Chapter 49

104 6 3
                                    

Sulli's P.O.V

Dadalhin ko siya sa Namsan tower? Magandang idea ba yun? Hindi ako sigurado kung kaya ko siyang yayain, May tampo nga sa'kin diba? At tsaka nakakahiya, Ako yung babae tapos ako yung mag-yayaya ng date.

"Napag-isipan mo na? Gagawin mo ba?" Tanong ni Hyun Woo.

"Pinag-iisipan ko pa nga lang eh, Nakakahiya naman kasi. Ako yung babae tapos ako yung mag-yayaya ng date." Parang sasabog na ako dito sa pag-iisip. Ang hirap palang mag-isip ng peace offering.

"Dadalhin mo lang naman siya 'dun ah? Anong nakakahiya?"

"Ako nga kasi yung babae," Tumingin sa'kin si Hyun Woo na nagtataka.  

"Di ko makuha yung point mo, Ano naman kung babae ka?" Huminga ako ng malalim. Bakit di niya makuha yung point ko? Ah! Alam ko na, Lalaki kasi siya. Magkaiba ang opinyon nang babae sa lalaki eh.

"My point is, Dapat lalaki ang nag-iimbita sa babae kapag may date sila. Bababa kasi ang tingin sa'ming mga girls kapag kami ang nag-invite sa isang guy na mag date." Mukhang nakuha naman niya yung point ko kasi di agad siya nakasagot. Nag-isip pa siya nang konti para sagutin ako.

"So, Dapat lalaki ang nag-e-effort sa isang relationship? Sa sinasabi mong 'point' mo, Dapat lalaki lang ang gagawa ng first move at hindi kayong mga girls. Parang ang unfair, Bumuo kayo ng isang relasyon pero isa lang gumagawa na mga moves na makakapag-paganda sa relationship niyo. Kapag nagtampo kayo, Dapat suyuin namin agad kayo? Kahit na may kasalanan rin kayo? Dapat, Kung papasok ka sa isang relasyon, Dapat parehas niyong gustong maging 'perfect' yung relationship niyo. Hindi yung lalaki lang o babae lang ang kikilos. Dapat parehas kayo."

Kahit na napakahaba ng sinabi ni Hyun Woo, Naintindihan ko naman. Ang talino rin naman pala nito eh! Tama naman siya eh, Dapat kumikilos rin ang mga girls sa pag-aayos ng relasyon nila. Dapat mag-effort rin tayo. Wala namang relasyon ang gumaganda kung isa lang ang kumikilos.

"Natahimik ka diyan, Tama ako noh?!" Sinimangutan ko na lang siya. Tama rin naman siya eh!

"Oo na, Tama ka na. Sige, Dadalhin ko riya sa Namsan Tower. Masaya ka na?"

Nag thumbs up siya sa'kin. Nginitian ko na lang siya. Sana mamaya maging okay na. Promise talaga, Hindi ko na kakalimutan yung monthsary namin at annivesary!

* * *

"Kanina ka pa paikot-ikot Sulli! Nakakairita na!" Di ako makapili nang susuotin ko para mamaya. Kinakabahan pa ako! Hindi ko pa nga na-i-invite si Minho eh!

"Jinri wala akong mapili! Help naman oh." Nailabas ko na ata lahat nang damit ko dito sa closet pero wala pa rin akong mapili.

"Natataranta ka kasi, Pipili ka na nga lang di mo pa magawa. Patingin nga!" Tinignan niya nang maigi yung mga damit ko. May kinuha siyang isang black dress. Simple lang siya pero elegant ang dating. Medyo maikli nga lang; Above the knee yung haba.

"Wear this later." Tinignan ko yung damit at umiling. Hindi ko susuotin yan!

"No freaking way! Ang ikli kaya niyan!"

"Kung ayaw mo nito, Bakit meron ka nito sa closet mo?!" Nakakatakot na si Jinri kaya kinuha ko na yung damit.

"Aayusan pa kita kaya dalian mong magbihis diyan." Pumasok na ako sa banyo para maligo, Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na yung damit. Bago ako lumabas, Tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin. Ang ganda nang taste ni Jinri, Bagay nga yung damit sa'kin.

Pagkalabas ko nang banyo, Inayusan agad ako ni Jinri. Kung ano-ano yung pinaglalagay niya sa mukha ko. Inayos rin niya yung buhok ko, Medyo kinulot rin niya yung dulo nang buhok ko.

"Ang ganda mo na," Dinilat ko na yung mga mata ko. Tama nga si Jinri, Ang ganda ko na.

"Thank you, Sis!" Niyakap ko siya bilang pasasalamat. Ang swerte ko naman at may kapatid ako na katulad niya. Mayamaya, Biglang may nag-doorbell. Nagkatinginan pa kami ni Jinri bago siya nagsalita.

"Andyan na ata yung sundo mo," Ngumiti siya sa'kin at hinila pababa. Sundo? Ako ang mag-susundo diba?

"Sino?" Tinanong ko siya pero di siya ako sinagot. Bago niya buksan yung pinto, Inayos niya muna yung buhok ko na nagulo.

"Hindi ko naman hahayaan na ang kakambal ko ang magsusundo, Hindi bagay sayo."

Magtatanong pa sana ako kaya lang bigla niyang binuksan yung pinto. Nagulat ako at si Minho yung nasa labas, Nakangiti siya sa'kin at may hawak na boquet of flowers. Nakaitim rin siya katulad ko, Ang gwapo niyang tignan sa suot niya. Nakatulala lang ako, Di ko inaasahan na dadating siya. Ako yung may plano nang date pero siya ang sumundo.

"Surprise?"

=========================

A/N: Malapit na ang ending! Thanks sa laging nag-co-comment dyan, pati na sa mga nag-vo-vote!

May clue na ba kayo kung sino ang antagonist?

Clue: Starts with letter 'T'.

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon