Bago magsimula ang rehersals
*kasama nila Gerald at Sarah ang iba pang mga babaeng cast*
Gerald: Baby Girl, punta muna ako sa mga boys ah. Makikipagbonding lang ako, ok lang po?
Sarah: Oo naman Baby Boy, walang problema sa akin.
*bigla siyang hinalikan ni Gerald sa pisngi*
Sarah: Ayy! *sabay hampas sa braso ni Gerald* Ikaw ah!
Pagkaalis ni Gerald ay tinukso siya ng mga kasamang babae.
Anne: Ganyan ba talaga kayo ka-close ni Papa Gerald? Hahaha!
Sarah: Oo. Kababata ko kasi yun si Gerald. Sabay na sabay kaming lumaki. Bestfriend ko na yan noon pa.
Anne: Ang swerte mo naman. Ang gwapo naman ng bestfriend mo. Pero may tanong ako.
Sarah: Ano naman yun ate?
Anne: Bestfriends lang ba talaga kayo? Hindi pa ba kayo mag-BFGF?
Sarah: Hala. Hahaha! Bestfriends lang talaga kami. Siya na lang tanungin niyo tungkol dyan. Nakakahiya naman kung ako pa ang magsasalita.
Yeng: Hahaha! Kastiguhin natin si kuya Ge mamaya.
Maja: Oo nga para alam na natin kung may pag-asa pa tayo kay Papa Gerald! Hahaha! Joke lang yun ah!
Sarah: Kayo ah. Mga echosera kayo. Hahaha! Ako may tanong ako sa inyo. Walang KJ ah! Dapat lahat sasagot! Hahaha!
Yeng: Daya nito oh. Naninigurado masyado. Hahaha!
Sarah: Ganun talaga! Sino crush niyo dito sa production? Hahaha! Mauna ka Yenggay.
Yeng: Crush lang naman di’ba? Hahaha. Si kuya JL.
Anne: Ako si Sam. Hahaha.
Maja: Ako si Enchong. Cute siya eh.
*tawanan silang lahat*
Sarah: Kanina ka pa tahimik dyan Kim, may problema ba?
Kim: Ahh, eh, wala naman.
Maja: Sino ba crush mo dito sa production?
Kim: Si ano…
Anne: Si?
Kim: Si kuya Gerald.
Anne: Lahat naman ata tayo may crush kay Gerald eh. Pero hanggang crush lang tayo kasi “taken” na siya.
Sarah: Huh? May GF na ba si Gege? Bakit hindi ko ata alam?
Yeng: *binatukan si Sarah* Adik ka din! Ikaw yung tinutukoy ni ate Anne noh.
Sarah: Hindi pa kaya kami.
Maja: Pero halata namang may gusto siya sayo eh.
Anne: Tomo!
Sarah: Eh…
Yeng: Aangal pa! Wag ka ng choosy Sars! Package na yung binigay sayo ni Bro oh! Tatanggihan mo pa ba?
*tawanan silang lahat*
Sarah: Basta espesyal sya sa akin. Isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kung ano man yung makapagpapasaya sa kanya doon ako, susuportahan ko siya dun.
*hindi napansin ni Sarah na papalapit na pala si Gerald at ang iba pang mga boys habang sinasabi niya iyon, narinig ni Gerald lahat ng kanyang sinabi*
Gerald: *malambing na boses* Alam mo namang ikaw lang ang nakakapagpasaya sa akin eh.
Sarah: Ay palaka!