Chapter 20

1.2K 13 2
                                    

Author's Note:

Hello po sa lahat ng readers. Gusto ko lang po sanang marinig yung mga reactions niyo sa kwento, kung ok lang po ba o kung may mga suggestions po kayo. Feel free po. I will appreciate it a lot. Thank you po. :)

Chapter 20

After months of hard work and practice, dumating na din ang time sa actual performance nila. Ilang oras bago ang production ay nasa auditorium na ang mga participants.

Sa back stage

Gerald: *hinawakan ang kamay ni Sarah* Mukhang kinakabahan ang bestfriend ko ah.

Sarah: Medyo. Baka kasi magkamali ako sa pagkanta mamaya eh.

Gerald: Ikaw magkakamali? Eh ang galing galing mo nga kumanta eh. Naturuan mo nga kaming lahat kumanta ng maayos eh.

Sarah: Asus. Syempre nagkakamali pa rin naman ako. Tao lang po eh.

Gerald: Wag mo kasing isiping magkakamali ka. Kaya mo yan. Ikaw pa! Si Sarah Geronimo ka eh!

Sarah: Salamat bes ah! *yinakap si Gerald*

Gerald: *binalik ang yakap ni Sarah* Wag kang kabahan. Andito naman ako. Kapag nagkamali ka man, hawakan mo lang ang kamay ko. Ok?

Sarah: Salamat talaga.

Fred: Kayong lovebirds dyan! *napalingon si Gerald at Sarah* Tawag na tayo. Magready na daw.

Gerald: *may inis ang tingin kay Fred* Opo! Ito na, pupunta na kami dyan.

Gerald: *inakbayan si Fred at bumulong* Sinira mo pa yung moment namin eh!

Fred: Ganun talaga bro! Pasensya. Hahaha!

Marami ang nanuod sa kanilang production. May mga executives at talent scouts na pumunta. Dumagdag ito sa kanilang kaba ng nalaman nila ito. Bago magsimula ang production ay nagdasal muna sila para sa success ng kanilang pinaghirapan. Nag-group hug din sila upang mawala ang kanilang kaba.

Maya maya pa ay nagsimula na ang production. Makikita sa mata ng mga manunuod ang saya habang nanunuod. Nagagandahan sila sa kanilang napapanuod. Madaming eksena si Gerald at Sarah. Kilig na kilig sa kanila ang mga manunuod. Isa sa pinakamagandang eksena ng play ay ang pag-amin ni Erick sa kanyang tunay na nararamdaman kay Roan.

Sarah (Roan): Alam mo naguguluhan na ako sayo!

Gerald (Erick): Kasi palagi akong sweet sayo? Palagi akong nakabuntot sayo? Palagi kitang pinagtatanggol sa iba? Palagi kitang pinagdadamot sa iba? *umiiyak* Roan! Manhid ka ba o nagmamanhid manhidan? Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat? Mahal kita Roan! Mahal na mahal kita! Napapagod na ako tuwing pinapakinggan ko yung mga hinanakit mo na sana kayo pa rin ni Kevin. Na sana siya yung kasama mo. Na sana siya yung nagpapasaya sayo. Ang sakit sakit na Roan. Ang sakit sakit na! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo dati kasi siya lang palaging laman ng isip mo. Andito naman ako oh! Handang ibigay sayo lahat pero pinipili mong balewalain ako kasi mas gusto mo siya. Matagal na kitang mahal Roan. Simula ng mas makilala kita ng mabuti minahal na kita. *umiiyak pa rin at dahan dahang lumakad papalayo*

Sarah (Roan): E—Erick! *hinabol si Erick at yinakap sa likod habang umiiyak na din* Na—Natakot ako. Natakot ako na baka mawala ka sa akin Erick. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan natin kapag sinabi ko sayo ang totoo. Oo, pa—palagi akong nagkukwento tungkol kay Kevin pero alam mo bang tuwing nagkukwento ako ikaw ang nasa isip ko? Iniisip ko kung ano ang magiging reaction mo. Kung maaapektuhan ka ba o hindi. Pero palagi mo lang pinapakita sa akin na hi—hindi ka apektado. Mahal din kita Erick. Matagal na din kitang mahal. Mas pinili kong itago na lang ang nararamdaman ko sa pag-aakalang wala naman akong mapapala kapag sinabi ko sayo ang totoo. Pasensya na kung na—naging manhid man ako sa paningin mo. Ayaw ko lang isugal ang pagkakaibigan natin sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon