chapter 23

228 9 1
                                    

Our Love Story

              Chapter 23

Alex POV

                      Tatlong araw na rin ang nakakalipas nung umamin si Minho, Medyo naging busy siya sa career niya. Pero ngayong araw na ‘to, pupuntahan na namin yung mama niya.

 “ Huy ‘wag ka ngang kabahan!” sigaw sakin ni Ella, kasama ko kasi siya ngayon sa kwarto ko para mamili ng damit na susuotin.

“ Sana nga Ella, kaso parang di ko kaya!”

“ Kinaya mo ngang magkaron ng boyfriend na artista, tapos sa mama niya lang takot ka!”

“ Ella naman eh!”

***

“ Andito lang ako huwag kang mag alala” nakangiting sabi sakin ni Minho, Pasakay kami ngayon sa kotse niya.

“ Alam ko yun! Ano ka ba?”

“ Boyfriend mo diba?” Nagsitaasan yung dugo ko sa pisngi ko, Minho kasi pinapakilig ako!

“ ‘to naman kinilig agad, pano ba yan kapag kinasal na tayo, edi araw araw nasa taas yung mga dugo mo hahahaha!” sabi niya, umiling na lang ako sa kanya at sumakay ng kotse, kaso pinigilan niya ako at siya ang nagbukas ng pinto ng kotse. Nag blush nanaman tuloy ako.

Huminga ulit ako ng malalim dahil kinakabahan nanaman ako, pano kung di ako tanggap ng mama niya? O kaya naman ayaw sakin?

“ Huy wag ka ngang magi sip ng masama” sabi ni Minho sabay hawak sa kamay ko.

“ Ang bilis mo naman mabasa yung nasa isip ko” pabiro ko sa kanya.

Habang palayo kami ng palayo sa bahay namin, nalo akong kinakabahan.

***

“ Si Mama asan?” tanong ni Minho sa Maid nila.

“ Nasa Sofa po”

Di nag tagal hinila na agad ako ni Minho. Nalong humigpit yung pag hawak niya sa kamay ko.

“ Ang lamig tuloy ng kamay mo” bulong niya sakin, nag sorry ako sa kanya dahil kapag kinakabahan ako, nanlalamig yung mga kamay at paa ko.

“ Ma?” sabi ni Minho, tumayo ang isang babae at lumapit samin.

“ Minho! Anak!” sabi niya, Tumakbo agad siya para yakapin si Minho, napahiwalay tuloy ako ng hawak kay Minho.

“ Ah Ma, girlfriend ko pala” pag papakilala niya sakin, Tumingin sakin yung mama niya at ngumiti.

“ Hi Hija” sabi niya sakin. Medyo nawala yung kaba ko at umupo kami sa sofa.

“ So, siya pala yung girlfriend mo” panimula ng mama niya. Nag nod si Minho at uminom ng juice galling sa maid nila.

“ Akala ko pa naman si Yuri yung ipapakilala mo sakin” sabi ng mama niya, Nabigla ako sa sinabi niya at pati narin si Minho.

“ Ma! Ano ka ba, Hiwalay na kami nun!” sabi ni Minho.

“ Alam ko, pero mas gusto ko siya” diretsong sabi ng mama niya.

Aray ha! Di ba niya alam na nandito yung girlfriend ng anak niya? Kung pag usapan nila si Yuri parang wala ako dito!

“ Ma stop” seryosong sabi ni Minho, Humigpit nanaman yung pag hawak niya sa kamay ko.

“ I’m just Kidding! Ok Minho kunin mo muna yung mga gamit mo na naiwan mo dito” sabi ni Minho, Nag nod si Minho. Bago siya umalis hinalikan niya ako sa noo at umakyat. Ito yung ayaw ko eh! Kaming dalawa na lang ng mama ni Minho ang nandito.

“ Ah hija pwede ka ba bukas?” pag open up ng mama niya.

“ Pwede naman po”

“ Sige, bukas pumunta ka dito at huwag mong sasabihin kay Minho na pupunta ka dito, may mahalaga tayong pag uusapan”

“ Ano po bang pag uusapan natin?”

“ Ayako sayo, di kita gusto para sa anak ko, kaya pumunta ka dito bukas para mapag usapan natin yang relasyon niyo” sabi niya sabay tayo.

Nabigla ako at di makapag salita sa narinig ko, Ayaw sakin ng mama niya? Pero bakit naman?

==========================================

Thanks for reading guys! Naka 1000+ na reads napala ‘to kaya thank you po!

I’m waiting for your vote and comment! ^_^

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon