Chapter 54

125 4 2
                                    

Sulli's P.O.V

"Baka matunaw ako," Napalayo agad ako kay Minho nung dumilat siya. Gising na pala ang mokong.

"Tumayo ka na nga! Almusal na tayo." Hinila ko siya para tumayo pero hinila niya rin ako kaya napaupo ako. Ansabe ng lakas ko sa kanya?

"Dito ka muna, busog pa naman ako sa ginawa na 'tin kagabi." Tumaas yung mga balahibo ko nung narinig ko 'yon. Utak talaga nito eh!

"MINHO?!" Tumawa siya nang tumawa pagkatapos kong sabihin iyon. Nag-kissed lang naman kami kagabi ah? Utak nito.

"Hahaha, lika na nga. Niloloko lang naman kita eh." Tumayo na siya at hinila ako palabas. Hindi pa nga ako nakakapag-ayos ng masyado eh! Di pa ako nakakapag-toothbrush.

"Wait lang, pwede bang maligo muna?!"

"Ihh! Gutom na ako!"

"Akala ko ba busog ka na?" Opps! Mukhang mali ata yung sinabi ko. Babawiin ko na sana yung sinabi ko kaya lang nakakaloko yung mga ngiti niya.

"Saan?" Tignan mo 'to, sira talaga.

"Halika na nga!" Hinila ko na siya papunta sa kainan dito. Habang papunta kami sa kainan, nakasalubong namin si Baekhyun.

"Baek? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Ang rami ko namang nakikita na artista dito sa Jeju. Una si Taeyeon, ngayon naman si Baekhyun.

"Nagbabakasyon kasama yung girlfriend ko," Nakangiti siya habang sinasabi niya ang mga iyon.

"Talaga? Hanep! Binata na siya!" Sabi ni Minho sabay man hug kay Baekhyun.

"Aray ko! Baklang ito," Sabi ni Baekhyun. Napapa-face palm na lang kaming dalawa ni Minho. Binata na pala ah?

"Uhm... Alis na pala ako, pupuntahan ko pa yung girlfriend ko."

Tumango na lang kaming dalawa ni Minho at nauna nang maglakad. Pati si Baekhyun may girlfriend na, tapos si Taeyeon may boyfriend na. Di kaya... Silang dalawa na? Ay! Ano ba yan, kung ano-ano naman ang pumapasok sa utak ko. Gawa siguro ng gutom na ako at hindi pa ako nakakapag-almusal.

* * *

Andito kami ngayon ni Minho sa kwarto ko, gusto ko na kasing sabihin sa kanya yung totoo.

"Minho... Naalala mo ba yung araw na naghiwalay tayo?" Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin ng seryoso.

"Oo, bakit?"

"May sasabihin ako sayo pero sana, huwag kang magalit. Pwede?" Tumango siya at umupo sa tabi ko.

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang ikwento sa kanya. Nagsimula ako dun sa pumunta kami sa bahay ng mama niya at sinabi niya sa akin na hiwalayan si Minho. Sinabi ko rin yung totoong dahilan kung bakit nagawa ni Tita Min yun, dahil sa kumpanya nila. At dahil kagustuhan ng papa niya.

"... And that's all." Pagkatapos kong magkwento, tinignan ko yung reaction niya. Nakatulala lang siya, nilapitan ko siya at niyakap.

"You okay?" Tanong ko habang yakap ko siya.

"You do that... for me?" I nodded. Nagsimula na siyang umiyak. Gosh, umiyak siya!

"Hey, don't cry." Tinakpan niya yung mukha niya para di ko makita

at medyo umurong siya palayo sa 'kin.

"Kaya niyang gawin 'yun?! Ipagpapalit niya ang sarili niyang anak para lang sa kumpanya niya?!" Galit na galit na si Minho sa papa niya, sinasabi ko na nga ba eh!

"Uhm... Minho, easy ka lang." Lumapit ako sa kanya at niyakap. Hinimas ko yung likod niya para patahanin siya, niyakap niya rin ako pabalik.

"Sulli, sorry. Nagalit ako sayo nung iniwan mo ako pero ginawa mo pala yun para sa'kin. Ang sama ko, Sulli! Kasalanan pala yon ni papa."

"It's okay, at least magkasama pa rin naman tayo diba?" Tumango siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Papahinga lang ako, I want to take a rest." Tumayo siya at lumabas ng kwarto ko. Siguro kailangan niya nang time para makapag-isip-isip.

Okay, that's the end of our day.

* * *

Nagising ako sa tunog ng phone ko, kinuha ko ito sa tabi ng kama ko at sinagot.

"Hello?" Nakapikit kong sinagot ito, inaantok pa kasi ako!

["Sulli! Si Yuri 'to, musta dyan sa Jeju?"] si Yuri lang pala.

"Okay lang, nakita ko nga dito sa Baeakhyun at Taeyeon eh,"

["WHAT?!"] Nailayo ko nang wala sa oras yung phone ko sa tenga ko. Bakit nag-freak out 'to?

"Oo nga, nakita ko sila dito."

["My god magkasama sila Baek at Taeyeon. Dalawang yun talaga!!"] May narinig akong babae sa kabilang linya. Kasama ata ni Yuri.

"Hello?"

["Uhm... Sulli! Huwag ka muna masyadong lalapit kay Taeyeon ah? Kasi... ano... Uhm... Isusu-surprise namin siya! Oo tama!"] Anong konek nung paglapit ko kay Taeyeon at sa pag-surprise nila?

"Okay, I'll try."

["Sige, pupunta ako bukas dyan ah? Hintayin mo ako, isasama ko na rin si Krystal. Para masiguro naming safe ka sa kanya. Bye!"] May part akong hindi ko narinig yung sinabi ni Yuri. Pero, wait, isasama daw niya si Krystal?!

May problema ba yung mga yun?

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon