Chapter 4 : CONSEQUENCES TO FOLLOW

274 38 82
                                    

CHAPTER FOUR : Consequences To Follow

MANDY'S POV

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Hindi dahil sa nasasaktan ako sa katotohanang magkasintahan na pala  sina Axzel at Aleeza, kundi sa kadahilanang hindi mawala sa isip ko ang paghalik ko kay Axzel. Hanggang ngayon ay nabibigla ako at hindi ko mawari kung paano ko nagawa ang ganoong bagay.

Muli kong inalala ang pagkakalapat ng mga labi namin. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam ng halik. Maghahalo-halo ang nararamdaman mo, magugulo pa ang isip mo.

Tuloy ay parang mas gusto ko na lang umiyak sa katunayang naghabol na nga ako sa wala, nagpaniwala pa ako sa kasinungalingan nang isa.

" Ano't parang nakalutang ka dahil sa kawalan ng tulog, iha?" anang kasambahay namin pagkababa na pagkababa ko dito sa kusina.

Dumeretso ako sa kitchen island at umupo sa high chair dito saka nakapangalumbabang pinagmasdan ang ginagawa ni manang Telya.

" Hindi nga po ako nakatulog kagabi." pag-amin ko.

Mapagkakatiwalaan naman si manang. Sa totoo lang ay mas kumportable pa nga akong nagkukuwento sa kaniya ng tungkol sa nararamdaman ko kaysa kay mama.

Magsasampung taon nadin kasing naninilbihan sa'min si manang Telya. Sa katunayan ay siya ang pinakamatagal sa lahat ng nagtatrabaho dito sa bahay. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil saksi naman ako sa ganda ng trabaho niya. Sobrang sipag niya at sobrang bait din. Sayang nga lang dahil mukhang wala na siyang planong mag-asawa pa. Plano na lang ata niyang gugulin ang buong buhay sa serbisyo.

Napabuntong-hininga ako. I feel bad for her though I'm still grateful. Without her guidance, malamang ay noon pa ako naglayas sa bahay sa sobrang kahigpitan ni mama.

" Mabuti at Sabado ngayon. Sigurado akong hindi ka na naman makakapagconcentrate sa klase," ani manang na pinakadiinan talaga ang mga salitang 'na naman'.

Ngumuso ako. Marahil ay narinig na naman niya akong pinagalitan ni mama kagabi. At malamang sa malamang ay narinig niya rin ang tungkol sa pagi-space out ko sa klase ni Mrs. Escalona kahit wala sa plano niya ito. Kung makasigaw naman kasi si mama sa'kin ay parang bingi ako.

" Bakit hindi ka nakatulog? Dahil ba sa pinagalitan ka na naman ni ma'am Mazey kagabi? Kung bakit naman kasi ginabi ka na nang uwi." Nagbaba ako ng tingin, bigla na naman nagbalik sa ala-ala ko ang paglapat ng mga labi namin.

Ilang saglit ay narinig ko ang bahagyang pagtawa ni manang.

" Ganoon na ba kabigat ang pinagdadaanan mo iha para pati ang sarili mo ay sinasaktan mo na? Itigil mo 'yan at baka malagyan pa ng buhok mo itong mga niluluto ko." Umawang ang labi ko at saka inosenteng nag-angat ng tingin sakanya. Talagang iyong mga niluluto pa niya ang inalala niya.

" Seriously, manang?" komento ko.
Bahagya na naman siyang natawa.

" Hay, iha. Huwag mo masiyadong dibdibin ang pagpuna sa'yo ng mama mo. Ginagawa lang niya 'yon para sa ikabubuti mo." Ngumiti siya.

Muli akong nagbaba ng tingin. "Alam ko naman po iyon. Tsaka...hindi naman po iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi. " Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni manang.

She's Into Him [ BOOK 1 ]Where stories live. Discover now