Is It Real?

1.7K 32 3
                                    

Alyssa's POV

Nang bumukas ang pinto...

"Hi." Tinignan lang kami ni Den at tumaas na siya at binitbit ang gamit niya. Naiwan kaming may awang ang bibig sa nangyari.

Dumaan ang katahimikan sa paligid.

"Am I a factor?" Nakayukong tanong ni Jon. Halatang nahiya.

"Factor in what?"

It didn't take me long to realize what he meant.

"Oh... N-no. You're not. She's just like that..." I don't know if I should tell the truth to not hurt him or what.

"You know, I can talk to her if you would let me. I mean, the first time our eyes met, they had this anguished expression... you know?" Jon offered. Hah! Di pwede no! Baka mapatay pa siya ni Den!

"No! It's okay. I'll talk to her. Baka mapaano ka pa." Saad ko.

"Hmm... Okay. Pero kung kailangan mo talaga ako na ang kumausap, just let me know."

Matamang tinignan niya ako sa mga mata. At syempre, natutuwa naman akong hindi siya tulad ng iba na nagagalit kapag pinagseselosan o ano man.

Umakyat na kami para magpahinga at wala kaming balak kumain maliban nalang siguro kina Marge at Ella.

***

"Den?" Inikot ko yung buong kwarto at nakita ko na lang siya sa may bintana sa may terrace.

"What?" Iritadong isinaad niya nang hindi tumitingin saakin.

"Can we talk? About doon sa nangyari kanina?" Kabado kong itinanong sakanya.

"Go ahead."

Gosh. I'm sure it's not a permission. It's a dare. At base pa sa pagkakasabi niya, wala siyang balak pakinggan ako.

"Listen, okay?"

"Hmm..." Tumango nalang siya.

"I'm sorry kung nakipagtalo pa ako saiyo kanina. Wala naman akong intensyon na ipagpalit ka, Den." Mahinahon kong isinaad.

"Talaga lang..." Iniba niya ang pwesto niya sa pagkakaupo at tumingin ulit sa buwan na unti-unti nang sumisilip dahil papagabi na rin.

"Oo nga. At saka hindi kayang gawin ni Jon na... alam mo na. Kasi nga may kasintahan siya sa ibang lupalop ng mundo." Matawa-tawa kong ipinaliwanag ng maalala ko ang naramdaman ko nang sabihin ni Jon na may 'boyfriend' siya.

"Hmm..."

Sabi na nga ba at wala nanaman akong talab dito sa babaeng ito eh. Kung ilabas ko kaya lahat ng alas ko pagdating sa pagpapa-cute? Hmm...

Wala ako sa mood eh. Mag c-cool din siya. Kausapin ko nalang muna siya about something...

Ting! *bright idea/lightbulb flashed*

"At saka Den, saan ka nga pala nagpunta kanina nung umalis ka?" Tanong ko na parang walang nangyari.

"Sa tabi tabi lang."

Jusme! Salamat po!

“Saang ‘tabi-tabi’ exactly?” Pagpapatuloy ko.

“Since when did you care?” Malditang sagot niya saakin. Aba!

“Hmm... Since the day we were best friends. So now, saan ka ulit nag punta?”

“Sa Mini Stop.”

Ano daw? Akala ko magpapatiwakal na siya e!

“At anong pumasok sa isip mo at nag Mini Stop ka? Wala ka man lang uwi saamin?” Reklamo ko.

Can't Remember WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon