CHAPTER TWENTY: Eizel's Birthday
MANDY'S POV
" Are you sure you'll be okay? Bakit kasi hindi ka pa sumama?" Umiling-iling ako.
" Ayos lang ako, kuya. You can go. Kanina pa kayo ni daddy pero hindi niyo na mababago ang desisyon ko." Tumayo ako sa pagkakasalampak sa kama at lumapit kay kuya tsaka siya itinulak palabas sa kwarto ko.
Mabuti na lang talaga ay wala pa si mama. Kung hindi ay kanina pa ako napilit at pumayag sa gusto nitong kapatid ko.
" Enjoy the night, kuya. Pakibigay na lang iyong regalo ko."
Saglit pa niya akong pinilit na sumama pero gaya ni daddy, sa huli ay nakumbinsi ko rin siya sa desisyon ko.
Kahit sina Maxy at Ellisze ay hindi nabago iyon. I'm not really coming and that's final.I know Eizel's expecting me but I just can't go there. Bahala na kung magtampo siya sa'kin. Mas mabuti na rin siguro iyon.
Nang masigurado kong makaalis na sila kuya ay bumalik na lamang ulit ako sa pagkakasalampak sa kama at matagal na tumitig sa kisame. It's already quarter to seven at tiyak na nagsisimula na ang birthday party.
Napabuntong-hininga ako. Dapat ay nagtagal pa ako sa campus at nanood na lamang ng beauty pageant tutal ay wala naman akong gagawin dito. Wala din namang tao dito sa bahay dahil lahat sila ay imbitado. You know, our family is close to Aleeza's family. One more thing, naging tradisyon na din kasi sa pareho naming pamilya ang pag-imbita sa isa't isa.
Iba na kasi ang sitwasyon ngayon kaya hindi ako sumama. I don't want to ruin the mood. Ayaw kong sirain ang gabi ng iba dahil lang sa presensiya ko.
Kaya kahit gusto ko ding dumalo pinigilan ko ang sarili ko. Hangga't kaya ko, ako ang iiwas.Napabuntong-hininga na naman ako. 'I'm not capable of liking you back cause I'm already into Aleeza. I love her so much. And you know that, Mandy... Hindi ko inaasahang aalingawngaw muli sa pandinig ko ang sinabi niya, napapikit ako ng mariin para mawala iyon.
Ngunit ' ayon na naman ang lungkot. Ganoon na lang din muli ang panlulumo ko sa pag-iisip na kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sakanya.Bago pa ako tuluyang malunod sa isiping iyon ay mabilis akong tumayo at lumabas sa aking kwarto.
Dumiretso ako sa garden at nilibang doon ang aking sarili. Humiga ako sa damuhan at hinayaan ang sariling panoorin ang bilog na buwan at mga kumikinang na bituin.Nakuha ng mga ito ang buong atensiyon ko. For a few minutes, I was mesmerized by the beauty of the dark sky planted with luminosity. Pakiramdam ko ay nililiyo nito palayo lahat ng iniisip ko.
I was just there, staring at the firmament, without thinking anything.
But just seconds after, as I lift up my right hand and made a gesture of touching the bright moon, a forbidden name suddenly popped up again on my mind. Naibaba ko agad iyon nang bigla na namang pumasok sa isipan ko si Axzel dahil hindi ko napigilan na ikumpera ang layo ko sakanya, rito. Kagaya ng buwan, napakaimposible para sa'king maabot siya.
Damn, what am I even thinking, right now?
Itinigil ko na ang pagtanaw sa kalangitan at gusto kong sisihin ang buwan dahil doon kahit wala naman talaga iyong kasalanan. Na sadyang sariling utak ko naman ang may kagustuhang isipin ang pangalang iyon.
Muli akong napabuntong-hininga tsaka bumangon. Napagdesisyonan ko na lamang na bumalik sa loob ng bahay at magluto. Pero ganoon na lang ang pagkaestatwa ko mula sa paglalakad nang matanawan ko ang pamilyar na imahe sa harapan ko.
Eizel...
Nang mahimasmasan ay mabilis ko siyang nilapitan.
" What are you doing here, right now? Damn, Eizel. You're supposedly in your party." Ipinagtulakan ko siya palabas pero wala iyong naging silbi. Hinawakan niyang pareho ang aking mga kamay at pinigilan sa pagpapalayas sakanya.
YOU ARE READING
She's Into Him [ BOOK 1 ]
RomansaMandy Suzanne Toress is a sweet, lively and happy girl yet she is definitely not the sharpest crayon in the box. She has a crush on Axzel Collier Young, the smartest boy in school who already had his eyes glued on Aleeza Claire Perez, her bestfriend...