Chapter 40

190 5 7
                                    

Someone's POV

"Napuruhan mo ba?" Tanong ko dun sa babaeng inutusan kong sagasaan ng motor si Sulli.

"I'm sorry, hindi ko siya totally nasagasaan." Halos sumabog na ako dito sa inis. Ang Tanga! Napaka!

"Alam mo naman siguro kung anong tawag sayo diba? Ano ka?"

"Tanga po." Nakayuko na siya sakin, natatakot ata. Well, tama lang siyang matakot sakin. Di niya kasi alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.

"Alam mo pala eh, pero bakit di mo pa tinuluyan?!" Nasampal ko na siya sa inis. Napaka walang kwenta. Sayang lang ang binabayad ko dito.

"S-sorry, di ko rin po kasi magawa dahil kasama niya yung boyfriend niya." Boyfriend? Hmmm, baka si Minho. Ay teka, malandi nga pala yon. So ibig sabihin, pwedeng si LuHan o Minho.

"Sino?"

"LuHan po ata." Pagkatapos niyang magsalita, bigla na lang may dumapong kamay sa mukha niya. Alam niyo naman siguro kung ano ang ibig sabihin nun?

"Tanga ka talaga noh?! Kita mong nasa ibang bansa ngayon ang Exo!" Nasampal niya ulit yung babae, grabe naman talaga itong ka-member ko, basta kay LuHan nagiging bad.

"S-si C-choi M-minho p-po p-pala." Huminga muna siya na malalim at umupo sa may couch dito.

"Kausapin mo nga muna yan!" sabi niya sakin, nag nod na lang ako at lumapit dun sa babae.

"Di mo man lang nasugatan o nasaktan?"

"Natamaan po siya ng motor ko, at ang alam ko po, nahimatay siya." Nahimatay? Pwede bang alisin na lang yung nahi, tapoy iwan na lang matay? Then add the 'ma' para maging mamatay? Aha! What a good idea!

"Umalis ka na nga sa harapan ko." Umalis na agad yung babae at kaming dalawa na lang ni bff ang nandito.

"Ano nang plano?" Tanong niya sakin, nagkibit balikat ako at umupo sa harapan niya.

"Di ko pa alam, basta ang gusto ko, mawala siya sa landas ko."

Sulli's POV

After 2 weeks.

"Sulli! Andyan yung kuya mo!" Napatayo agad ako mula sa kinahihigaan ko at hinarap si Krystal.

"Talaga?! Asan?!" Niyugyog ko siya nang niyugyog. Hala! Di pa ako ready makita si kuya, medyo halata pa kasi yung sugat ko sa paa at alam kong di niya ako titigilan hangga't di ko sinasabi sa kanya yung totoong rason.

"Oo nga! Nag text sakin eh, Di ka daw niya kasi ma-contact." Napatingin agad ako sa phone ko sa may tabi ng kama ko, nilapitan ko ito at nakita kong may 67 missed calls! Patay!

"Naka-silent kasi phone ko eh! What time ba daw siya uuwi?" Kailangan makapag-ready ako, di pwedeng mapansin ni kuya na may sugat ako. Napaka-protective pa naman nun!

"Nasa flight na daw siya ngayon, baka mga hapon siya siguro uuwi." Napatango na lang ako at dali-daling naghanap ng pang-ibabang damit. Kailangan ko itong matakpan!

"Sulli, di ka ba natatakot?" Napahinto ako sa paghahalukay ng damit at kunot-noong napaharap sa kanya.

"Huh? Bakit ako matatakot?"

"Yung nangyari sayo, di ba nakakatakot yun? Na baka pwede ulit mangyari?" Napaisip ako dun ah, Kinalimutan ko na nga yung insidenteng iyon eh. Kasi baka di naman sinasadya yun nung nakabangga sakin. Pero, bakit di niya ako binalikan agad? Tsaka ano namang rason para gawin niya sakin yun?

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon