Bury Me In Your Heart

1.2K 33 18
                                    

"Anong nangyari, Ly?!" Tanong ko kay Alyssa na ibinubuhos ang buong lakas sa pag-awat kay Jon sa 'pagpatay' kay Cliff. Marahil sakanya siya nagsususpetsa kung bakit nangyari iyong... iyon na nga...

"P-t-ang i-a, anong ginawa mo sakanya?!" Buong lakas na sigaw ni Jon habang tinatadyakan sa tagilirin si Cliff. At ngayon ko lamang napansin na pito silang umaawat sakanya dahil na din siguro sa kanyang wrestler build.

"Tama na iyan! Ano ba!"

Lumayo nang saglit si Jon... Akala namin titigil na siya pero pumunta siya sa kusina at kumuha ng upuan. Bumwelo siya para ihampas kay Cliff pero...

"Alyssa!"

Si Ly ang sumalo ng hampas!

Pero mabuti na lang, hindi gaanong napalakas dahil binangga pababa ni Ella si Jon causing the chair to have the force at tumama lamang sa mga braso ni Ly.

"Tama na nga! Ano bang nangyayari dito?!" Muling ko silang tinanong at naghahalong takot at kaba ang nararamdaman ko. When I took a glance sa sofa, I could feel the froth in my hands... It's some sort of poisoning I guess... Based on the color? Not good. Somewhat blackish...

I'm starting to think about the things we've eaten tonight. Maybe that's what caused this horrible mess...

"Ayang lalaking 'yan! Pinatay si Mick!" Umiiyak na sagot ni Jon at marahang tumayo dahil napuruhan ang kanyang kanang paa. Mukhang nahiwa dahil sa previous fight. Maybe it started off sa kitchen. Basag lahat ng plato at baso at walang natirang nakatayo doon.

"D-Den! Wag kang papasok diyan..." Hinila ako ni Ly papalayo at hinihimas pa ang kanyang napuruhang braso.

"Akin na iyan." Inabot ko ang braso niya at binalot ng torn curtain (Pati kurtina hindi pinatawad) at binenda din ang isa pang braso.

"Ano ba talaga ang nangyari?"

"K-Kumakain kami kaninang 1:00 kasama si Mick at Jon. Actually kaming lahat yata... At umiinom kami ng beer. Habang nag-uusap si Cliff at Hans biglang nalaglag ang basong hawak ni Mick at iyon..." Nanghihinang paliwanag ni Ly kasabay ng pagturo sa malamig na katawan ni Mick.

"We already called the ambulance para i-pick up siya." Singit naman nila Fille at A.

We cleaned up the mess afterwards pero naririnig parin namin ang pag-iyak ni Jon at ang pag-ungol ni Cliff na malalang nasugatan at ginagamot nila Dzi at Gretch. Ang mga gumamot din saakin noong ako'y dinala ni Myco kung saan.

Myco.

Buhay pa nga pala iyong tarantadong iyon.

Wren.

Buhay na buhay din siya. Mukhang parehas may suspetsa.

Nagulat kami nang biglang lumapit si Jon kay Cliff pero kalmado na. Pero hindi niya paring napigilang umiyak. 2 feet away lang saamin ang katawan.

"T-Traydor ka. Akala ko kaibigan kita pero anong ginawa mo? You killed him." He whispered bitterly.

Tumingin naman sakanya si Cliff nang mataman at sinabing, "Sinabi ko na sa'yo, hindi ako ang may kasalanan niyan... May nagbigay lang saakin niyan sa shop at sabi ng workers bago daw. Kaya maniwala ka saakin, hindi ko magagawa iyon."

"Pero nagawa mo na hindi ba?" Kapansin-pansing humigpit ang pagkasarado ng mga kamay ni Jon, halatang pinipigilan lang ang sarili na makasuntok ulit. Nararamdaman ko pa din ang tensyon mula sa nakaraang pangyayari at naaawa naman ako kay Hans. Mukhang ako lang yata ang wala sugat o pasa dito ah.

Lumabas si Jon para kumuha ng hangin o kaya naman sumuntok ng pader. O kaya naman magpakalma ng loob at magbunot ng tuyong damo.

Then out of nowhere,  tumugtog ang Things We Lost In The Fire sa radio ng di kilalang friendly neighbor.

Can't Remember WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon