Chapter 46

128 4 3
                                    

Sulli's P.O.V

Tahimik lang kaming apat na nakaupo. Ni isa sa amin walang nagsasalita, Syempre, Sino bang hindi magugulat na may kakambal pala ako. And think of it, Ngayon ko lang siya nakita.

"Tss. Usong magsalita, Bakit natahimik kayong lahat?"

"Jinri..." Bulong ni kuya. May pagkamaldita pala ito eh!

"Uhm... Kuya, Mind to explain?" Tumango si kuya at umayos ng upo, Napatingin naman ako kay... Err... Kay Jinri. Para akong nakatingin sa salamin, Iisa lang talaga ang mukha namin. Ang pinagkaiba lang namin, Masyado siyang girly. Naka eyeliner pa nga eh!

"Staring is rude, You know." Tinaas-baba pa nga niya yung kilay niya. Napaiwas na lang ako ng tingin at tinignan si kuya, Maldita siya ah!

"Uhm...Sulli, Siya si Jinri. You twin."

"What's her name?" Bulong ni Jinri, Pero rinig ko.

"She's Sulli." Dumating na yung in-order namin. Beef Teriyaki lang ulit yung in-order naming lahat.

"What the hell is that?" Parang iritang-irita si Jinri dun sa pagkain. Masarap naman yun ah?

"Beef Teriyaki." Ako na ang sumagot kasi busy si kuya sa pagkain.

"Beef? No way. I'm on diet." Medyo nilayo niya yung pagkain sa kanya. Nagulat naman si kuya at si Minho.

"Masarap yan," Sabi ni Minho, Napatingin naman si Jinri sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Woah, I thought tatlo lang kami dito. Apat pala?" Parang nang-aasar si Jinri dun. Napatahimik naman si Minho, Nagiging bad na siya ah!

"Jinri, Stop. Umiiral nanaman yung kamalditahan mo." Bagot na sabi ni kuya. Tinarayan lang siya ni Jinri at nagsimula nang kumain. Puro gulay lang yung kinain niya. Diet nga daw diba?

"So kuya, Bakit ngayon lang kami nagkita ni uhm... Jinri?" Nahihiya pa akong banggitin yung pangalan niya. Di pa kasi kami close.

"Okay. Sulli, Naaalala mo nung nagka-amnesia ka?" Tumango ako at sumubo ng pagkain.

"You forgot Jinri, Too." Tumingin ako kay Jinri at nahuli ko siyang nakatingin sakin. Umiwas siya ng tingin sakin at tumingin sa malayo. Ang lungkot ng mga mata niya, Ewan ko ba pero, Parang nasasaktan siya?

"Bakit... Di mo pinaalala sakin, Kuya?" Magsasalita na sana si kuya kaya lang, Pinutol siya ni Jinri.

"Ako ang may sabi na huwag akong ipaalala sayo. Ano pa bang magagawa ko? Nakalimutan mo na nga kami diba? Bakit ko pa ipagsisiksikan yung sarili ko sayo?" May namumuong luha na sa mga mata niya. Naaawa ako kay Jinri, Masyado ko ata siyang nasaktan.

"Jinri, I'm sorry."

"Wow! Ano pang magagawa ng 'sorry' mo ngayon?! Ikaw ang best sister, best twin, and bestfriend ko nung bata pa tayo! Pero ano? Kinalimutan mo ako! At ang mas masakit pa dun, Kasabay na pagkawala ng memorya mo ang pagkawala nila mommy! Akala ko makakaramay kita, Akala ko ikaw ang tutulong sakin para maka move-on, Ayun pala, Isa ka sa magbibigay sakin ng sakit! Sobrang saya ko nung nalaman ko kay kuya na nakaka-alala ka na, Pero mas inuna mong hanapin niyang Lulu mo kaysa sakin!" Parehas na kaming umiiyak ni Jinri ngayon. Grabe, Feeling ko ang sama-sama kong tao. Bakit di ko siya maalala? Bakit? Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito, Narinig kasi nila yung pagsigaw ni Jinri.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO DIYAN?! MIND YOUR OWN BUSINESS!" Natakot ata yung mga tao sa kanya, Napaiwas kasi agad ng tingin.

"Jinri, Calm down. Look, I'm sorry kung nakalimutan kita. I'm sorry if I lost our precious memories. If you want, Let's start creating our new sweet memories? Eh?" Ngumiti ako sa kanya at inilahad ang aking kamay.

Tinignan niya lang yung kamay ko, Pero maya-maya, kinuha niya rin ito.

"Yeah, Of course. I'm Alexandra, But I much prefer to call me Jinri. And you are?"

Napangiti agad ako.

"I'm Alexandria, Call me Sulli. Mas kilala ako dun."

***

"Hoy! Anong problema mo?" Nasa park kami ngayon ni Minho, syempre patago pa rin.

"Wala!" Hala! Bakit naging masungit toh?

"Ano bang problema mo? Bakit ang sungit mo?" Naupo ako sa tabi niya, Damuhan naman eh kaya malinis.

"Wala!Nakalimutanmonanaman!" Huh? Ano daw?

"What?"

"Wala! Isipin mo kung anong meron sa araw na ito!"

Iniwan niya ako, Napasimangot na lang tuloy ako. Ano bang meron ngayn? Napahiga ako dito sa damuhan. Makapag-isip nga kung anong meron ngayon.

Oh my gosh! Alam ko na! Anniversary namin ngayon!

==========================

A/N: Kung panget ang update, Sorry! Hahaha mabilisang update lang ang ginawa ko kasi may nakahula na kung sino ang nanakit kay Yanyan and yung may galit kay Sulli! Congrats Cha_Vhea!

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon