"Akala ko'y nagbibiro lamang si lando," ang guard ang tinutukoy nito, nang tumawag siya at ipaalam na papasok ka na sa villa. Buong pananabik na hinagod nito ang buhok niya habang yakap siya." Tiyak na matutuwa ang papa mo sa pag-uwi mong ito, marydale."
Natahimik siya. Nakita niya na matinding kaligayahan sa mukha nito at ang namumuong butil ng luha sa gilid ng mga mata. She sighed." Nasaan ang papa, manang Lucia?"
Bahagyang nagkalambong ang mga mata nito." Isinugod sa st luke's ang papa mo kaninang umaga dahil sumama ang pakiramdam. Ang sabi ni sir Edward ay mabuti na ang kalagayan ng iyong ama at mamayang gabi ay uuwi na dito sa rancho." Muling kumislap ang mga mata nito nang titigan siya." Halika, pasok ka, senyorita. Ipapaayos ko mamaya kina Julia at luningning ang mga gamit mo."
Inakay siya nito papasok sa villa. Namangha siya nang masilayan ang malapad na wala. Hindi ang nangingintab na antigong kagamitan ang nakakuha sa kanyang atensyon, kundi ang malaking life-size portrait niya na NASA pinakagitna ng sala. Kuha ang picture na iyon noong magtapos siya ng high school. At marami pa siyang framed pictures na nagkalat sa wala. Nagmukhang museum ng kanyang mga littrato ang lugar na iyon. Napailing na lamang si marydale
"Ang papa mo ang nagpalagay ng mga litrato sa bahay na ito, senyorita. Para kahit wala ka ay parang narito ka pa ri."
Sa halip na matuwa ay lihim na napaismid si marydale. Pinipigil niya ang sailing baklasin ang mga frames at sunugin. Hindi niya gusto ang ideya na iyon.
" nasaan ang solid ko, manang Lucia? She wanted to runaway from this place or else, baka Hindi na niya makontrol ang sarili.
"Nasa pangalawang palapag. Ang solid na inookupa ninyo kapag bumibisita kayo sa lolo't lola mo noon."
Kaagad na inakyat Niya ang pabilog na hagdanan patungo sa second floor. Malapit na siya sa pinakaitaas na baitang nang lingunin ang babae.
"Magpapahinga muna ako,manang lucia. Pagod ako sa mahabang biyahe. Kung puwede ay wag na muna ninyo akong gisingin mamayang gabi. Tiyak bukas na ako magigising."Vote naman kayo.....thank you
BINABASA MO ANG
THE MAN I LOVE. "Completed" MAYWARD
Hayran Kurgupagdating sa amang si andrew tila bato na ang puso ni marydale. Sakai siya sa paghihirap ng INA dahil sa ginawa ng amang pagtataksil dito, hanggang nga sa mamatay ang Babae sa sakit na cancer, umuwi man siya sa bayang sinilangan, malay...