CHAPTER TWO : Ways To MoveMANDY'S POV
Kagaya ng dati, matagal na naman na napukol ang paningin ko sakanya. He's really handsome. 'Yong guwapong hindi nakakasawang pagmasdan at habang tumatagal ay paguwapo ito ng paguwapo at nakakabighani na.
Naalala ko pa nang una ko siyang makita. Ganito na ganito ang reaksiyon ko. Tila lahat ng nakikita ko ay bumabagal. Mahirap paniwalaan pero ganoon ata kapag tinamaan ka na.
Nang nawawala na ang imahe niya sa paningin ko ay taranta kong inabot ang sapatos at mabilis na isinuot ang mga ito. Mabilis ko ring isinukbit ang shoulder bag ko at akma nang tatakbo para sundan siya.
"Please, not now Mandy." pagpigil ni Maxy na sinabayan niya pa nang paghawak sa braso ko. Tinapunan ko agad siya ng tingin, begging her to let go my arm. Sinubukan ko pang tanggalin ang kamay niya pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak dito.
Binaling ko naman ngayon ang tingin ko kay Ellisze, calling for help. Pero umiling lamang siya.
"We need to go to our classroom, Mandy. Malapit nang mag-start ang klase." sambit pa niya tsaka umayos ng tayo.
"Pero kasi---" aangal pa sana ako pero pinigilan na naman ako ni Maxy sa biglang pag-akbay niya. Bigla akong napayuko dahil sa ginawa niya.
Nasaktan pa nang bahagya ang leeg ko. Mas matangkad kasi ako sakanya.
"No more buts, dear best friend. For now, simulan na nating maglakad. Let's go!" magiliw na aniya bago ako kinaladkad sa ganoong posisyon.
Nakahinga ako ng maluwag nang nakaramdam narin siya at tinanggal narin niya sa wakas ang pagkaka-akbay sa'kin. Hinanap agad ng mga mata ko si Ellisze.
"Where's Ellisze?" tanong ko nang hindi ko siya mahagilap.
"Ah, she went to the restroom. Isinenyas niyang mauna na tayo sa taas." sagot naman ni Maxy. Napatango-tango na lang ako saka sinundan siya sa paglalakad.
Nang makarating kami sa classroom ay agad akong dumeretso sa silya ko at umupo. Sakto rin ang pagdating ni Ellisze dahil kapapasok lang ng professor.
Nagsimula ang klase nang nakangiti at masaya ako. Sa katotohanang nakita ko na naman ang lalaking naging inspirasyon ko din sa pag-aaral ay napakainam sa damdamin. Naniniwala ako na kahit hindi niya ako magawang pansinin ngayon, dadating rin ang araw na mangyayari iyon.
Matamis akong napangiti nang maalala ulit ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Side view lamang iyon pero napakalakas parin ng dating. Kahit medyo malayo siya sa kinaroroonan ko ay mapapansin parin ang napakaperpektong jawline niya. Gayundin ang maayos na gupit ng kaniyang buhok, matangos na ilong at, maninipis at mamula-mula parati na labi.
Napahawak ako sa labi ko at kusang napangisi sa sariling naisip. Napailing-iling na lang ako.
"Miss Toress!"
Awtomatiko akong napatayo nang isigaw ni Mrs. Escalona ang apilyedo ko.
"Are you with us?" asik niya. "Sorry po, ma'am." paumanhin ko saka agad na nagbaba ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.
Ito ang kauna-unahang beses na mapupuna ako ng mga teachers dito at nagkataon pang si Mrs. Arabbelle Escalona ito. Napakamalas ko naman ata ngayon.
"Next time, make sure to pay attention Miss Toress."
"Yes ma'am." nakatungong sagot ko.
"Okay, you may take your seat."
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko iyon.
YOU ARE READING
She's Into Him [ BOOK 1 ]
RomanceMandy Suzanne Toress is a sweet, lively and happy girl yet she is definitely not the sharpest crayon in the box. She has a crush on Axzel Collier Young, the smartest boy in school who already had his eyes glued on Aleeza Claire Perez, her bestfriend...