Chapter 43

130 6 3
                                    

Krystal's P.O.V

"Kaya ka ba pumunta dito, para bantayan si Sulli?" Tanong ko kay Yuri, Papunta kami ngayon sa Pharmacy para ibili ng gamot si Yanyan sa mga sugat niya. Hanggang ngayon kasi, Di pa siya bumabangon.

"Oo, andito kasi siya ngayon. Kaya dapat doble yung pagbabantay natin."

"Ah okay, Sa tingin mo, Sino kaya yung gumawa nun kay Yanyan?" Nagkibit-balikat siya at kinuha yung mga gamot na kailangan ni Yanyan.

"Kawawa naman si Yanyan, Bakit naman may biglang gagawa sa kanya nun?"

"Yun nga rin yung di ko alam, Kataka-taka naman kasi eh. Wala namang kilala si Yanyan dito, Bakit may gagawa sa kanya nun?" Nag nod na lang si Yuri at nilagay sa counter yung mga kailangan ni Yanyan. Naiwan na ako na nakatayo dito at nag-iisip.

Sino ba kasi ang gumawa nun?

Sulli's P.O.V

"LuHan, Gising na si Yanyan." Nakahinga na nang maluwag si LuHan at ngumiti.

"Thanks, Pero di muna ako papasok." Napakunot naman yung noo ko at tumingin sa kanya.

"Bakit?"

"Ayoko ko munang makita yung mga sugat niya, Masasaktan lang ako. At tsaka, Baka mag-init pa yung ulo ko kapag nalaman ko kung sino ang gumawa nun."

Pagkatapos nun, umalis na siya nang nakapamulsa. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa kwarto kung saan natutulog si Yanyan. Napagpasyahan namin na, dito sa dorm ng f(x) namin siya muna patulugin. Tinignan kong mabuti si Yanyan, mahimbing siyang natutulog na akala mo ay walang nangyari sa kanya. Siguro kaya siya nagustuhan ni LuHan ay dahil matapang siya.

"Sulli!"

"Ay palakang unggoy!" Napatakip agad ako nang bibig ko at dali-dali tinignan si Yanyan. Sino ba naman kasing biglang manggugulat?

"Minho, Huwag ka ngang maingay!" Sinara ko agad yung pintuan para di marinig ni Yanyan yung ingay ng lalaking ito.

"Ay sorry, hihi." Para siyang tangang kinikilig dun sa isang tabi. Kagat-kagat niya yung thumb niya at kumekembot pa na akala mo kinikiliti.

"Ano kailangan mo?"

"We talked! Ahihi." Ano bang problema nito? At sinong kinausap niya?

"Huh?" Tuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Si Kuya Harry! Payag na siya, Pwede na tayong magpakasal!" Dali-dali ko siyang binatukan at baka magising si Yanyan. Pero napangiti pa rin ako, Okay na si kuya kay Minho and it means na, Napatawad na niya yung ginawa nang mama niya!

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon