This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this book covered by the copyright herein may be reproduced, transmitted, stored or used in any form, or by any means, graphic, electronic, or mechanical, photocopying, recording or otherwise- without the prior written permission of the author.
Plagiarism is a crime.
~••~
PROLOGUE
Siguro nga tama iyong sinasabi nila.Siguro nga tama sila sa puntong kayang magpakatanga ng isang tao para sa minamahal niya.Dahil ngayon hindi ko narin maintindihan ang sarili ko.
Nasaan na ang pangako ko sa sarili kong trabaho lang dapat?Nasaan na ang iiwasan siya?
Nakakainis isipin pero sadyang marupok ata talaga ako to the point na gusto ko naring saktan ang sarili ko para lang matauhan.
Kasalukuyan kaming nandito sa condo niya matapos niya akong hilahin palabas ng bahay namin. Sa puntong ito, minamasdan ko lang ang paglagok niya sa wine na hindi ko rin alam kung kailan niya balak itigil.
Wala rin naman akong balak samahan siya sa pag-inom dahil may pupuntahan pa ako mamaya. Isa pa ay tinatakwil ng tiyan ko ang lasa ng kahit ba among klase ng wine.
Makikinig lang ako at aalis din pagkatapos.
"Ayaw mo'kong samahan?" napabuntong hininga na lang ako.
"Wala ako ngayon dito sa harap mo kung ayaw kitang samahan Axzel."
"I mean you don't want to drink with me?" tinitigan ko siya bago sumagot.
"Wala ka bang schedule? I mean birthday ni Ellisze ngayon. Hindi ka ba tutulong sa preparations?"
Imbis na sagutin niya ako ay mas inintindi niya pa ang pag-inom niya. Ilang oras na ba ang ginugol ko sa pagtitig lang sa kanya habang inaabuso ang katawan niya sa alak. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko.
'Mandy you're unbelievably pathetic.'
Sinundan ko lang ulit siya ng tingin nang tumayo siya para kumuha na naman ng bote ng alak. Kanina ko pa siya gustong sawayin at pigilan pero hindi ko na ginawa pa. It's just that, I understand what he is feeling right now.
Ilang segundo lang siguro nang makabalik siya, napansin ko ang pagtulo ng luha niya. Hindi ako gumalaw at hinintay kong magsalita siya. Na mag-open up siya tungkol sa nararamdaman niya pero hindi iyon ang nangyari.
Napabuntong- hininga na lang ako. He's still the Axzel who's not used to share his feelings. Hindi ko maiwasang mapangisi. Sinabi niyang kailangan niya ng makakausap pero ilang oras na ang nasayang ko sa pag-upo ko sa harapan niya habang pinapanood ang pag-inom niya ay wala pa siya ng binabanggit.
'For the second time, gosh Mandy you're unbelievably pathetic for believing his words again'
Bigla akong tumayo at sa halip na bigyan ko siya ng comforting words ay mas pinili kong sigawan siya.
"Okay fine, drink all you want! Maglasing ka hanggang sa makalimutan no lahat ng problema mo! Maglasing ka hanggang sa hindi ka na makahinga! I'll excuse myself."
Hindi ko maiwasang iuntog-untog ang ulo ko matapos kong mapagtanto na pinahinto ko lang naman ang taxi na sinakyan ko para lang maglakad pabalik sa condo ng lalaking ayaw mag-open up na sinigawan ko pa.
Sinabunutan ko na lang ulit ang sarili ko. Iuuntog ko na rin sana ang ulo ko nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo.
"Ha.Ha.Ha." Itinaas ko pa ang hawak kong supot na beer ang laman na nabili ko isang convenience store sa paglalakad ko kanina. "Mandy Express!" sigaw ko pa na parang tanga lang. Hindi ko pinansin ang pagkunot ng noo niya at hinila siya sa loob ng condo padiretso sa kanyang sala. At dahil narin siguro sa awkwardness na nararamdaman ay binuksan ko agad ang beer at walang salitang nilagok hanggang sa mahati ang laman nito, hanggang sa maubos ko.
Natawa na lang ako nang marinig ko ang pagdighay ko.
"Hey Mandy are you freaking crazy?" Napangiti ako nang mapansin kong wala ng luha sa mga mata niya. Tanging pagtataka na lamang ang nakikita ko rito.
"I thought you went home. Bakit bumalik ka pa? dagdag niya pa sa sinabi niya na sana hindi ko na lang narinig.
Binalak kong lumapit sa kinatatayuan niya na hindi ko nagawa dahil hindi ko naman inaasahan na malakas pala ang tama ng nabili kong alak. Napangisi ako nang matumba ako.
Ang lakas ng loob kong uminom 'gayong mahina naman ang tolerance ko sa alcohol.
Siguro nga nababaliw na talaga ako.
Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit bumalik pa ako. Bakit nga ba bumalik pa ako?
Sunod ko na lang naramdaman ang mainit na likido na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko na hinayaan ko lang.
Hindi ko man inaasahan ay hindi na ako nabigla nang lumapit siya sa akin, humingi ng tawad at pinunasan ang luha ko na hindi ko ginawa sakanya kanina.
Sinalubong ko ang tingin niya. Nawala na ang pagtataka rito at tanging pag-aalala na lang ang natitira na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba.
" Bakit hindi na lang ako?" desperadang tanong ko na hindi niya pinansin.
"I'll drive you home." pambabalewala niya.
"Axzel!" sigaw ko sa pangalan niya na sinundan ng pagluha ko. "Parang awa mo na makinig ka naman sa'kin."
"Mandy lasing ka na. Let's go. I'll help you stand."
Hindi ko alam kung epekto lang ba'to ng alak pero wala na akong pakialam. Sa pagkakataong 'to, pakikinggan ko naman ang nararamdaman ko.
Sa buong buhay ko palagi na lang kapakanan at damdamin ng ibang tao ang iniisip ko. Just for this time, I want to become selfish.
"Just let me count until five Axzel. I'll stop and leave if you will not respond."
Without hesitations, I start to kiss him as I start counting.
Siguro nga ganito talaga kapag nagmahal ka, ang dapat na mali lang ay nagiging tama para sa'yo. I just hope that I chose the right decision. I really hope that I'm not wrong in putting up first my heart this time.
I know it sounds desperate but I just really love him. For the first time in my life, I really want to be loved by this man. I want him to be mine even for just few moments.
To be continued....
YOU ARE READING
She's Into Him [ BOOK 1 ]
RomanceMandy Suzanne Toress is a sweet, lively and happy girl yet she is definitely not the sharpest crayon in the box. She has a crush on Axzel Collier Young, the smartest boy in school who already had his eyes glued on Aleeza Claire Perez, her bestfriend...