Den's POV
School Day, 6:30 AM
Nagising ako dahil sa mga naririnig kong boses mula sa baba na parang nagmamadali, nag c-cram for something. Iminulat ko nang dahan dahan ang mga mata ko at kinapa ang tabi ko...
Wala si Ly.
Kinusot ko iyong aking mga mata at iginala sa loob ng kwarto at tumigil sa may bungad ng pinto.
Nagsusuklay siya ng kanyang mahaba, makintab at bahagyang tuyong buhok. Napangiti naman ako nang wala sa oras at... napasimangot naman din ako dahil naalala kong galit nga pala siya saakin.
Hindi ko alam kung dahil iyon sa mga 'seryosong biro' ko kahapon, sa number ni Wren, sa pag w-walkout ko o hindi naman kaya'y dahil sa lahat ng 'to.
"Good morning Ly!" Pagpapasintabi ko sa pagiging wala niya sa mood.
"What's so good about the morning, huh?" Sikmat niya saakin. Eh? Ang sungit naman!
"Hmm... siguro maganda iyong morning ko kasi ikaw ang una kong nakita." Paglalambing ko sakanya. Na halata namang hindi niya trip ngayong umaga.
Tinignan lang niya ako ng masama at lumabas na ng kwarto diretso sa baba.
Then I muttered to myself, "How stupid are you?" Inumpog ko sa unan iyong aking mukha. Pillow-palm. At dumiretso na maligo.
***
Nang bumaba ako, nakita ko silang parang mga langgam dahil paikot-ikot sila maliban nalang kila Cliff at Hans. Napagdesisyunan ko na sakanila ako magtanong kung ano ang mga nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya. Chos.
"Uhmm... Hi." Medyo awkward kong bati. Hello, ang unang nakita nilang ginawa ko ay ang pagiyak at pagwalkout. Alin pa ba ang mas lalala doon?
"Hi! Kumain ka na ba?" Sabi naman ni Cliff in a friendly voice.
I took the chance to look at their faces.
Cliff Gariando, Hans Dimaculangan's boyfie. Kinda cute, I'll admit. With his pointed nose, pinkish lips, brown eyes and gosh, his eyebrows! Dinaig pa yung sabog na saakin! Hindi kaya'y nag p-pluck siya? Pero you can see talaga the tiny hairs. Sign na hindi siya nag p-pluck! Ganoon talaga yung tubo!
Thick, arched eyebrows. Friendly looks.
Hans Dimaculangan, Cliff Gariando's boyfie. Pure Filipino looks. His dark hair matching with his coal-black eyes. His medium-pointed nose and tan skin. Jusko, if they weren't in a relationship, I'd totally be crushing on them. JOKE! JOKE!
Hoy Den, jokes are halfmeant. Therefore, 1/2 +1/2= 1! Ikaw ha! Pinagpapalit mo na ang Aly mo.
Takte. Sorry po!
Moment #1
"Hindi pa eh. Ano bang nangyayari dito at parang mga binulabog iyong kanilang anthill?" Maloko kong itinanong. Ngumiti sila at sinabing, "You'll see."
Huh, weird. Ano kaya iyon? Si Ella, Marge, Jirah at Amy ay may hawak na mga maliliit na blackboard tapos si Dzi, Fille, A, Gretch at Jon ay may hawak na pintura tapos si Aly at Mich naman iyong may hawak ng lapis.
Ipapasalvage ka na nila. Iyon iyong gagawin nila. Kaya tignan mo, may lapis, blackboard at pintura kasi gagawa sila ng mga signs. Itatarak nila sa lupa iyon kung saan ka ililibing.
Papatayin siguro ako... ng konsensya ko!
Nilapag nila ang lahat ng iyon nung makita nilang papalapit na ako.
BINABASA MO ANG
Can't Remember Why
FanficThe feeling that you got your wishes, your dreams and your goals in life but you don't remember why you are standing here with smeared mascara all over your eyes. ***AlyDen