Chapter 41

168 4 2
                                    

Minho's POV

"Sulli will be Goo Jae Gee and Minho will be Kang Tae Joon and blah blah blah." Di ko na maintindihan kung ano man yung sinasabi ni Manager, basta ang alam ko lang kami lang ni Sulli yung maka love team sa show and blah blah blah.

"Hoy, Tinatanong ka." Nakarinig naman ako ng isang mala-anghel na boses, at galing pala yon sa pinakamamahal kong babae.

"Ano daw?"

"Tinatanong ka kung marunong ka daw mag high jump." Low jump lang ang kaya ko. Geh, corny ko. Tawa na kayo.

"Medyo po." Napangiti naman yung mga tao dito. Marunong naman akong mag-high jump eh. Atheletics kaya toh!

"Akala ko hindi eh, Pangit naman kasi kung ang leading man ay hindi marunong mag- high jump. Panira lang sa show." At isa pa ito sa kinaiinis ko, Kuya ni Sulli yung Pinaka manager dito. Siya ang nag-aayos ng lahat-lahat. Lahat ng utos niya ay dapat masunod dahil kung hindi, Your Fired!

"Marunong naman po ako." Pero kahit na masungit yan, kailangan kong maging mabait dyan. Kuya yan ni Sulli eh!

"Di ko tinatanong." Ngumiti na lang ako kahit SOBRANG pilit. Mahaba pa naman ang pasensya ko, MAHABA PA!

"Mr. Choi, pwede po na bang ituloy yung pagsabi sa kanila ng plot ng story?"

"Oo/Yes." Sabay pa kami ni Kuya Harry na nagsalita, Argh! Di lang pala ako ang CHOI dito!

"Mr. Choi Minho, Di lang ikaw ang Choi dito. Kami rin ni Sulli, Listen okay? Listen. And the director was looking at me when he said 'Mr. Choi' not to you." Okay, Mahaba-haba pa rin naman ang pasensiya ko. Kaya ko pa nanan ngitian ang kuya niya.

"Sorry, Akala ko, ako yung tinatawag." Nakangiti pa rin ako.

"Tuloy mo na."

***

"Sorry sa inasal ni kuya ah." Sabi ni Sulli sabay yakap sakin. Kakatapos lang nang meeting namin about sa gagawing show. Una nga ayaw ng kuya ni Sulli eh, Gaganap daw na lalaki yung kapatid niya. Inaalagaan daw kasi ng parents nila yung mahaba at magandang buhok ni Sulli, pero sa huli pumayag pa rin ito. Para naman daw sa Company.

"Okay lang,"

"Hehe. Gusto mong kumain sa labas?"

"Oo naman." Ngumiti siya sakin at hinalikan ko naman siya sa noo. Buti na lang sweet itong si Sulli kung hindi, Baka nilayasan ko na yung kuya niya.

Palabas na sana kami ni Sulli ng may narinig kaming nagsalita.

"Sulli, Let's have lunch!" Sabay kaming napatingin ni Sulli sa Kuya niyang biglang sumulpot. Nagmukha tuloy kabute.

"Ah okay, pero kasama si Minho." Nawala naman agad yung ngiti ng kuya niya at masamang tumingin sakin, Haha! Akala mo huh?!

"Okay," Bagot na sabi ni kuya niya at lumabas na kaming tatlo sa conference room.

"Aray!/Ouch!" Sabay kaming dumaan sa pinto ni Kuya Harry kaya di kami nagkasya.

"What the hell! Move!" Tinutulak-tulak pa niya ako huh!

"Aray! How can I move if both of us are still moving like that!" Teka, kung makapag-english ako akala mo tama yung grammar ko eh. Tama ba? Naku baka mali, nakakahiya!

"Tss. Whatever." Biglang siyang lumihis kaya nakalabas agad siya. At ako,

Lukot na lukot yung polo ko!!

***

"Uwow! Japanese Resturant!" Ang cute-cute talaga ni Sulli! Kaya naiinlove ako sa kanya eh! Aakbayan ko na sana si Sulli kaso biglang hinila siya ng kuya niyang asungot!

"Yeah, I heard that their food was so delicious that's why I brought you here." Kuminang nanaman yung mata si Sulli. So ganun? Third wheel ako dito?

Pumasok na kami nila Sulli sa Japanese Resturant. Yung upuan dito, yung unan lang? Basta alam niyo naman kung paano kumain ang mga Japanese.

Binigyan kami ng Menu para makapili ng pagkain, At grabe! Sobrang mahal! Di ko afford dito, shet!

"What do you want, little sis?" Napatingin ako kay Sulli na namimili ng pagkain. Di ba siya namamahalan? Sobrang mahal kaya! Ay, mayaman nga pala si Sulli mula pagkabata kaya barya lang sa kanya yan. Pero sakin? Pwede na yang pang date!

"Beef Teriyaki na lang, ikaw Minho? What food do you want?" Napanganga naman ako, napapa-english na rin si Sulli!

"Busog pa ako." Kahit na gutom na gutom na ako.

"Don't worry, My TREAT naman eh." Diniinan pa talaga niya yung TREAT! Ano akala niya sakin? Poor? Ngumiti na lang ako ulit ng PILIT.

"Katulad na lang nung kay Sulli." Bigla naman napangisi yung kuya ni Sulli, Kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.

"Hahaha! You're so funny, Mr. Choi. Beef Teriyaki yung in-order ni Sulli, Beef Teriyaki ang tawag dum. Di ka pa pala nakakain sa mga ganitong resturant, Buti na lang, Ililibre kita." Buong pagtataka naman ang nasa mukha ko ngayon, Di ko gets yung sinasbi ni kuya Harry. Ano daw?

Dumating na yung mga order namin pero di ko parin gets yung sinasabi niya, Anong buti na lang nilibre niya ako? Napailing na lang ako at kumain pero maya-maya.

Narealized ko na rin yung ibig sabihin ng kuya niya, Ngayon lang daw ako nakakain sa ganitong klase ng kainan at Beef Teriyaki lang di ko pa alam!!!! Shet! Nakakaasar ah!

***

Sa wakas, tapos na kaming kumain. Pero di parin nawawala ang pagkainis ko sa kuya niya, Hmp!

Pumunta na kami sa counter para magbayad, pero nanguna si Kuya Harry sa pagbabayad.

"How much?" Desidido talaga siyang magbayad huh?

"5,816.00 Pesos, Sir." What?! 5,816? Huta! Ang mahal!

"Wait, I will help you to pa-" Di na natuloy yung sasabihin ko sa kanya dahil bigla niyang iniharang yung kamay niya sakin.

"No, It's okay." Inilabas niya yung wallet niya at kinuha yung black card niya.

B-black card?! Edi siya na ang mayaman!!!

=========================

A/N: Sino nakamiss ng POV ni Minho? Taas kamay! Haha jk. Musta naman Minho sa kuya ni Sulli? Hehe, isang malaking hadlang! hehe kbye.

PS: Choi Siwon as kuya Harry.

PPS:Vote and comment guys ah! Para sipagin akn haha! Busy lang sa School kaya di nakakapah-update!

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon