Chapter 39

152 5 8
                                    

Krystal P.O.V

Pumunta na agad ako sa coffee shop na sinabi sakin ni Yuri. Sabi niya may gusto daw siyang sabihin sakin at napaka-importante daw nun. Kaya no choice ako kung kaya't pupunta ako.

"Krys!" Napalingon agad ako nung tinawag ni Yuri yung nick name ko. Nakaupo siya sa may dulo, nakashades siya at jacket.

"Yuri, bakit mo ako pinapunta dito?" Direct to the point na sabi ko. Gusto ko nang umuwi noh, tsaka ayoko ko siyang kasama. Inaway niya kaya bestfriend ko.

"Nasa panganib si Sulli." Napaupo agad ako at binigyan ko siya ng masamang tingin. Anong kalokohan ito?!

"Yuri, kung may balak kang sirain ang relasyon ulit nila, itigil mo na." Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko.

"Sila na ulit?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Oo. Back to the topic, bakit nasa panganib si Sulli?" Umupo siya ng maayos at nag-sip ng coffee. Iba yung aura niya ngayon, parang nag-aalala siya para kay Sulli.

"Isa sa mga kamember ko, galit sa kanya."

"Sino?!" Di ko talagang maiwasang magtaas ng boses, Panong nagkaroon ng kagalit si Sulli sa SNSD? Eh si Yuri lang naman ang kakilala niya dun?

"I'm sorry Krystal, Di ko pa pwedeng sabihin kung sino. Pero susubukang kong hindi magtatagpo ang landas nilang dalawa. For my member's sake rin ito, sorry Krys." Malungkot na sabi ni Yuri, hays. Di rin niya palang pwedeng sabihin yun, mabait naman pala siya eh.

"Okay, susubukan ko ring ilayo si Sulli sa group niyo. Thank you Yuri sa pag-woworry."

"Your welcome, Kung sila na ulit ni Minho, mas kailangan na nilang mag-ingat." Mas nalo akong kinabahan sa sinabi niya, hinawakan ni Yuri yung kamay ko.

"B-bakit Yuri?" Natatakot ako para sa kaibigan ko.

"Gagawin niya ang lahat para masira ang relasyon nila."

Sulli's POV

"Ganito kasi yan." Tinuturuan ako ni Minho na magbasketball. Jusko! Ang hirap pala nito, hirap-hirap mag-shoot.

"Ayoko na." Sabi ko sabay upo sa may lapag ng court.

"Madali lang naman ah. Ba't nahihirapan ka?" Anong madali dun? Eh hirap na hirap na nga akong mag-shoot! Isama mo pa yung mabilis niyang makuha yung bola sa akin!

"Ayoko na talaga eh, pagod na ako." Bigla niyang nilapit sakin yung mukha niya. Syempre nagulat ako, ramdam na ramdam ko na yung hininga niya!

"Pagod ka na?" Tanong niya habang nakatingin sa lips ko. Namumula na tuloy ako!

"Oo nga eh." Halos di na ako makatingin sa kanya,

"Baka di ka na mapagod kapag ginawa ko ito." Bigla niya akong hinalikan sa labi.  Napalingon agad ako sa paligid namin at baka may makita akong tao dito. Tsk! Pahamak naman itong kissing monster kong boyfriend.

"Bad ka ah." Nilayo ko yung mukha niya sakin at tumayo na ako.

"Kinilig ka naman." Yabang nito ah! Pero totoo naman na kinilig ako.

"Baliw, bili lang ako ng tubig."

"Samahan kita, gusto mo?" Umiling ako sa kanya at kinuha yung wallet ko.

"'Wag na, bantayan mo na lang yung gamit natin." Buti na lang walang masyadong tao dito sa subdivision namin kaya di na namin kailangan mag-disguise.

"Sige, ingat ka na lang. Tandaan mo na mahal na mahal kita." Bigla naman akong napangiti. Totoo na talaga, kinikilig na talaga ako.

"Love you too." Ngayon si Minho naman yung namula. Ano ka ngayon?

"Bili mo na lang ako ng pure orange juice." Tinakpan niya yung mukha niyang namumula. Nagpipigil na nga lang ako ng tawa dito eh.

"As you wish." Tumakbo na ako palayo dun sa court para bumili ng drinks. Nasa may tapat lang naman ng court yung bilihan ng drinks.

Tumawid agad ako para makabili ng drinks. Pagkarating ko dun, may babae akong nakita dun na naka-cap, may motor dun sa tabi niya. Kahit naka-shades siya, ramdam ko pa rin na nakatingin siya sakin. Di ko na lang ito pinansin at pumunta agad ako sa stall na may binibentang water.

"Miss, kanina pa ba yang babaeng yan dyan?" Tanong ko dun sa babae na nagbebenta.

"Ay opo, parang kanina pa nga po yan dyan, nakatingin lang naman po siya sa court." Kinuha ko na yung bottled water at tsaka yung orange juice ni Minho. Kung kanina pa siya nandyan, ibig sabihin nakamasid siya sa'min? Wala namang ibang naglalaro ng basketball dyan kundi kaming dalawa lang.

"Okay, Thank you ah."

"Your welcome po." Nginitian ko yung babae at naglakad na ako palayo. Habang naglalakad ako, bigla na lang may motor na dumaan sa harap ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, natumba ako at lahat ng binili ko ay nalaglag. Sobrang sakit ng katawan ko, hindi ko maigalaw yung buo kong katawan. Parang nanlalabo na yung paningin ko, Natamaan pala ng motor yung paa ko kaya ako natumba.

"Sulli!" Alam kong boses yun ni Minho, hindi ko siya malingon. Para akong isang manika dito sa kalye na nakahalundusay, manikang hindi maigalaw ang buong katawan.

"Sulli!" Nakalapit na pala sa'kin si Minho. Binuhat niya ako at dinala kung saan man, basta ang alam ko lang:

Nahihirapan ako ngayon sa kondisyon ko.

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon