Chapter 17: FOURTH DAY OF SCHOOL FESTIVAL

174 26 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN: Fourth Day of School Festival

MAXY'S POV

Wala ako sa sarili sa sobrang pag-iisip.  Ang totoo ay hindi ko na din maintindihan ang nangyayari.

Nasa hospital ngayon si Mandy at hindi ko alam kung iyon bang naiisip kong rason ang dahilan.

Pati si Ellisze ay wala ngayon. Pero hindi gaya kay Mandy, wala akong ideya kung bakit. Wala akong maisip na rason.

" Hay!" Mabigat akong bumuntong-hininga. Anong gagawin ko ngayon? Wala din naman akong kakilala sa ibang school na pwedeng makasama. I'm freaking bored! Hindi talaga ako sanay mag-isa.

Wala din akong maisip na gawin. Hindi din naman ako pinapatawag ng department.

"Hay!" Muli akong bumuntong-hininga saka ulit na tinignan ang cellphone ko. They're not even calling me.

"Tsk." Padabog akong tumayo saka nakangusong naglakad pabalik sa tent pub. I deserved an explanation from them. Sasabunin ko sila pagbalik nila. Talaga, hmp!

" Maxy, nandyan ka naman pala. Hinahanap ka ni Mrs. Escalona. "

Sa pangatlong beses ay napabuntong-hininga ako. " Papunta na."

Kinuha ko ang printed copies na ibibigay ko. It's the list of schools with the names of students na dadalo ngayon sa university dahil ngayon nakaschedule ang Camaraderie Day. Wherein we, students of EHU can have an opportunity to be with our co-students in other universities.

Actually, si Ellisze naman talaga dapat ang magpapasa ng mga papel na'to kay Mrs. Escalona.  She just handed the responsibility to me yesterday. Pumunta siya kagabi sa bahay. At ako naman itong walang kamalay-malay na tinanggap ang pabor niya na hindi siya kinukuwestiyon.

Hindi naman pala siya a-attend ngayon at ang hindi ko matanggap, wala siyang sinabing rason. Uso tumawag o magtext, kaibigan! Psh.

Nang maibigay ko na ang mga kopya, hindi na ako nagtagal pa sa department building. Dumiretso na lang ulit ako sa tent pub. Sakto namang papasok si Aleeza kasama ang nakababatang kapatid niya.

Napatango-tango ako. Nakita ko nga pala sa listahan ang pangalan niya na dadalo ngayon sa school fest.

Nacurious din ako bigla kung bakit hindi pa niya piniling mag-enroll dito sa East High tutal nandito naman na ang kapatid niya't mukhang gustong-gusto pa.
Minabuti ko na lang na huwag pansinin ang rason at umupo na lamang sa silyang nasa harapan ko at hindi ko maiwasang magtaas ng kilay nang tumama ang paningin ko kay Aleeza.

Kung tutuosin naman talaga ay wala akong karapatan na sisihin siya, pati na si Axzel sa sakit na nararamdaman ni Mandy ngayon. Pero uso kasi iyong salitang respeto. How dare them kissed in front of our eyes when they're aware na may masasaktan. Bukod pa doon, PDA sila. But mostly, they just deflowered my so innocent eyes.

Napangisi ako sa huling naisip. Okay fine, I'm being exaggerated here. Pero nakakainis pa rin sila. Buti na lang ay hindi sila napagalitan ng director.
Ewan ko kung nagpaalam iyong magaling na Axzel. Baka... dahil bawal naman talaga in the first place iyon dito sa school. Nakapagtataka lang dahil pinagbigyan sila. Psh.

Hindi ko naman inaasahan na lalapitan ako nitong kapatid ni Aleeza. At ipupusta ko ang maganda kong mukha. Sigurado akong tungkol kay Mandy ang sadya niya. He's so obvious.

Inunahan ko na siyang magsalita dahil mukhang nahihirapan pa siya sa pagbuo sa mga salitang sasabihin niya . " She's in the hospital, right now. Hindi ko alam ang rason. Hindi niya sinabi. But don't worry, she'll be fine." Ngumiti ako. " She's tough than she seems."

She's Into Him [ BOOK 1 ]Where stories live. Discover now