Chapter 1

8.3K 25 0
                                    

Mahirap pa lang lumaki ng hindi mo nakikilala o nakikita man lang ang iyong mga tunay na magulang. Hindi mo alam kung ano ang iyong tunay na pagkatao. Madami kang mga tanong na hindi mo masagot. Mahirap kasi palagi mong hinahanap ang katotohanan tungkol sa sarili mo. Pero siguro mayplanoang Diyos para sa akin kaya ganun. Palagi ko na lang iniisipan ng maganda ang mga pangyayari sa buhay ko.

Baby pa lang kasi ako ng iwan ako ng aking mga magulang sa bahay ampunan. 10 taon akong nakisalamuha sa mga kapwa ko bata na iniwan din ng kanilang mga magulang. Ewan ko nga ba kung bakit ako pinamigay ng mga magulang ko. Maganda naman ako (maganda in a sense na katamtaman lang ung itsura ko, medyo artistahin naman ako. Hahaha.) May dahilan naman siguro sila, alam kong hindi nila kakayaning ipamigay na lang ko ng walang dahilan.

Pero kahit iniwan ako ng mga taong nagdala sa akin sa mundong ito, hindi naman ako iniwan ng taong tinuring kong pamilya sa loob ng 10 taon. Siya si Gerald.

Si Gerald ang naging kapamilya ko sa bahay ampunan. Matanda man ako sa kanya ng ilang buwan ay hindi naging hadlang iyon sa amin para maging malapit sa isa’t isa. Siya ang naging kuya ko sa ampunan.  Pinoprotektahan niya ako sa lahat ng umaaway sa akin, pinapagaan niya ang loob ko tuwing naaalala ko ung mga magulang ko, pinapatawa niya ako kapag malungkot ako at inaalagaan niya ako kapag may sakit ako. Siya ang kuya/Superman/clown/bodyguard/nurse/bestfriend ko. Siya na lahat. All-in-one yang bestfriend ko. Walang iba katulad yan. Kaya mahal na mahal ko yun eh.

Noong 10 years old ako ng ampunin kami ni Gerald. Inampon ako ng isang ordinaryong pamilya, Geronimo ang apelyido nila. Si Gerald naman ay inampon ng bestfriends ni daddy Louie at mommy Kristina, si Tito Oscar at Tita Isabel. Kaya kahit magkaibang pamiya ang umampon sa amin ay hindi nawala ang communication namin. Sa iisang subdivision din kasi kami nakatira.

Malaki nga ang pasasalamat ko sa bago kong pamilya lalo na kay mommy at daddy. TIinulungan nila akong buuin ang mga pangarap kong akala ko hindi na matutupad. Hindi man sila ganoong kayaman ay ibinigay pa rin nila sa akin ang mga pangangailangan ko. Pinag-aral nila ako sa isang magandang unibersidad. Binigyan nila ako ng mga mamahaling gamit kahit sinabi ko na sa kanila na hindi ko kailangan ang mga iyon. At higit sa lahat pinaramdam nila sa akin na hindi na ako iba sa kanila. Pinaramdam nila sa akin kung gaano nila ako kamahal. Pati na ng aking mga kapatid na sina Kuya Danny, Kuya Miggy at Ate Rose. Todo alaga sila sa akin bilang bagong bunso sa pamilya. Hindi nila pinaramdam na ampon lang ako, pinaramdam nila na para nila akong tunay na kapatid. May mga bago na akong tagapagtanggol at taga-alaga. Mahal na mahal ko sila at habang buhay akong magpapasalamat sa kanila. Napakaswerte ko dahil sila ang pamilya ko.

Ay may nakalimutan ako! Ako nga pala si Sarah Geronimo. 19 yrs old and a 3rd year college student. Isang ordinaryong babae na may extraordinaryong pamilya na mahal na mahal ako.

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon