Dadalo ako sa kasal ni maristel, tita lerma. Bago ako babalik sa America ay dadaanan ko kayo. Tatawagin kita uli, sige,' bye tita". Iyon lang at pinindot niya ang button for end call.
Malungkot na tinanaw niya ang malawak na lupain ng rancho na nakikita niya mula sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang magandang Hardin at ang malawak na pool. Sa malayo ay ang malapad na lupaing sakop ng rancho.
"Pag-aari mo ang lahat ng nakikita ng iyong mga mata. Ikaw ang nakatakdang magmana ng lahat ng ito."
Hindi na niya kailangan lingunin kung sino ang nagsalita. Binabantayan ba ng lalaki ang bawat kilos niya? Tiningnan niya ang suit na relo. Alas cinco na ng hapon. Ang sabi ni manang Lucia kanina ay umalis ito mga alas one ng umaga upang bisitahin ang monteviste manufacturing corporation.
Bukod sa textile industry ay pinasok din ng kanyang ama ang paggawa ng mga delatang produkto kagaya ng corned beef at beef loaf.
Ang lupaing minana ng kanyang INA ay pinagyaman nito at ginawang rancho kung saan nanggagaling ang supply ng karne at iba pang araw materials para sa cannery. Sa dulong bahagi ng rancho malapit sa main road ang plants. Katunayan ay nadaanan niya iyon kahapon.
Pormal na nilingon niya ang binata.," Hindi mahalaga sa akin ang kayamanan ng papa. Puwede niyang isama sa hukay ang lahat ng pera niya."
"You're starting a fight again, marydale....." He said in a cold tone. Kanina ay casual expression ang NASA mukha nito. Ngayon ay biglang napalitan ng pagdidilim.
" Dahil iyon ang to too," she said matter-of-factly. "Alam kong may naipundar ka na rin sa America ngunit ang lahat ng pagsisikap ng ama mo ay para sa iyo, marydale." Malungkot na tinanaw nito ang malawak na lupain.
"But I don't want anything that has something to do with him." Inilagay niya sa loob ng bulsa ang hawak na cellphone. Sumunod ang paningin nito sa hawak niya.
"Ano'ng pinag-uusapan ninyo ni tita lerma?"
"My God!" She rolled her eyes." You're eavesdropping. Hindi bagay sa iyo-"
"Tungkol ba sa diary ng iyong ina?"
"May alam ka sa diary ng mama?" Now that caught her attention.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng lalaki. " iyon ang pinakamahalagang bagay na itinatago ng iyong ama. Iyon na lamang ang natatanging alaalang iniingatan niya mula sa iyong mama, maliban sa iyo, of course."
"Kailangan makausap ko ang papa tungkol sa diary ni mama. Dahil iyon ang dahilan kung bakit umuwi ako ng pilipinas." Akma siyang aalis upang hanapin ang ama nang pigilan siya nito sa mga braso.
"At pagkatapos mong malaman kung ano ang nakasulat sa diary ng iyong mama, ano na ang susunod na gagawin mo?"
"Babalik ng America," she answered plainly. Ipiniksi ang brasong hawak nito subalit Hindi iyon pinakawalan ni edward.
"You're making it hard on your father's part, marydale. Hindi maganda ang ipinakita mo sa kanya kaninang umaga. Dinamdam iyon ng iyong papa at sa halip na matuwa dahil nagbalik ka na ay mas lalong nalungkot ang iyong ama. Hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kanya. Muli siyang isinugod sa st. Luke's dahil sumisikip ang paghinga niya."
"Oh!" Natutop ni marydale ang bibig. Pagkatapos niyang mananghalian kanina ay nagkulong na siya sa kanyang silid. Hapon na nang lumabas siya at tinungo ang verandah upang tawagan ang kanyang tita lerma. Ni Hindi niya napansing isinugod sa hospital ang ama.
"Siguro ngayon masaya kana sa pagdurusa ng iyong ama?" Puno ng sarkasmo ang tinig nito. "Kapag may nangyaring masama sa ama mo, tiyak na Hindi ka patatahimikin ng iyong konsyensa."
Natameme si marydale. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Oo nga at galit siya sa ama ngunit Hindi niya ninais na siya ang maging dahilan ng kamatayan nito. Sa kabila ng lahat ay utang niya ang buhay nito.
"Pansamantala ay titigil muna sa St Luke's si Andrew. His health is still unstable. At hindi makakabuti sa kanya na makita ka at maramdaman ang malamig na turing mo sa kanya. Ikaw ang dapat sisihin kung anuman ang masamang mangyari sa iyong ama." Marahas na binitiwan nito ang kanyang braso at tinalikuran siya.
Wala na sa harapan niya si Edward ay nanatiling tulala pa rin si marydale; aandap-andap ang kalooban da narinig na balita.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi yata niya matanggap na siya ang magiging dahilan ng paglala ng maramdaman ng ama.
BINABASA MO ANG
THE MAN I LOVE. "Completed" MAYWARD
Fanfikcepagdating sa amang si andrew tila bato na ang puso ni marydale. Sakai siya sa paghihirap ng INA dahil sa ginawa ng amang pagtataksil dito, hanggang nga sa mamatay ang Babae sa sakit na cancer, umuwi man siya sa bayang sinilangan, malay...