Chapter 24

220 7 0
                                    

Our Love Story

      Chapter 24

Alex POV

               Matapos yung pag uusap namin ng mama ni Minho, umuwi na kami. Tahimik lang ako sa buong biyahe dahil sa sinabi sakin ng mama niya. Bakit ayaw niya sakin? May mali bas akin? Alam ko namang mas maganda si Yuri sakin pero bakit nga?

“ Uy tahimik ka?” Tanong ni Minho.

“ Gutom na kasi ako eh” Palusot ko.

Pag katapos nun, tahimik na ulit kami. Pupunta ba ako bukas?

***

Pag kagising ko, nakapag decide na ako kung pupunta ako. Pupuntahan ko ang mama niya para malaman kung bakit ayaw niya sakin. Naligo na agad ako at nag bihis. Buti na lang pag kalabas ko wala na si Minho. Panatag akong nakapunta sa bahay ng mama niya.

“ Andito ka na pala” sabi ng mama niya.

“ Sumunod ka sakin” dagdag niya pa. Sumunod ako sa kanya. Pumunta kami sa isang kwarto at may pinakita siyang picture sakin. Picture ni Yuri at Minho na mag kasama.

“ Ayan sila nung wala ka pa” simula ng mama niya.

“ Masaya sila at walang problema” sabi pa nito, Di na ako nakatiis at nag salita na ako, Ano bang gustong mangyari nito?

“ Diretsyuhin niyo na nga po ako” sabi ko. Nag smirk siya at pina upo ako.

“ Gusto kong layuan mo ang anak ko” cold na sabi niya.

“ P-po?” medyo nauutal kong sabi, naiiyak na ako.

“ Layuan mo na ang anak ko, ayoko sayo. Mas gusto ko si Yuri kaysa sayo. Parehas silang sikat at alam kong mahal pa ni Minho si Yuri” sabi niya.

“ Bakit ko siya lalayuan?! Mahal ko  po ang anak niyo” medyo galit na sabi ko. Pero ngumisi lang siya sakin.

“ Bakit ako maniniwala sayo? Baka yung kasikatan lang ng anak ko ang kailangan mo o kaya naman yung pera niya” walang preno na sabi niya.

Ang sakit ng sinabi ng mama niya. Hindi ako ganung tao, Minahal ko siya ng tunay. Wala akong paki alam sa Pera niya o kaya naman sa kasikatan niya.

“ Hindi ko po siya lalayuan, tapos na po ang usapan na ‘to” sabi ko sabay tayo. Hindi ko lalayuan si Minho. Ipag lalaban ko siya kahit anong mangyari.

“  Subukan mo, pag di mo nilayuan ang anak ko, ipapa tigil ko ang pagiging kpop star niya. Kaya kong gawin yun” sabi niya, kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

“ Anong klaseng ina ka? Kaya mong sirain ang buhay niya dahil lang sakin?!”

“ Oo, Dahil nga ayoko sayo, gusto ko, sikat rin yung mapapangasawa niya at hindi ordinaryong tao, kaya kung ako sayo, kung mahal mo talaga siya, iwanan mo siya at ibigay mo sa kanya ang pangarap niya”

“ Pag isipan mo ito, Mahal niya ang career niya, pinag hirapan niya ito nang matagal tapos mawawala lang dahil sayo? None sense diba?”

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Tama siya, none sense kung mawawala ang career ni Minho dahil sakin, Pero mahal ko siya, kakayanin ko bang iwan siya para sa pangarap niya?

“ Give me one week to decide” sabi ko sa mama niya.

“ As you wish” naka smirk na sabi ng mama niya.

==========================================

Thanks for reading guys!

Vote and comment please…^o^

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon