Chapter 21: CLOSING CEREMONY

171 23 2
                                    

A/N: I'm really in conflict whether to publish it or not. But after almost a month, okay here it is, papanindigan ko na. Haha
        Anyway, thank you so much for waiting and for supporting this story despite of its imperfections. I love you all!

WARNING: SOME PARTS CONTAIN MATURED SCENES AND EFFECTS. READ ON YOUR OWN RISK.

CHAPTER TWENTY-ONE : Closing Ceremony

MANDY'S POV

Ganoon na lang ang pagmamadali kong lapitan siya nang sa wakas ay makita ko siyang umahon. Puno ng pag-aalala ay wala sa sariling niyakap ko agad siya at nagmistulang isang bata na nawalay ng matagal sa kanyang magulang. Mabilis na tumulo ang aking luha at napahagulgol.

Nakahinga ako ng maluwag. I really thought he's going to die.

Ilang minuto nang tuluyan na akong mahimasmasan ay no'n ko lang napagtanto ang inakto ko. Napahakbang agad ako palayo. At ganoon din kabilis na gumapang ang hiya sa buong katawan ko, nag-init ang aking mukha.
Napansin ko nang bahagyang manliit ang kanyang mga mata nang tumitig sa'kin. Binasa niya ulit ang basa na namang  gilid ng kanyang labi at saka pa lang ngumiwi.

" Why are you here, Mandy?" Nagbaba agad ako ng tingin nang hindi niya alisin ang mga mata sa'kin nang tanungin iyon.

Ramdam ko ang pagtataka at inis sa kanyang tinig dahilan para mapalunok ako bago sumagot. " Ano..." pero nanginig agad ang boses ko, hindi alam ang sasabihin.

Dahil pa sa sobrang pagkalito ay humakbang ako papuntang dalampasigan at binalak na talikuran na lamang siya. Ngunit awtomatiko akong nahinto nang bago pa man ako tuluyang makalayo sakanya ay nasa harapan ko na siya. Hindi na ito ang unang beses na umakto siya ng ganito sa harapan ko pero hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kung paano niya 'yon nagawa.

" What are you doing here, Mandy Suzanne?" nabigla ako nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan.

" I'm really sorry." napapapikit kong sabi. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Nablablangko ang utak ko at tanging ang makaalis sa harapan niya ang gusto kong mangyari.

" I don't need you, apologizing right now. I need your answer to my question. Why are you here? How did you get here?"

Saglit kong itinaas ang paningin sakanya. " Ano kasi..."

" Hey, son!" Bigla ay nangibabaw ang tinig na kung hindi ako nagkakamali ay galing sa daddy niya. Sabay namin itong nilingon ni Axzel. " I knew it, you're just here! I came to fetch you!" Pasigaw niya nang sabi.

Muli kaming nagkatinginan ni Axzel at hindi ko inaasahang wala man lang siyang naging reaksiyon sa biglaang pagdating ng daddy niya. He remained calm habang ako ay iniisip na kung anong magiging reaksiyon ng daddy niya kapag nakita ako.

Kaya bago pa tuluyang makalapit nang  tuluyan ang daddy niya at mapansin ako ay kusa na akong bumalik sa tubig at isinenyas sakanyang salubingin niya ang kanyang daddy saka ko tuluyang nilubog ang aking sarili.

Tatlumpong segundo lang ang oras na kaya kong itagal sa ilalim ng tubig kaya ipinagdadasal ko na lang na nakaalis na sila bago iyon.

May narinig akong mga boses pero hindi iyon ganoon kaklaro sa sitwasyon ko ngayon.

Ganoon na lang din ang muling pagkabigla ko nang wala pa mang sampung segundo ay may humablot na sa kamay ko at itinayo ako paangat. Sumalubong sa'kin ang naiinis na tingin ni Axzel.

" Are you insane? Why the hell did you do that? Do you think you'll help? Just what the f*ck, Mandy! Hindi nakakatuwa."

Hindi ko nagawang sumagot at talagang naestatwa. Sa tono niya ay pinapagalitan niya ako, hindi ko malabanan.

She's Into Him [ BOOK 1 ]Where stories live. Discover now