CHAPTER EIGHT: Friendship Vs FamilyMANDY'S POV
Biyernes, tatlong araw bago magsimula ang school fest. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang huling humingi ako ng tawad kay Aleeza. Akala ko magiging okay ako matapos kong bigyan ng pangalawang pagkakataon ang sarili ko. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit sumapit ang pagkakaibigan namin sa ganito.
Ganunpaman ay sinisikap kong panghawakan ang ipinangako ko kay kuya. Natatakot ako sa pwede niyang gawin kung sakali. He's out of my control when he's determined to do something na may kinalaman sakin. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang makikialam siya sa away namin kahit pa pagiging bata o pagiging pakialamero iyon.
" Ma'am nandito na ho tayo." Iniangat ko ang paningin ko sa bintana ng sasakyan. No'n ko na naman napagtanto na nasa parking lot na kami ng eskwelahan. Napabuntong-hininga ako.
Napapadalas, hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nagiging lutang simula nang huling pag-uusap namin ni Aleeza. Himala na lang siguro na nakapasa pa rin ako sa mid-term examinations last week. Tsh.
Inabot ko ang bag ko at lumabas mula sa backseat ng sasakyan. " Salamat po, kuya Hilbert. Ingat kayo sa pagmamaneho," nakangiting paalala ko pa bago tuluyang isinara ang pinto.
Sandali ko pang ikinaway ang kamay ko saka napagdesisyonang pumasok na sa loob ng campus. Hindi ko naman inaasahan na mahahagilap ko si Aleeza na inaakay si Ellisze papunta sa direksiyon kung saan nakatayo ang secret garden ng school. Hindi ako nagdalawang-isip na sundan silang dalawa. Nagtago ako sa pader na naroon. Hindi din nagtagal ay narinig ko na ang boses ni Aleeza.
" Hanggang kailan niyo balak ni Maxy na kampihan si Mandy at itrato ako na parang hindi niyo ako naging kaibigan? Ha, Ellisze?" Ramdam ko ang inis sa tono niya.
" Talagang kinaladkad mo pa talaga ako dito para lang tanungin 'yan? Really, Aleeza?" Hindi ko man siya nakita ay alam kong nakahugit na naman ang ngisi sa mukha niya nang sabihin iyon. Nanatili ako sa pakikinig.
" Can't you just answer the damn question, Ellisze? Bakit niyo ako ginaganito? Bakit si Mandy lang ang iniintindi niyo? Hindi ko maintindihan kung bakit sino pa 'yong nakagawa ng kasalanan, siya pa ang kinakampihan niyo?"
Umalingawngaw ang sarkastikong tawa ni Ellisze. " Can you hear what you are saying right now, Aleeza? What? Kung sino pa ang may kasalanan?" Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko na naman ang pagtawa niya. " Don't try me, Aleeza."
Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa pader nang maramdaman ko ang yapak na papunta sa direksiyon ko. Kung hindi ako nagkakamali ay paalis na si Ellisze.
" So you know but you don't even try to understand my side." Kumunot ang noo ko sa sinabing 'yon ni Aleeza. Sa pagkakataong 'yon ay gusto ko nang lumabas sa pagkakatago pero pinigilan ko ang sariling gawin iyon. Mas hindi ko malalaman kung ano iyon kung magpapakita ako.
" Talagang sa'kin ka pa humihingi nang pang-intindi? Wala akong oras para makipaglokohan sa'yo Aleeza. Kung kaya mong paglaruan ang damdamin ng tao, ibahin mo ko. Kaya pwede ba? Huwag kang umasta na parang ikaw ang inaapi. Pamilya ko ang sinusubukan mong banggain. Nagtitimpi lang ako." Natigilan ako at wala sa sariling napalunok, hindi makapaniwala sa nalaman ko.
Ano 'tong mga naririnig ko?Naguguluhan ako.
" You're unbelievable, Ellisze. Ngayon naman ay inaakusahan mo na ako sa hindi ko ginawa? Wow Ellisze! Just wow... Mas pinatunayan mo lang na hindi mo ako kayang intindihin."
YOU ARE READING
She's Into Him [ BOOK 1 ]
RomanceMandy Suzanne Toress is a sweet, lively and happy girl yet she is definitely not the sharpest crayon in the box. She has a crush on Axzel Collier Young, the smartest boy in school who already had his eyes glued on Aleeza Claire Perez, her bestfriend...