Chapter 18: FOURTH DAY OF SCHOOL FESTIVAL PART 2

165 25 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: Fourth Day of School Festival Part 2

MAXY'S POV

Lunch time, natapos na'ko sa lahat ng gawain at saktong katatapos ko ding kumain, dumating si Ellisze. Talagang tinupad niya ang sinabi niya kanina. Hindi ko din naman inaasahan, pero pati si Mandy ay nagpakita.

Ngayon, naisipan na lang muna naming tumambay sa mga benches na malapit sa soccer field kung saan nakatayo ang big stage at kasalukuyang nagaganap ang Part 2 ng palaro na inihanda lang talaga sa araw na'to.

Habang nagpapahinga ay pare-pareho naming binubusog ang mga mata sa panonood sa mga kapwa namin estudyante na masayang naglalaro. Hindi ka din naman mabobored dahil bukod sa nadadagdagan ang kaalaman mo, nakakatawa lang din talaga silang tignan.

There are a lot of games na pwedeng salihan. One of them is 'Meeting the Different Cultures.' Nahati ang mga estudyanteng kalahok, both from EHU and other universities, sa iba't ibang grupo at sa bawat grupo ay may naka-assigned na bansa. They talked about the music, dance, food, costumes, sports, currency, national symbols, famous people, national sports, etc. of the country na mayroon ang bansang napili.

It may seems like a boring game for many but it's not the case for me. It's so exciting to see the students dancing and just having fun, not feeling embarrassed sa mga matang nakatingin sakanila. Nakakamangha din ang katalinuhan nila.
Inilipat ko naman ngayon ang aking paningin sa katabi nilang kalahok. Not that far, kasalukuyan ding naglalaro ang mga estudyante and I am not expecting Eizel to join the game. It is a food eating contest. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na naman napigilan ang sarili kong bibig na magsalita.

" Is that really Eizel?" tanong ko sa dalawa kong kasama. Mukhang hindi naman sila doon nakatingin kaya itinuro ko ang direksiyon niya.

" There. Sa food eating contest." nguso ko pa.

" Yeah, it's really him." sagot naman ni Ellisze. " Isa siya sa mga nagparegister na dadalo sa school festival. Buti nga ay pinayagan siya ng ate niya."

" Well, it's not like he can't decide on his own."

Naalala ko ang tungkol sa pagbigay niya ng invitation card. " Anyway, he invited us on his birthday tomorrow. Ibibigay ko iyong invitation card sa'yo pagbalik natin sa tent pub. He's expecting us to come."

" Pero dalawa lang iyon at wala siyang binigay para kay Mandy." Binaling ko ang paningin kay Mandy. " Why is that? Is it because of his sister, again?"

Tanging kibit-balikat lang ang kanyang sagot, pagkatapos ay bahagyang ngumiti saka muling binalik ang pansin sa pinapanood sa harap. It seems like she's not interested.

" Ya! Is there something wrong? Bakit parang wala ka na naman sa mood?"
Sinaway naman ako ni Ellisze at sinenyasang tumahimik. Wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan niya.

May ideya naman kasi ako kung bakit parang wala na naman sa mood itong si Mandy. Pero mukhang wala siya sa wisyo para pag-usapan ito ngayon. Kaya sige, tatahimik na lang muna ako for now.

Ibinalik ko na lang ulit ang panonood sa mga laro. Sampung minuto pa ang itinagal namin dito bago namin napagdesisyonan na magpunta sa Cosplay Cafe na ipinatayo lang din para sa araw na'to, po particularly sa mga otaku.

There are available costumes to rent outside. Ayos lang naman na pumasok without one pero I want to try it. Balak ko ding isama itong dalawa, sina Mandy at Ellisze.

But on our way there, I didn't expect for Eizel's presence, sinundan kami. He straightforwardly approached Mandy, asking her to come with him.

Wala kaming nagawa ni Ellisze kundi pagbigyan ang nakababatang kapatid ni Aleeza. Sa tingin ko din naman ay kailangan nilang mag-usap. Kaya bago pa makapagsalita si Mandy, inunahan ko na siya.

She's Into Him [ BOOK 1 ]Where stories live. Discover now