Chapter 19: FIFTH DAY OF SCHOOL FESTIVAL

208 25 4
                                    

CHAPTER NINETEEN: Fifth Day of School Festival

MANDY'S POV

" Good morning baby ko!"

Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni kuya sa loob ng kwarto ko. Ano na naman kaya ang nakain niya? Kagabi pa siya mukhang hyper.

" Breakfast is ready. Let's eat."

Tinapos ko ang paglagay ng kaunting pulbo sa mukha ko at nilapitan siya. " Seriously kuya, you're acting weird. Kahapon pa."

" Really? I don't think so. Ganito na ako sa'yo noon pa."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. " Ano ba kuya." Natawa ako. " Hindi mo bagay."

Ngumisi naman siya. " Ask dad who's acting more weird since yesterday and you'll see. " Mas nilapitan niya ako at basta na lang pinitik ang noo ko. " You silly lady."

" Aww." Napahawak ako sa aking noo. " Para saan na naman iyon?"

Kahapon pa siya pitik ng pitik sa noo ko. Ang nauna ay dahil daw sa pagiging madaldal ko magmula nang naihatid ako nina Ellisze at Maxy dito sa bahay. Inaamin ko naman iyon pero may pagkamadaldal na naman ako noon pa. Habang iyong pangalawa naman ay dahil daw sa mga pangiti-ngiti ko. Because of that reason, natawa talaga ako kay kuya. At mas lalo pa akong humalakhak sa pangatlo niyang rason. Iyon ay dahil naman daw sa pagtawa ko.

And this time, ano na naman kaya ang magiging dahilan ng mahal kong kapatid? I just don't get him anymore.

Sa pangalawang pagkakataon ngayong umagang 'to ay pinitik niya ulit ako. " Kuya, namumuro ka na."

" What? I just want to wake you up my lovely sister. " He crossed his arms." It hurts right? That only means that you're not dreaming. Stop with your acts. You don't need to pretend. It's obvious."

" What are you talking about, kuya? Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako."

Nagkibit-balikat naman siya ngayon saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. " Yeah, you're happy. " Nagsalita siya sa tonong parang napilitan lang na sumang-ayon sa sinabi ko.

Sasagot pa sana ako nang saktong marinig namin ang boses ni manang Telya, tinatawag ang pareho naming pangalan ni kuya.

" It's time to eat. Have a happy breakfast my sister." aniya saka inunahan ako sa paglabas sa kwarto.

Napailing-iling ako. He's really the one who's weird, right now.

Hanggang sa hapag-kainan ay hindi nawala ang paningin sa'kin ni kuya na animong inoobserbahan ang lahat ng bawat pagkilos ko.

" Daddy, what's wrong with kuya? He's not his usual self. Kahapon pa siya." Maya-maya ay reklamo ko na kay daddy. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa mga tingin ni kuya.

Hindi ko naman inaasahan na tatawanan lang iyon ni daddy. " He's just copying you, anak.  You didn't notice it?" Muling tumawa si daddy.

I felt like pinaglalaruan na naman nila ako. Seriously, I am doing my best to look happy. Ayaw ba nila iyon? Akala ko ba ay iyon ang gusto nila?

" You can't lie to your brother and father, young lady. You're the one who's not acting yourself since yesterday. Yes, you're a lively person but it's never been like this. "

Nawala ang pagkakangiti ni daddy at bigla na lamang sumeryoso ang atmospera sa loob ng dining area.

Napahawak ako ng mahigpit sa kutsara at tinidor na gamit ko ngayon sa pagkain habang diretso ang matang nakatingin kay daddy. Ganoon rin siya sa'kin.

She's Into Him [ BOOK 1 ]Where stories live. Discover now