedsheet ang Babar.
     "Saan kayo papunta, manang? Tanong niya. Tumigil ito sa harapan ng dalaga." Papalitan ko ang bedsheet sa loob ng silid mo, marydale." Iminosyon nito ang dala.
   "Ganoon ho ba." Sinulyapan niya ang kilay lavender na bedsheet na dala nito. Iyon ang paborito niyang kulay."siyangapala, manang lucia. Sino ba ang gumising sa akin kanina?" Sa wakas nasabi niya rin ang lamang ng isipan.
    "Ah, si Sir Edward iyon," kaswal na sagot nito na tila sanay na sa presensya ng lalaki.
    "Sino siya?" Lumalim ang gatla sa kanyang noo. Napukaw ang curiosity sa kanyang dibdib." Akala mo kung sino kung makapag-utos, ah."bigla ang pagbangon ng inis sa kanyang dibdib nang maalala ang kaarogantehan ng lalaki.
     "Si Sir Edward ang nagmamay-ari ng katabing rancho. Naging magkaibigan sila ng papa mo limang taon na ang nakakaraan bang magawi ang dalawampung baka sa katabing rancho at personal na ibinalik ni sir edward dito. Naging malapit na magkaibigan angdalawa. At nang  bumagsak ang kalusugan ng papa mo ay siya na ang namahala ng rancho Isabel, pati na rin mga negosyo ninyo. Parang anak na ang Turing ng senyor sa kanya. Ang silid na katabi ng sa ito ay ang silid  na inookupa niya kapag nandito siya sa villa."
    "Oh," nawalan siya ng sasabihin. Do malapad pala ang ginagampanang papel ng lalaki ng iyon sa buhay ng kanyang ama.
    "Sige, anak, aayusin ko na muna ang silid mo. At hinihintay ka na ng papa mo sa garden para saluhan siyang mag-agahan."
    Sinundan niya ang tingin si manang  Lucia hanggang tuluyan iyong nakapasok sa loob ng silid niya at nawala sa kanyang paningin. Pagkatapos ay nagawi sa katabing silid ang kanyang mga mata. Iyon ang silid na inookupa ng aroganteng lalaki. Isang nakamamatay na irap ang ipinukol niya sa pintuan niyon, as if iyon ang binata.
    "Walang buhay ang pintuang iyan kaya walang silbi ang isang malalim na irap."
    "Muntik na siya ng napalundag sa kabiglaanan nang narinig ang Bose's na iyon. She closed her eyes in frustration nang nakita sa dulong bahagi ng pasilyo ang pinag-usapan nila ni manang Lucia kanina.
     " naiinip na sa paghihintay ang papa mo sa garden. Malapit nang mag alas nueve at ginugutom na siya." His face was hard at mahigpit ang pagkakalapat ng mga labi. "Masama para sa isang maysakit ang malipasan ng gutom."
   "Hindi ko sinabing hintayan niya akong makasalo sa agahan. And besides, ayoko siyang makasalo sa pagkain dahil nawawalan ako ng gana." She shrugged her shoulders at naglakad palapit dito dahil NASA likuran nito ang hagdanan. She saw his eyes turned sharper. Kaagad na hinalbot nito ang magkabilang balikat niya bang makalapit siya rito. Napangiwi siya sa sakit ngunit sinalubong niya ang malalim nitong titig.

THE MAN I LOVE. "Completed" MAYWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon