Chapter 1 - Sino 'yon?
Kanina pa hinihintay ni Andy ang bestfriend niyang si Lara sa loob ng isang fast-food chain kung saan ay usapan nilang magkikita para pag-usapan ang final project nila sa Multimedia Systems. Graduating na kasi sila ngayong taon sa kursong Information Technology at last semester na rin nila.
Tahimik siyang nakaupo sa isang sulok at paminsan-minsang sumusulyap sa orasan na malapit sa kinauupuan niya dahil wala siyang dalang relos. Hindi pa rin siya umo-order dahil usapan nilang sabay silang kakain ng agahan ng kaibigan niya. Muli siyang sumulyap sa orasan. Kinse minutos na lang bago mag-alas otso. Naiinip na siya.
Nakakainis! maktol niya sa sarili. Halos kalahating oras nang late si Lara. Ayaw na ayaw pa naman niyang pinaghihintay ng ganoon katagal. Pero dahil bestfriend nga niya ito ay kaya niya itong intindihin sa abot ng kanyang makakaya kahit abutin pa siya ng bukas sa paghihintay. Bumuntong hininga siya. Huwag naman sana. Hindi rin pala niya kaya ‘yon.
Parang kumukulo na ang sikmura niya sa gutom. Hindi kasi siya nag-almusal dahil nga sa usapan nilang ito. Nagmadali pa naman siyang umalis ng bahay tapos maghihintay lang pala siya ng pagkatagal-tagal. Kinuha niya ang kanyang pink na cellphone sa kulay pink niyang bag. Pagkatapos ay nagsimula siyang may-type ng message para sa kaibigan.
Bruha, nasaan ka na? Tinutubuan na ako ng ugat sa paa dito!
Pagkasend ng message ay in-on niya ang wifi ng phone niya at kumonekta sa free wifi ng naturang fastfood chain. Hinanap niya ang application ng wattpad at binuksan iyon. Magbabasa na lang muna siya baka sakaling mawala pa gutom niya.
Hindi na niya alam kung gaano katagal na siyang nakatitig sa cellpnone niya at nag-eenjoy sa binabasa niyang story. Iyon naman talaga ang gusto niya kapag nagbabasa. Parang tumitigil ang oras at hindi niya namamalayan ang pag-andar nito. Hindi na rin niya nararamdaman ang gutom na kanina lang ay nagpapangiwi na sa kanya.
“Excuse me miss, may hinihintay ka ba?”
Isang tinig ng lalaki ang narinig niya pero hindi na siya nag-abala pang mag-angat ng ulo para tingnan ito. Hindi naman sa ayaw niya sa mga lalaki pero ayaw niya ‘yong mga tipong kakausapin siya tapos magpapalipad hangin agad. In short, presko. “Meron,” sarkastiko niyang sagot. “Naghihintay ako ng oras.”
“I see…”
Naramdaman niyang naupo ito sa harapan niya. Aba’t ang kapal ng mukha! Hindi man lang humingi ng permiso ang loko! sigaw ng utak niya.
“I miss you…”
Pagkarinig niya sa sinabi ng lalaking pangahas na kumausap sa kanya ay mabilis siyang nagtaas ng tingin kasabay ng paghawi niya sa medyo mahabang bangs na tumakip sa kalahati niyang mukha. Hindi niya malaman kung bakit nito nasabi ang tatlong salitang iyon na punong-puno ng emosyon. Sobra naman yata ito. “What the—“
“O-oh, no. I’m sorry. I t-thought you were my…” Hindi nito itinuloy ang sinabi at mabilis na tumayo. Bahagya itong yumuko bilang paghingi ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...