[1] Bida ng Kwento

170 8 1
                                    


--

[STEPHANIE's PoV]

Nandito ako ngayon sa paaralan kung saan may pumapasok na estudyante. Magara akong naglalakad sa may hallway. Chos! SINO SA TINGIN N'YO ANG KAYANG MAGLAKAD NG NAPAKAGARA KUNG KANINA KA PA IKOT NG IKOT AT HINDI MO MAHANAP ANG ROOM MO?! ALL CAPS PARA INTENSE.

*breathe in*

So, yun nga, I'm finding for my effin' room and I can't find ways to let you go~ Kanta yan, huwag kang tanga! Ugggh. This is the last but not the least building na pupuntahan ko at kapag wala rito yung room ko, ibig sabihin sawa na ang aking mga magulang na pag-aralin ako kaya gagawin na nila akong palaboy sa kanto. Chos ulit!

*breathe out*

Well, ang sipag ko dahil naikot ko na 'tong buong campus na mas malaki pa ata sa White House namin. Oh, kala n'yo kay Obama? Ah, PAHIYA! Back to what I am saying, ang sipag ko 'no? Syempre nung nagpaulan ng kasipagan sa mundo, nilunok lahat ni Mama ang kasipagan, then dumaan sa throat n'ya down to her esophagus then shoot, sa placenta kung saan ako nakabalot.

Tiningnan ko yung room na katapat ko.

[Autumn Bldg: Room 188 Class Z]

Class Z?! Dito na lang ako! Leveling, ganern!

Eto na naman ang mahiwagang pang-iskwater na katok ko.

*BZZZZT*

Aay. Bastusan?! Kakatok pa lang sana ako nang biglang magvibrate yung phone ko. Kinuha ko yung phone sa bulsa ng uniform ko.

-1 Message Received-
From: Mahaderang Mader
Autumn Bldg: Room 26-Class A ang room mo.

Nyemas naman 'to si Mama. Kung kelan nalibot ko na ang buong campus at puro paltos na paa ko saka lang nagtext. Hmp, sarap ibato nitong 3210 kong phone. >,<

Hinanap ko na yung room ko at ang leche, nasa pinakatuktok ng Taglagas na Building.

Papasok na sana ako sa loob ng room nang maramdaman kong nagvibrate na naman yung cheap kong phone. Aish, istorbo! Kaya tumigil muna ako sa pagpasok at kinuha yung phone ko.

''Excuse me....'', a male voice said.

Nyemas! Isa pa 'to. Kitang may ginagawa e.

''Daan ka!'', sagot ko lang habang nagrereply kay Mahaderang Mader. Ang kulit kasi.

''AAY! LECHE!'', sigaw ko nang biglang dumaan yung lalaki kaya natumba ako at yung 3210 kong phone ay naging tatlo. Emeyzeng.

TSK. Ang gag* nun ah! Pwede namang i-slant yung katawan para makadaan. Talk about 'makikiraan' etiquette.

Inangat ko ang ulo ko at inihipan ang bangs ko. Sa sobrang inis ko ay binato ko sa lalaking naglalakad na nakatama sa akin yung battery nung phone ko at ayun sapul sa ulo. Bwahahaha! Revenge Battery!

Napatigil s'ya sa paglalakad at napatingin naman s'ya sa akin with his bored expression.

''Problem?'', tanong n'ya.

''Remember what you've done to me. That'll answer your question, asshole!'', I answered to him.

Hmp. Kala mo ikaw lang pwede mag-English. Nag-aral kaya ako sa International school, nakicked-out lang ako. Pero past is past na.

''Ugly..'', wala sa usapang sagot niya. Look who's doing a character assassination. Guilty people's bad habit.

Tiningnan ko naman s'ya mula ulo hanggang paa, pero ang dating ng tingin ko ay hanggang sa critical part n'ya.

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon