Pagkatapos ng nangyaring sa kanila sa library ni Edward ay iniwasan na niya ang binata. Hindi alam ni marydale kung papaano harapan ito bang nakataas ang noon. He would only make her a laughing stock. Lihim niyang uli nagpasalamat na sa loob ng ilang araw ay hindi nagpakita sa villa ang binata.
Nagagawa na rin niyang pakitunguhan ng maganda ang ama nang hindi pinipilit ang sarili. Katunayan ay nagprisinta pa siyang siya ang magpapainom ng mga gamot nito. Nakita niya kung paano bumuti ang kalagayan ng ama. But she still could not find her chance to ask him about her mother's diary.
" morning, pa." Pagkatapos halikan sa pisngi ang ama ay umupo siya sa katabing upuan nito. NASA garden ito at katatapos lamang mag-agahan. Ang Hardin ang paborito nitong lugar. Maliban sa malinis ang hanging ay talagang maganda ang tanawin doon.
" morning, hija. Nag breakfast kana ba?" Maaliwalas ang bukas ng mukha nito. And there was a youthful glow na wala noong una niya iyong makita.
" magkakape lang ako, pa. Ipinasunod ko na Kay manang lucia ang kape dito." Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Talagang maganda ang pagkakagawa ng Hardin na ito. Hindi nalalayo sa garden ng mga royalties sa Europe," she commented while her adoring look roamed the place.
"Si Edward ang nag-landscape nito, hija. He's an architect. Landscaping is his specialty. Siya rin ang nag-renovate nitong villa. Mas lalong gumanda, hindi ba?" May pagmamalaki sa Bose's nito.
Hindi nakapagsalita si marydale.
"Malaking talaga ang utang-na-loob sa batang iyon." Andrew released a soft sigh." Sa kanya ko na iniasa ang pamamahala nitong rancho at ng iba pang negosyo nang naging sakit in ako. I know its not easy for him to to balance his time. May sarili din siyang architectural firm sa maynila na nangangailangan ng buong atensyon. And he's busy now. Ang firm niya ang nanalo sa bidding ng isang malaking mall sa Laguna both for design and construction. Sa susunod na mga araw ay mawawalan na ito ng panahon asikasuhin ang rancho." Malungkot na umiling ito. " kung sana'y lubos na akong magaling upang muling mamahala ng rancho at ng montiveste international."
Nanatiling nakikinig at nakatitig sa ama si marydale. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Siya rin ay nagmamadali bang makabalik sa Hawaii upang masigurong maayos ang takbo ng beach cirque at bang maitulo ang napipintong pagtatayo ng second branch niyon. Magiging busy siya pagtungo roon. Mag-iisang buwan na siya sa pilipinas. At alam niyang kailangan na niyang bumalik ng America sa lalong madaling panahon.
"Alam mo bang nakahanda na ang last will and testament ko, marydale?"
Nahigit niya ang hininga sa sinabing iyon ng ama."pa, Hindi maganda ng pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan habang-"
"I'm just preparing everything, hija. Matanda na ako at sakitin. Gusto kung NASA ayos ang lahat bago ako sumunod Kay Isabel. Matagal ko bang gustong sumunod sa iyong mama, hija. Hindi lang kita maiwan-iwan."
Tumiim ang mga bagang ni marydale. Now, he was talking as if he dearly loved her mother! Mags is in inhaling na naman ba ito upang makuha ang kanyang simpatiya? At ginamit pa ang kaawa- awang asawa lihim na naikuyom niya ang kamao sa galit.
"Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng rancho Isabel at montiveste international, dale. Sa ito nakalaan ang lahat ng pinaghirapan kong ipundar. Monteviste international is worth billions, hija. I'm leaving you a legacy that you can pass on to the next generation."
Napasinghap si dale sa narinig. Isa siyang bilyonarya? She knew her father was rich. But she never thought his fortune would reach billions! Ito ba ang naging kapalit ng kamatayan ng kanyang ina?
She cleared her throat. Paano niya sasabihin sa amang wala siyang interest sa bilyones nito bang hindi niya ito masasaktan?
Malungkot na napatungo si Andrew nang makita ang expression sa mukha ni dale. "Alam ko kung bakit ka umuwi ng pilipinas, hija," mayamaya ay mahinang turan nito. "Ngunit hindi ko pa rin naiwasang umasa na sa pag babalik mo ay matutuhan mo akong patawarin at tanggaping muli. Ikaw ang natatanging alaalang iniwan sa akin ng iyong INA."
Pumiyok ang boses nito sa puntong iyon at naaalarmang napatayo si dale. His father was holding his chest. Kaagad na tumawag niya ang private nurse sa di-kalayuan. Siya na mismo ang nagpainom ng gamot sa ama. Nang lumuwag ang paghinga nito ay sinenyasan niya ang private nurse na dalhin sa silid ang matanda at pagpahingahin. Ngayon niya napatunayang sa kabila ng galit at hinanakit rito ay hindi niya kayang mawala ito.
Pasalampak na ibinagsak ni dale ang pagal na katawan sa malambot na sofa. Kagagaling lang niya sa rancho at kinausap ang mga katiwala sa lagay ng mga baka. Binisita rin niya ang slaughter house at tiningnan kung maayos ginagawang proseso sa pagkatay ng mga hayop. Kanina ng umaga ay pinuntahan din niya ang cannery. Wala siyang masabi. Malinis ang factory at nakasuot ng tamang protection gear ang mga trabahador. Ipinaakyat na niya sa library Kay manang lucia ang financial report ng montiveste canning corporation upang mapag-aralan niya mamayang gabi.
Kahapon ay kinausap niya ang ama at sinabing handa na siyang tanggapin ang responsibilidad ng isang tagapagmana. Labis na natuwa si Andrew at maluha luhang nagpasalamat. At ngayon ay sinisimulan na niyang gawin ang pamamahala sa rancho at sa malaking kompanya. Bukas ay kailangan niyang lumuwas sa may nila. Bibisitahin niya ang corporate headquarters ng montiveste international. Ipapaalam na rin niya sa lahat ng mga empleyado ang pag take over niya sa kompanya.
Hindi niya alam kung makakaya niyang pamahalaan ang negosyong iyon. Oo nga at may sarili siyang pinamamahalaang restaurant, pero walang wala iyon kumpara sa montiveste international. Pinag aralan na niya ang mga produktong sakop ng kompanya textiles, canning, telecommunications at household commodities. Napabuntong hininga na lamang si dale.
I'm leaving you a legacy that you can pass on to the next generation.
Kailangan pangatawanan na niya ang pagiging presidente at CEO ng montiveste international. Responsibilidad niya na siguruhing mapapakinabangan iyon hanggang sa kahuli hulihang henerasyon ng mga montiveste.
Ang magiging mga anak niya ang unang makikinabang ng lahat. Sukat doon ay naiisip niya si Edward. Ilang araw nang hindi pumupunta sa villa ang lalaki. Na labis labis niyang lihim na ipinagpasalamat, or else, bibigyan lang niya ng kahihiyan ang sarili.
Naramdaman niya ang pag iinit ng mga pisngi. Naiinis na tumayo siya sa sofa at umakyat sa silid. Kaagad na itinapat niya ang sarili sa ilalim ng dutsa upang Alisin sa kanyang isipan ang anumang may kinalaman sa binata.
BINABASA MO ANG
THE MAN I LOVE. "Completed" MAYWARD
Fanfictionpagdating sa amang si andrew tila bato na ang puso ni marydale. Sakai siya sa paghihirap ng INA dahil sa ginawa ng amang pagtataksil dito, hanggang nga sa mamatay ang Babae sa sakit na cancer, umuwi man siya sa bayang sinilangan, malay...