Chapter 31

184 6 0
                                    

Sulli's Point of view.

Nakatingin lang ako sa kanya, at nakatingin rin lang siya sakin. Totoo ba itong well? nakng putcha! si Minho ang una kong nakita!

"Anong ginagawa mo dito?" siya agad yung unang nagsalita sa'ming dalawa.

"Nag ikot-ikot lang, ikaw anong ginagawa mo dito?" imbis na sagutin niya yung tanong ko, nagtanong ulit siya.

"Naniniwala ka sa well na 'yan?" oh diba? di ba naman sagutin yung tanong ko sa kanya.=____=

"Hindi, ikaw ba?"

"Oo." Napalaki yung mata ko nung sinabi niya yon. Talaga? edi nag-wish siya kanina dito?

"Sinong nakita mo?"

Di niya na nasagot yung tanong ko kasi tinawag na siya ni Onew. Nag-goodbye siya sakin tapos umalis na. Diba ang saya?=____=

Di man lang sagutin yung tinanong ko sa kanya!

Naglakad-lakad na lang ulit ako. Sayang naman diba kapag di ko pa ito nilubos. I'm sure next week magiging busy na ulit kaming lahat. Meron ata kaming gagawing show about sa buhay namin ngayong kpop star na kami. Marami kaming kpop groups na makakasama syempre. Napatigil ako sa paglalakad nung nakita kong magka-usap si Tita Kayla at Krystal. Nagtatawanan Sila at nakaupo pa sa swing. May mini playground pala dito, di ko napansin.

Naiinggit ako kay Krystal ngayon, buti pa siya tanggap ng parents ng lalaking gusto niya, samantalang ako hindi. Sana tinanggap na lang ako ng mama ni Minho dati edi sana kami pa ngayon diba? Pero masaya naman ako ngayon kasi masaya na siya sa career niya. Ngumiti na lang ako kahit pilit. Sana maging masaya ka Krystal.

***

"Good evening everyone, I'm so glad that all of you came! Enjoy the party!" sabi ni Tita Kayla sa may stage. I don't know pero ang saya ng feeling ko ngayon. Katabi ko kasi Minho sa table. Ayiieee! kinikilig ako!

"Kilig to the bone? baka mamaya mamatay ka na niyan!" bulong sakin ni Krystal. Langya toh, naninira ng moment.

Iinom sana ako ng drinks kaso wala na palang laman kaya kukuha na lang ako, masyado kasing busy yung mga staff dito. Nakita ko yung baso ni Minho na wala na ring laman.

"Kukuha ako ng drinks, gusto mo kuha na rin kita?" tanong ko sa kanya, tumingin siya sakin at ngumiti. Grabe, ang cute niya kapag nakangiti. Namimiss ko tuloy siya. O____O opppssss!!!!! Di ko siya namimiss!!!

"Okay." hay, tipid parin siya kung sumagot. Pero okay lang, nginitian naman niya ako.

Kinuha ko na yung baso niya at yung baso ko. Pumunta ako dun sa may drinks station at kumuha ng drinks. Bumalik na agad ako sa table namin at umupo.

"Drinks mo oh." inabot ko kay Minho yung drinks niya at nag-thank you.

Psh, tipid talaga. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Bad trip ako eh. Bakit kaya?

Pumunta ako sa loob ng bahay since pwede namang pumasok.

***

"Sulli! pinapatawag ka ni Manager." napa-sighed na Lang ako sa sinabi ni Krystal. lam niyo yung feeling na tinatamad ka? tapos tatawagin ka? saklap.

"Geh."

Pumunta na ako dun sa office ni Mr. Kim. Ka bad trip di pa ako nakakamove on dun sa party eh. Sarap bumalik.

"Bakit niyo po ako pinapatawag?" tanong ko sabay upo dun sa couch niya. Close kami niyan wag kayong mag-alala.

"Sulli naman! huwag mong higaan niyang couch ko! bagong bili ko yan!" sigawan ba naman ba ako=___=

"Ano po ba kasi yon? kailangan ko pang pumunta dito."

Naging seryoso yung mukha niya. Hala~ mukhang may problema. Napaupo ako dahil baka seryosong problema itong pag uusapan namin.

"We chose you and Minho to be the characters of the Korean version of Hana kimi." Napatayo ako sa narinig ko.

"Bakit po ako?!"

"Mukha ka kasing lalaki! hahaha!" napa- face palm ako dun sa sinabi niya. Aray ha!

"Kaasar ka naman po eh! nagtatanong ng maayos yung tao!"

"Sorry! its just, may parang sparks sa mata niyong dalawa na, nagsasabing mahal niyo ang isa't-isa pero ayaw niyo pang umamin. Kaya kayo ang napili namin! Congratulations Sulli!" Lumabas siya na office niya after he said that. Aish! pumayag ba ako?!

=======================

Thanks for reading ah~

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon