Author's Note:
Sorry po kung ngayon lang ako nakapag-update. Busy lang sa studies. Medyo late na nga ako sa latest na news about sa ating mag-BABES. :)) Anyways, pagpasensyahan niyo na po itong update na ito (nagrereview po kasi ako para sa exam mamaya nung sinulat ko to). Sana magustuhan niyo. Pordalab ng mag-BABES! :))
Chapter 22
Sa harap ng bahay ng mga Geronimo
Sarah: Salamat sa gabing ito. Hinding hindi ko to makakalimutan. *sabay yakap kay Gerald*
Gerald: *binalik ang yakap ni Sarah* Salamat din. Hinding hindi ko din to makakalimutan. Basta palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita.
Sarah: Mahal na mahal din kita. *bumitaw sa pagkakayakap* Gusto mo bang pumasok muna?
Gerald: Wag na. Baka tulog na din kasi si tito at tita. Baka makaistorbo pa ako.
Sarah: Sigurado ka?
Gerald: Oo, gabing gabi na din kasi. Baka hinahanap na din ako nila mama at papa.
Sarah: Uhmmm, sige.
Gerald: Sars?
Sarah: Oh?
Gerald: May tanong lang ako.
Sarah: Ano yun?
Gerald: Uhhmm, anung ibig sabihin nung *sabay pout* kanina?
Sarah: Anong? *sabay pout*
Gerald: Uhhmm, yung ano, *sabay pout*
Sarah: Ano nga?
Gerald: Yung kiss natin kanina, anong ibig sabihin nun? Tayo na ba?
Sarah: …
Gerald: Sarah?
Sarah: …
Gerald: Sars?
Sarah: …
Gerald: Sarah? *sabay kalabit*
Sarah: …
Gerald: Sorry kung natanong ko. Sorry din kung mukhang nagmamadali ako. I’m so sorry. Sige na, pasok ka na sa loob. Uwi na din ako.
Sarah: …
Gerald: Uhmmm, sige, bye. *sabay halik sa pisngi ni Sarah*
Pasakay na ng kotse si Gerald ng bigla siyang tawagin ni Sarah.
Sarah: Ge!
Gerald: *lumingon, malungkot ang mga mata at boses* Bakit?
Sarah: Yung sa tanong mo kanina.
Gerald: Ano?
Sarah: Oo yung sagot ko!
Gerald: O—Oo? As in OO ang sagot mo!?!
Sarah: Oo!
Gerald: *mabilis na tumakbo papunta kay Sarah at mahigpit na yinakap ang dalaga na halos binuhat niya na ito* I love you Baby Girl! You don’t know how happy I’m right now! I love you so much! Thank you for making me the happiest and luckiest guy in the world!
Sarah: *binalik ang mahigpit na yakap ni Gerald* I love you too Baby Boy! Pero please wag mo na akong bolahin ah.
Gerald: *inalis ang pagkakayakap kay Sarah* Hindi kita binobola. Masayang masaya ako saka sobrang swerte ko ngayon.