Chapter 53

141 6 2
                                    

Sulli's P.O.V

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko sa resort, nag-iisip ako kung paano ko uumpisahan sabihin kay Minho yung totoo. Ang ikinakatakot ko lang ay, baka magalit siya ng sobra sa papa niya. Hindi naman natin maiiwasan na magalit siya diba? Pero kasi baka makagawa siya ng desisyon na pagsisisihan niya sa huli. Sabi nga nila; Don't make promises if you're happy and don't make decisions if you're angry or mad. I believe in that quote kaya ginagamit ko yan, always.

Pagulong-gulong na nga ako sa kama ko eh, hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Bigla na lang nag-vibrate yung phone ko, kinuha ko ito at binasa yung text.

From: Unregister number.

          Hey got your number from Minho, let's hang out? Taeyeon 'to. =').

Huh? Ba't bigla na lang ito magyayaya? We're not close eh. Pero wala namang masama dun? Pero kasi, hindi talaga kami nag-uusap niyan. Pagnagkikita kami sa SMENT tanging ngiti lang ang nagagawa ko at ngiti rin lang ang ginagawa niya. Hay, siguro maglilibot muna ako dito. Mamaya ko na iisipin yung sasabihin ko kay Minho. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta dun sa mini bar, sure kasi ako na nandun si Taeyeon.

Pagkapunta ko dun, tama nga ako, nandun siya. Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Oh, c'mon?" Tumango ako, tumayo na siya at lumabas. Sinundan ko na rin siya.

"Saan tayo?" Tanong niya. Hmm... wala naman akong lugar na alam dito eh.

"Souvenir shop? Yun lang ang alam ko dito." Nung papunta kami ni Minho dito, may nadaan kaming souvenir shop. Bibilhan ko na rin ng pasalubong sila Amber, sure naman akong maghahanap sila.

"Okay, let's go." Tahimik lang kaming naglalakad ni Taeyeon. Hindi naman talaga kami close nito. Nakakagulat nga eh, bigla na lang siyang mag-yayaya. Nakasummer dress lang kaming dalawa, tapos ang lakas pa ng hangin. Ang sexy nga ni Taeyeon at ang puti pa.

"Uhm... Sulli, pwedeng dun muna tayo sa lilim ng coconut tree? Ang init kasi. Mamaya na lang tayo pumunta dun kapag medyo di na mainit." Tinuro niya yung isang coconut tree. May lilim nga, pumayag ako at pumunta kami doon. Umupo kami sa may sand, masarap tumambay dun at mahangin pa. Ayaw pala ni Taeyeon na masyadong maarawan yung balat niya, kaya pala kami pumunta dito. Kutis-artista talaga.

Tahimik lang kaming nakaupo doon, tanging yung mga batang naglalaro lang ng buhangin yung tanging gumagawa ng ingay. Nasira nung batang lalaki yung ginawa nilang ice castle, kaya nagalit sa kanya yung lahat ng kalaro niya. Lalapitan ko na nga sana para patigilin sila, kaso biglang nag-sorry yung mga bata kaya nagbati-bati na rin sila.

"I want to be a kid, again." Napatingin ako kay Taeyeon, nakangiti siyang nakatingin sa mga bata. Ba't kaya niya nasabi yun?

"Uhm... Bakit?" She looked at me then smiled. "Kasi ang mga bata mabilis silang magpatawad. Isang sorry mo lang, okay na." Nanahimik lang ako. Wala kasi akong maisasagot.

"At tsaka, mga wala silang problema. Kung may kaaway sila, 'sorry' lang okay na. Hindi katulad nating mga adult, hindi man lang magawa yun."

"O-okay. Matataas kasi ang pride ng mga tao ngayon, kaya nalo mas lumalaki ang away."

"But it's too unfair, paano yung taong nagawan mo ng kasalanan? Ganun-ganun lang yun? Nasaktan sila at umiyak pero yung taong nanakit sa kanila, wala lang."

"Nope. Yung konsensya nila, yun naman ang kabayaran. At tsaka mag-sorry, okay na."

"Sorry is just a word, it's useless. At sa panahon ngayon, wala nang konsensya ang mga tao."

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon