Deviate The Rules In The Book

2.5K 25 18
                                    

Fille's POV

(Thursday, 8:43)

Nagising ako sa kwarto nila Alyssa at medyo mabigat ang hangin mula dito. Napuyat ako sa kakaisip kung anong gagawin kay Aly eh. Parang nalilipat sa'kin lahat ng problema niya. Gusto ko siya matulungan. Gusto namin siyang matulungan mag-move on. Sobrang sakit ng ginawa ni Den sakanya. Nung tinulak ako ni Den papalayo, nararamdaman kong napilitan lang yun eh. Hindi ko din alam kung bakit pero... I feel na there's still hope para magka-ayos silang dalawa. Mahirap nga lang ang mga susunod na gagawin yapak ni Alyssa.

"Fille, tulungan niyo 'ko". Gising na pala si Alyssa. "Oo naman Alyssa. Hindi ka namin iiwan. Nararamdaman namin yung sakit eh. Wag ka mag-alala. Aalagaan ka namin dito." I said to make her feel safe. "Fille, bakit ganun? May kulang ba sa'kin? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako mapagbigay? Hindi ko ba siya napapasaya? Kulang pa ba yung love na binigay ko sakanya? Sagutin mo 'ko Fille." Sabi ni Alyssa. Hindi ko lang masabi sakanya kung anong ginawa ni Den nung tinanong ko siya kung napapasaya ba siya ni Alyssa eh. Baka lalo pang bumigat ang loob nito. "Alyssa, hindi ka kulang ha? Hindi niya lang nakita ng lubusan yung efforts mo kasi masyado siya busy sa social life niya. Hindi ka niya napapansin minsan and siguro yung mga kiss niya, yung mga 'i love you's niya are just some things to express her love for you. Her ordinary love. Maybe... She needs time to think of what she has to do. Let's give her that okay?" Paliwanag ko kay Alyssa.

"Let's just wait. Tama ka FIlle. Ordinary love lang yung sakanya." Sabi ni Alyssa. Idol ko din 'to sa pagtitimpi eh. Ganito niya kamahal si Den kahit gaano pa kasakit yung ginawa niya sakanya. Mabuti naman at mahinahon na siya ngayon. Wala kaming pasok lahat kaya naman kakausapin ko ang mga kababaihan kung pwede bang lumabas kami ngayon para pagaangin ang loob ni Aly. "Halika na Alyssa. Baba na tayo at kumain ka na. Hindi ka kumain buong magdamag kagabi eh." Sinabi ko sakanya at tinayo ko siya para sabay na kami bumaba.

"Oh buti naman at nagising na kayo. Wala naman kayong pasok diba? Pumunta kaya tayo sa Boston Lights?" Tanong ni Dzi samin. Gusto  din pala nila pumunta dun eh! "Uhh oo naman. Actually yayayain ko sana kayo dun eh para ma-unwind si Alyssa." Sabi ko sakanila habang kniukuha ko ng pagkain si Aly. "Ah ganun ba? Anong oras tayo aalis?" Tanong ni Gretch. "Uh kayo bahala." Sabi ko kila A. "Siguro mga 10 no?" Sabi ni A kay Dzi. "Oo pwede na yun. Kumain na muna kayo jan FIlle at Aly. Ayokong ma-badtrip ngayon." Sabi ni Angeline. Tumingin ako kay Dzi. "Dzi naman. Don't bring that up please?" I told her kasi baka biglang mag activate ang senses ni Aly at magwala 'to. Magbabasag talaga 'to ng pinggan pag nangyari yun. "Sorry Fille. It's just that nakakainis eh." Tapos umakyat na siya para maligo tapos sinundan siya ni A.

"Oh Alyssa, kain na kayo oh." Sabi ni Gretch. Binigay ko na yung pagkain ni Alyssa tapos hinila ako ni Gretch sa wash room. "Oh Gretch, may problema ba?" Tanong ko. "Fille, nag aalala ako kay Alyssa. Kahapon kasi diba may subject akong meds? Tapos dinaan ako ni professor sa records nila. Na-curious ako kaya pumunta ako sa V section. Hinanap ko si Valdez. Nung nakita ko na, I browsed for early and presented illnesses. Nagulat ako kasi meron siyang arrhythmia. Pag na de-depress siya or something, magiging irregular yung heartbeat niya. Kapag nangyari yun, pwede mag shut down yung katawan niya or ma-damage yung brain." Paliwanag ni Gretch. "Ha?! Eh... Pano yun? So in her situation, likely to occur yun?! Aba'y walanghiyang sakit yan ah!" Tinakpan ni Gretch yun bibig ko. "Ano ba Fille! Wag kang maingay!" Sabi niya saakin at inalis na ang kamay niya sa bibig ko. Biglang nagbukas yung pinto. "It's okay guys. Rinig na rinig ko kayo. Hindi naman siya gaanong umaatake pero I need to be careful lang. Buti hindi ako masyadong apektado ngayon nito. Saan na ba tayo pupunta at tapos na ako kumain?" Huh? Nagtataka ako. Ang bilis niya magsalita na parang walang nangyari. "Ah--Eh... Maliligo na 'ko. Maligo ka na din. Hahaha--ha." Ano ba ako! Ako tuloy yung nag stutter. "Okay sige. Bilisan niyo ah. Baka mamatay ako dito sa sakit." Sabi ni Aly na may halong pait at pagloloko.

Can't Remember WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon