Chapter 44

119 8 13
                                    

Minho's P.O.V

Nasa grocery ako ngayon para bumili ng pagkain para magkaroon naman ng laman yung ref namin. Pambihira! Alam niyo yung feeling na gutom na gutom ka na tapos walang pagkain? Ako yun eh!

Bagot kong hinila yung cart dito kaya pinagtitinginan ako ng mga tao. Pakaialam nila? Di naman nila ako makikilala eh! Naka-disguise naman ako, Bleh!

Pumunta agad ako sa Junk foods section at kumuha ng Piattos, Nova, Tattos, at maraming pang iba. Di ko bibilhan sila Key, Jonghyun, at Onew. Si Taemin lang, Love ko yun eh! Pagkatapos kong makakuha ng favorites ko, Pumunta naman ako sa Fruit's Section.

Kailangan ko ito noh; This is my secret to look good! Habang namimili ako ng fresh fruits, may babae akong kasabay and... It's Sulli! Ano kayang ginagawa ng beautiful girlfriend ko? Ang sama ng tingin niya sa mga prutas at di niya ako pinapansin.

"Sulli!" Tawag ko sa kanya at kumaway. Tinignan niya lang ako at tinarayan. Nabigla ako, Parang di siya si Sulli. I mean, Masyado siyan girly. Di ko naman sinasabi na boyish si Sulli babes, ang akin lang ay ibang-iba siya ngayon. Si Sulli KO matured tignan, Tapos yung Sulli ngayon mukhang teenager. Naka braid yung buhok niya with clip na may flower, Nakasuot nang fitted pants, V-neck na t-shirt na medyo maluwag sa kanya na hanggang sa may taas lang ng pusod niya, tsaka may sando sa loob na puti. Di ako manyak ah! Nakita ko lang dahil mahaba yung sando niya! Naka converse rin na rubber shoes, I'm not a pervert! Inuulit ko lang!

"Are you finished describing me? huh?" Mataray niyang tanong. Nabigla ako at napatayo ng maayos.

"Ehem. Sulli, ikaw ba yan?"

"What? Sulli? The hell. I'm not Sulli." Ang taray naman nito! Si Sulli ba talaga toh? Tinignan ko siyang mabuti. Di kaya namamalikmata lang ako? Kahit kailan di mag-gaganyang porma yan!

"What if, Nakita ka ng Girlfriend mo na nakatingin sa'kin? I guess, She will be angry at you." Huh? Nakataas yung isang kilay niya at naka crossed arms.

"Excuse me?" Ako tinitignan siya? Kung Sulli yan, Baka Oo pa! Eh parang hindi si Sulli yan eh!

"Oh sorry, You're not looking at me pala. You're STARING at me." Sabi niya sa sakin sabay walk out.

Naiwan nanaman akong nakatulala! Nakakaasar! She's not Sulli, pero bakit kamukhang-kamukha niya?

Sinundan ko siya para makasiguro. Baka niloloko lang ako ni Sulli!

"Wwwaaaiiittt!!!!!!" Tawag ko sa kanya, Huminto siya at humarap siya sakin nang nakapamewang.

"Oh my Jin, Don't tell me, Na love at first ka?"

"No way, I have a girlfriend." Taas noo kong sabi.

"You have pala eh. So, Why are you still make habol to me?"

"And why are so conyo?" Nakakairita siya kung magsalita!

"Don't answer me with another question."

"Argh! Magtatanong lang naman ako eh!" Suko na ako.

"Okay, I don't want to answer your question. Your so weird, I don't like you. I don't like your porma. Even your style!"

Ano daw? Nosebleed ako dito ah!

"Magtatanong lang ako eh,"

"Oh my Jin! Your so kulit talaga!" Tumakbo siya palayo sakin.

Tss. Kulit talaga. Tinapos ko na lang yung pag-grogrocery ko at umuwi na.

Kamukhang-kamuka niya talaga si Sulli ay mali pala, Iisa lang ang mukha nila. Pero magkaibang-magkaiba yung ugali at porma nila, maski yung pananalita nila sobrang magkaiba. Nakakairita siya nalo na yung 'Oh my Jin' niya! Ang arte.

Pero sino kaya siya? May kakambal ba si Sulli?

=======================

A/N: Oh ha! Bago matapos yung sembreak ko, naka-update ako! Binasa ko yung story ko mula chapter 1 to 43, tawa ako ng tawa. Mula chap. 1 to 19 medyo childish si Sulli, Tapos chap 20 to 43 sobrang seryoso. Hahaha alam kong wala kayon pake, share ko lang naman ;) Pero maganda ba?

Hahaha Vote and Comment!^____^

PS: Sabihin niyo kung aayusin ko pa! B

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon