CHAPTER THREE: Verboten KissMANDY'S POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. It is the first time na makita ko silang ganito. Ang mas kinagulat ko pa ay ang pagganti ni Ellisze matapos siyang sampalin ni Aleeza. At mapapansin na mas malakas ito.
Gusto kong lumapit sakanila pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Gustong-gusto ko na silang pasukin sa loob ng classroom pero wala akong ideya kung paano sila pipigilan upang hindi mas lumalala ang sitwasyon.
Napasabunot ako sa buhok ko. What should I do? Bakit nabablangko ang utak ko?
'Damn, Mandy! You're being useless now.'
"Miss Toress?" nalipat ang tingin ko sa pamilyar na boses na iyon. Agad akong nagbigay ng galang nang mapagtantong si Mr. Depon ito, teacher ko sa Oral Communication.
"What are you doing here? It's already past one. Wala ka bang klase?"
"Mamayang alas dos pa po ang susunod kong klase. Dadalhan ko lang po sana ng meryenda ang mga kaibigan ko." pandadahilan ko.
"Is that so? Akala ko ay nagcutting class ka na. Okay, then. Make sure to attend your class at two, Miss Toress."
"I will, sir." iyon lang at nilagpasan na niya ako. Binalik ko naman ulit ang paningin ko sa loob ng classroom pero wala na sila sa kinaroroonan nila kanina. Hindi ko maiwasang magtaka.
'Where are they?'
Mabilis kong binitbit ang mga binili ko saka tumakbo paloob ng classroom. Niloloko lang ba ako ng mga mata ko kanina?
Inilapag ko ang mga supot sa arm rest at lumapit sa direksiyon nilang dalawa. They're sitting near the teacher's table now, quietly scanning their notes or should I say pretending. Hindi rin ako sigurado
Agad kong chineck ang pareho nilang mukha pagkalapit ko. At hindi nga ako nagkamali. Namumula ang mga ito.
"Explain this to me." turo ko sa pareho nilang mukha. "Nakita ko kayo. You both slapped each other. Why? What is the reason?" Hindi mapakaling tanong ko.
Napansin ko ang tinginan nilang dalawa."It's nothing. We're just rehearsing. " dahilan ni Ellisze na mabilis na pinangalawahan ni Aleeza.
" Let me see the script, then." paghahanap ko ng ebidensiya.
"It's in the second page." kinuha ko ang inaabot na papel ni Aleeza at hinanap kung may eksena nga talagang sampalan gaya nang nakita ko na ginawa nila kanina. Nang makumpirma ko ito ay nakahinga ako ng maluwag. Nawala ang pag-aalala ko at pangamba na baka may kung ano nang hindi maganda na mangyayari sa kanilang dalawa.
"Why are you here pala?" maya-maya ay tanong ni Ellisze.
"Ah, I brought you something ." Binalikan ko ang mga supot na nasa arm rest ng upuan na hindi ganoon kalayo sakanila. Nagpapasalamat ako at iyong bottled juice ang inorder ko. "Here." presinta ko sa harapan nila.
"Thanks for this, Mandy. I love you." napangiti ako sa sinabi ni Aleeza. "I love you too." malambing na sagot ko.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa, Mandy. But thank you. I love you."
" You're welcome. I love you more." nakangiti ulit na sagot ko.
Pinagmasdan ko lang silang kumain. Hindi na ako kumibo pa dahil mukhang mas gusto nilang kumain na tahimik ang paligid. Ayokong isipin pero ang awkward nilang tignan ngayon. Ewan ko kung naiilang sila sa isa't Isa o naiilang sila sa presensiya ko, ayaw lang nilang sabihin.
YOU ARE READING
She's Into Him [ BOOK 1 ]
RomanceMandy Suzanne Toress is a sweet, lively and happy girl yet she is definitely not the sharpest crayon in the box. She has a crush on Axzel Collier Young, the smartest boy in school who already had his eyes glued on Aleeza Claire Perez, her bestfriend...